V. Madarama ang Drama I

181 8 6
                                    


"Sey,"

Hindi ko napansin nakatitig na pala ako sa bintana ng kwarto bago bumalik sa laptop kung saan pinapakita ang isang babae, at sa mukha pa lang nito makikita mong alalang-ala siya sa nag-iisang pamangkin nito.

"'Sensya na Tita Francille; marami lang po ko iniisip ngayon."

"Are you sure you're alright? Y'know I can book the next flight and come for you."

Napangiti ako. "Okay lang po ko Tita, promise. Kaya lang ako nagkakaganito ay dahil sa hinaharap ko ngayon, pero alam kong huhupa rin 'to. Kung 'yung mga nagkaka-video scandal nga nalalagpasan nila, ako pa kaya?"

"This is different! Nangyari 'to live kung sa'n nakita ka ng buong bansa Seychelles! Nangyari 'to na kasama mo ang pangulo ng Pilipinas!"

Hindi na ko nakasagot nang maalala ko 'yung gabi na 'yun.

Halos nakaka-isang linggo na mula nang ganapin ang live interview ng Dekada at kung saan nangyari ang binanyagan 'Scandal of the Century'—kung saan nalaman ng buong mundo na ang pangulo ng Pilipinas ay may babae, at ang babae na 'yun ay ako.


Ms. Seychelles F. Lafuentethe president's woman.


Pero alam nating lahat na hindi totoo 'yan at may rason kung bakit nangyari ang gabi na 'yun.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tita Francille bago 'to nagsalita. "Nag-aalala ako, Sey—nag-aalala kami ng tito mo sa'yo. Kahit ba nasa kabilang dulo kami ng mundo, 'yan at 'yan lang ang naririnig namin—at ang papangit pa lumalabas sa bibig ng iba! Sabi ko naman sa'yo, babalik na ko diyan at tutulungan na kitang ayusin ang papeles mo para dito ka na sa'min."

"...Alam ko po naman 'yun Tita. Kahit hindi niyo po sabihin, 'yan lang naman din ang maririnig mo dito—sa TV, radyo, dyaryo, lalo na sa social media, ang sakit talaga magsalita ng mga tao. Pero problema ko po 'to at pinipilit ko po maging matatag, at sinasabi ko sa sarili ko na kakayanin ko 'to at baka isang pagsubok lang 'to ni Lord sa'kin. Ipapakita ko po sa kanila na hindi ako susuko. Tsaka ayaw ko pong abalahin kayo sa ngayon, Tita; alam kong medyo tight kayo at nagka-college na diyan si Olivia."

"Huwag mong alalahanin 'yang mga pinsan mo at nag-aalala rin sila sa'yo. Mula nang marinig nga 'yan ni Olivia, kulang na lang lumipad na siya pabalik ng 'Pinas." tugon nito. "Si Pierre naman, hindi man niya pinapakita pero tinatanong ako niyan sa kalagayan mo. Ikaw lang ang nag-iisang pinsan nila Sey, at hindi nila gustong nakikita na nadadawit ka sa ganyan."

Kahit konti gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko. Matagal na kaming hindi nagkikita ng dalawang pinsan ko pero hindi pa rin nila ako nakakalimutan. Miss na miss ko na talaga ang pamilya nila.

"Sabihin niyo po sa kanila na huwag sila mag-alala at kayang-kaya 'to ng ate Sey nila. Sabi nga sa kanta ng South Border, "There's a rainbow always after the rain~" Napangiti ako. "Malalagpasan ko po 'to, Tita. Tsaka malay lang natin, baka ito 'yung paraan ni Lord na pakilalanin ako sa buong mundo at maging daan para sa pagiging sikat na TV host ko!"

"Nasisiraan ka na ng ulo, Seychelles."

"Ganyan kaya nangyari kay Kardashian! Nagkaroon nga siya ng show dahil diyan."

Napailing na lang 'to bago ako tingan ng seryoso. "Pero Sey, aminin mo; totoo ba?"

"Ang alin po?"

"You and him."

Napaisip ako bago ko napagtanto ang sinasabi niya. "Ano ka ba Tita!"

"Sey, malaki man ang tanda niya sa'yo kaya kong tanggapin 'yun, pero presidente pa talaga?"

The Pres. & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon