III. #SelfiewithPres

158 8 6
                                    


Nang makita ko pa lang sa malayuan ang puting building, napuno ako ng sabik at hindi ko aakalain sa buong buhay ko na makakapasok ako dito.


Ang official residence ng pangulo ng bansa: ang Malacañang Palace.


Hindi talaga ako makapaniwala at iimbitahin ako ng presidente dito, lalo na sa nangyari lang nung nakaraang mga araw; hanggang ngayon talk of universe pa rin si Gagamba Girl—aka me.

Kinabahan nga ko nung una at bakit ako pinapapunta, pero 'yun pala ay para raw pasalamatan ako ng mismong pangulo sa pagligtas ng buhay niya. At nang malaman ko ang dahilan, aba'y siyempre, hindi ko tatanggihan ang courtesy call ng presidente at ang pagkakataon na makapasok sa palasyo!

"So ito pala ang White House ng 'Pinas. Taray~"

Kasama ko rin ngayon si Quinton dahil hindi siya pumayag na ako lang pupunta at nag-aalala raw 'to at baka kung ano mangyari sa'kin, pero ang totoo ay gusto lang niyan sumama.

Nang makita nga ang Mercedes-Benz na maghahatid sa'kin, halos maaway na niya ang driver sa pagpipilit nitong sumakay.

Huminto ang kotse  sa entrance at pinagbuksan kami ng pinto, at pagkababa biglang nilabas ng kaibigan ko ang cellphone nito. "Selfie time!"

Nagkuhanan nga kami sa harap ng palasyo pero sinaway kami ng mga guard at pinapasok na kami.

Elegante sa tingin ang loob nito at para kang bumabalik sa dating panahon. Umakyat kami sa second floor at dumiretso sa reception hall, at dito nakalinya sa bawat pader ang portraits ng mga naging pangulo ng bansa. 

Nandito rin ang sa kasalukuyang presidente at ang masasabi ko lang ay pati rin sa presidential portrait nito ay ang guwapo-guwapo niya~


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinaupo muna kami sa isang waiting room, at siyempre pag-alis ng mga tauhan, nagkuhanan kami ni Quinton for the memories, and for the Instagram likes na rin~

"Grabe bes! Like gusto kong mag-selfie sa bawat sulok ng building na 'to!"

"I feel you beks~" tugon ko. "Pero teka, asan kaya CR nila dito? Kailangan kong mag-banyo sandali."

"Sa laki pa lang ng building na 'to, siguradong may isang daang inidoro sila."

Iniwan ko 'yung isa nagse-selfie sa carpet at lumabas para magtanong sa guard. Tinuro nito kung nasaan ang CR at naligaw pa ko nung una pero nakita ko rin 'to. Pagkatapos kong gumamit, naligaw na naman ako pabalik hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan na ko.

Shemai, hindi kaya pinaglalaruan ako ng mga multo? Sabi nga nila may paranormal activities dito; isa sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ng mga nakaraang pangulo tumira dito. 

The Pres. & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon