I. Inatake Ko si Pres.

362 14 1
                                    


"Makibaka! Huwag matakot!"

Dali-dali akong lumusot sa daan-daang tao na nagkalat sa kalsada—iniiwasan ang mga may hawak na karatula at mga sumisigaw ng saloobin nila—habang nagmamartsa silang lahat patungo sa isang gusali. Papunta rin ako dun, pero mas kailangan kong mauna at ito lang ang pagkakataong binigay sa akin.

"Makibaka! Huwag matakot!"

Sa dami ng tao hindi ko makita kung nasaan na kami kaya pumunta ako sa gitna at tumuntong sa bakod na humahati sa kalsada, at doon ko nakita na malapit na kami sa destinasyon naming lahat: ang House of Representatives.

"MAKIBAKA! HUWAG MATAKOT!"  

Nakita ko sa bandang harapan na nagsisimula nang uminit ang tensyon sa pagitan ng mga rallyista at pulis. Hindi talaga maiiwasan ang eksena na 'to, lalo na sa araw na 'to. Bababa na sana ako nang marinig kong may tumawag sa'kin.

"Bes!"

Hindi ako nahirapan hanapin 'to at boses pa lang ay daig na ang isang daang tao. 

"Bes, wait for me!"

"Bilisin mo Quinny!" Nang makalapit 'to agad ko siyang hinila at tinuntong sa tabi ko. 

"Grabe ka naman bes! Muntik na kaya akong malunod!"

"'Sensya na, akala ko kasi nakasunod ka sa'kin. Pero malapit na tayo, konting kembot na lang."

"Anong konting kembot? Hindi mo ba nakikita 'yung mga PNP?! Bibigyan kita ng flying ovation kung makekembotan mo mga 'yan!"

"Sige na beks~" kulit ko sa kanya. "Kung kailan malapit na tayo ngayon ka pa magba-back out."

"Hindi ako nagba-back out! Pinoproblema ko 'yung dress ko! It's dirty already!" reklamo nito habang inaayos ang damit. "Tsaka ang hirap kaya gumalaw sa suot ko na 'to!"

"Bakit ka ba kasi nakaganyan?"

Ang suot lang naman ng bruha ay para bang isa siya sa rarampa sa red carpet. Ang tawag niya dito ay "barong-saya"—naka-barong siya pero itim na saya ang pambaba nito.

"Alangan naman mag-boxers ako sa espeyal na araw na 'to! Kung 'yung mga asawa nga ng politiko nagsisitalbugan sa mga gowns nila na para bang sila ang bida, ako pa kaya!"

"Sige na, sige na; 'lika na't baka hindi pa natin maabutan!" sabi ko bago ako tumalon pababa.

"Hoy republika ng Seychelles! 'Wag mo kong iwan!"

"Sumunod ka lang Quin-!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at inalon na ko ng mga tao.

Ako nga pala si Seychelles F. Lafuente—ang 26 yrs. old sweet darling ng Luzon!


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kakaiba ang pangalan ko noh? Well sa kuwento kasi ng parents ko, noong pinagbubuntis pa ko ni nanay, ang ine-expect nila ay lalaki ang lalabas; eh kaso putol ang birdie, kaya hindi nila alam kung anong ipapangalan sa'kin. Naisipan ng tatay ko na kumuha ng world map sa bodega at doon sila pumili ng ipapangalan sa'kin, at ang napiling bansa ay ang Seychelles.

The Pres. & IWhere stories live. Discover now