CHAPTER SEVEN

2.4K 83 1
                                    


"NAKASIMANGOT ka na naman," sabi ni Wil pag-upo sa tabi ni Yelena.


Sinulyapan lang niya ito saka muling tumingala sa langit, humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay nahiga sa mahabang upuan sa ilalim ng puno at ginawang unan ang hita ni Wil. Matapos ang klase niya ng alas-diyes y medya ng umaga, doon muna tumambay si Yelena sa school garden dahil ala-una pa ang susunod na subject niya.


"The weather is so nice today. Minsan, naiisip ko, why can't everyone be nice to me?" tanong niya.


Nang medyo masilaw sa liwanag ay sinuot niya ang sunglasses saka muling pinagmasdan ang asul na kalangitan.


"Bakit? Nice naman ako sa'yo ah," sagot ni Wil.


"Alam ko naman 'yon, kahit di halatang nice ka," biro pa niya, sabay hagalpak ng tawa.


"Ah ganon? Iwan kita dito eh," banta nito.


"Joke lang! Ito naman, sensitive!" sabi niya.


"Seriously, Yelena. Nag-away na naman ba kayo ni Stefani?" seryosong tanong ni Wil.


Umiling siya.


"Ang sabi nila, kaibigan ko sila. Ramdam ko 'yong sincerity nila, at alam ko na totoo sila sa akin. We all grew up together, si Ren, mula pagkabata kilala na namin ang isa't isa. Pero bakit ganoon, Wil? Bakit hindi nila ako kayang paniwalaan? Dahil ba nakikita nilang matapang ako, akala nila wala na akong karapatan masaktan? Na hindi ako puwedeng maging mahina?" tanong ni Yelena.


"Umupo ka, then look at me," ani Wil.


Sinunod ni Yelena ang sinabi nito. Hinubad ni Wil ang suot niyang sunglasses at hinawakan siya sa magkabilang balikat.


"I believe you. Alam mo na kakampi mo ako sa lahat ng oras. Hindi ka man paniwalaan ng iba, ako, handa akong maniwala sa lahat ng sasabihin mo. Dahil alam ko kung sino ang totoong Yelena. She's a brave woman on the outside, but her heart is soft, at kailangan nito ng mag-aalaga. At handa akong ipagtanggol ka sa kahit na kanino," sabi ni Wil, habang deretso itong nakatingin sa mga mata niya.


Maluha-luhang ngumiti si Yelena, pagkatapos ay sinandal niya ang ulo sa balikat nito.


"Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?" aniya.


Umakbay si Wil sa kanya. "Huwag kang mag-alala, hindi ako mawawala. Nandito lang ako palagi, kahit noon pa, hindi na ako umalis sa tabi mo," makahulugang sagot ng kaibigan.


Muli siyang bumuntong-hininga. Pagkatapos ay niyakap ang braso nito.


"Bakit ba hindi na lang ikaw ang minahal ko? Baka hindi pa ganito ka-komplikado," sabi ni Yelena. Wala siyang narinig mula dito kung hindi ang mabigat nitong paghinga.

Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR)Where stories live. Discover now