CHAPTER FOUR

2.5K 90 10
                                    

MATAPOS mag-warm up ay agad na dumeretso sa training si Yelena. Noong nagda-dalaga ay nahilig na siya sa iba't ibang klase ng work-out at martial arts. Ang Lolo niya na magaling sa martial arts ang nagturo sa kanya, gaya ng kickboxing and taekwondo. Noong una ay ginagawa lang niyang libangan iyon, hanggang sa kalaunan ay naging daily routine na niya ang mag-training. Ngayon na nasa America na ang lolo niya, si Wil, ang bestfriend niya ang madalas niyang ka-sparing.

Pero para sa araw na iyon, ang Daddy muna niya ang kanyang trainor. Sabay silang nag-shadow boxing, pagkatapos ay nag-sparring pa silang dalawa. Natawa si Yelena na bumagsak sa sahig at mapaupo ang Daddy niya matapos tamaan sa mukha pagsuntok niya.

Napalingon sila ng dumating ang Mommy niya.

"Naku, dahan-dahan nga kayong dalawa at baka totoong magkasakitan kayo. Ikaw Yelena, konting pino sa kilos! Kaya ka sinasabihan ng siga eh!" puna sa kanya ng Mommy niya.

Natawa lang siya saka tinapik sa balikat ang ama.

"That's okay, Dad. Mild lang 'yong suntok ko," natatawang sabi niya.

"Anak, anong klaseng training ba ang tinuro sa'yo ng Lolo at bakit parang mas malakas ka yatang sumuntok sa akin?" hinihingal na tanong ng ama.

"Dad, ang sabihin mo tumatanda ka na," tudyo niya dito sabay tawa.

"Daig ko pa ang may lalaking anak," sabi nito, sabay tayo.

"May important phone call na naghihintay sa'yo sa bahay. Tungkol sa latest business transaction mo," sabi ni Abby sa asawa.

"Teka nga, uuwi muna ako."

Natatawang sinundan ng tingin ni Yelena ang ama habang palabas ng nag-iisang gym sa Tanangco. Nagtaka siya ng magpaiwan doon ang Mommy niya.

"Ma, bakit hindi ka pa sumunod kay Daddy?"

"Anak, sabihin mo nga sa akin ang totoo. May problema ka ba sa school? Ito ba 'yong naririnig namin na palagi mong kaalitan na si Stefani?" tanong ni Abby.

Natigilan siya. "Alam n'yo?" tanong pa niya.

"Anak naman, major investor doon ang Daddy mo. Lahat ng nangyayari doon ay nakakarating sa amin. Kaya nga gusto kitang tanungin, totoo ba ang sinasabi nila na binu-bully mo daw siya?"

Bumuntong-hininga si Yelena saka umiling. "Hindi po. Kilala n'yo naman ako Mom, mainitin ulo ko pero kahit kailan hindi ko ginamit ang kaya ko sa mga walang laban sa akin. Nagkakasagutan po kami madalas, pero hindi ko siya sinasaktan," sagot niya.

"Pero sabi nila sinasaktan mo daw siya?"

"Hindi po! Mom, I swear to God kahit kailan hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. It may sound ridiculous, pero she hurts herself para magmukha akong masama kay Ren," pag-amin niya.

"Anong sabi ni Ren?"

Malungkot siyang tumungo. "He doesn't believe me," naiiyak na sagot niya.

"I heard about that Stefani. She's a bright student, maganda and popular. Maraming nagsabi sa akin na mabait daw siya," sabi ng Mommy niya.

"Iyon nga po dahilan kaya walang maniwala sa akin," aniya.

"Pero ako anak, I believe you."

Napatingin siya sa Mommy niya. "Talaga po? Kahit wala akong maipakitang evidence sa inyo?"

Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR)Where stories live. Discover now