CHAPTER THREE

2.5K 95 6
                                    

NAPATINGALA sa langit si Yelena, naroon siya sa veranda ng kuwarto niya at nag-star gazing. Hanggang ngayon ay laman pa rin ng kanyang isipan ang nangyaring komprontasyon sa pagitan nila ni Ren. Hanggang ngayon ay parang may tumutusok na maliliit na karayom sa puso niya sa tuwing maalala kung paano ipagtanggol ng binata si Stefani. And just thinking about staying away from Ren hurts her so much. Pero mukhang kailangan niyang tiisin, para sa ikatatahimik ng buhay niya.

Simula ng malaman niya ang ginawa ni Stefani, at mabuking niya na may gusto ito kay Ren. Doon na nasira ang pagkakaibigan nila, Stefani hates her more than anyone. Hindi na nito tinitingnan man lang ang naging pagkakaibigan nila noon. Kahit ganoon ang ugali niya, totoo siya sa lahat ng nagiging kaibigan niya. Maging kay Stefani. Simula ng malaman niya ang kasinungalingan nito, doon na rin nagsimula ang kalbaryo niya mula sa verbal bullying at pangha-harrass nito sa kanya. Sumasagot si Yelena sa lahat ng salitang binabato nito sa kanya, ayaw sana niyang patulan, pero hindi rin niya kaya na hayaan ito na ganunin siya.

Noong una ay walang alam si Ren sa alitan nila, pero isang beses na nagkaroon sila ng komprotasyon ni Stefani, umabot sa punto na tinulak siya nito kaya gumanti rin siya at napaupo ito. Nakita iyon ni Ren, si Stefani na kilalang may gintong puso sa buong Unibersidad at siya na kilalang siga, matapang, at may imahe na bully, si Stefani ang kinampihan ng binata. Noong una ay labis niyang dinamdam ang ginawa ni Ren, pero ng kalaunan ay nasanay na rin siya. Habang si Stefani ay pinagpatuloy ang palihim nitong pambu-bully sa kanya. Pasalamat na lang siya at hindi siya marunong masindak, pero sa tuwing lumalaban siya, siya naman ang napapahamak kay Ren.

Lumaki sila ni Ren ng sabay. Sa kanilang lahat ng mga kababata niya, ito ang pinaka-close nila. They grew up together, at sa paglipas ng panahon. Yelena realized that what she feels is already not just as friends but more than that.

Noong nakaraan taon, hayagan ng nag-confess sa kanya si Ren. He asked her to accept his love, pero tinanggihan ito ni Yelena. For the first time, simula ng

maramdaman niyang mahal din niya ang binata. Nagawa niyang talikuran ito. Sinabi ni Yelena sa sarili na ayaw na niyang pakinggan ang lahat ng sinasabi nito. Kahit alam niyang totoo ang pagmamahal ni Ren sa kanya, mas pinili niyang lumayo at talikuran ito.

Paano niya magagawang tanggapin ito kung sa tuwina ay palaging nasa pagitan nila si Stefani? At sa tuwing magkakabanggaan sila, ay ito ang kakampihan ni Ren at hindi siya. Paano magiging maayos ang relasyon nila kung ang tiwala nito ay nasa iba? Kung mas naniniwala ito sa sinasabi ng iba, kaysa sa kanya, na ayon kay Ren ay mahal nito. Kaya kahit masakit ay mas pinili ni Yelena na huwag tanggapin ang binata.

Lakasan mo loob mo, Yelena. Kailangan mong gawin 'yon, masanay ka na! sermon niya sa sarili.

Huminga siya ng malalim at pilit na tinaboy sa kanyang isipan ang mga taong nagbibigay sa kanya ng stress. Papasok na sana siya ng kuwarto ng mapansin ni Yelena na lumabas si Ren mula sa loob ng bahay nito. Pero ang nakakapagtaka ay naka-black formal suit ito. Kasunod nito ay nagsilabasan din ang iba pang mga kababata niyang lalaki na kapareho rin ni Ren ang suot. Paglingon niya sa buong kalsada ay halos wala ng tao, nang makita ang oras ay halos alas-dose na ng hatinggabi.

"Ano kayang trip nitong mga 'to?" nagtatakang tanong niya.

Mayamaya ay nagtipun-tipon ang mga ito, base sa reaksiyon ng mga mukha ay parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nagsalubong ang dalawang kilay niya ng makitang nagsuot ang mga ito ng kulay puting maskara at naglakad papunta ng Flower Shop ng Tita Panyang niya. Bago buksan ang pinto ito ay lumingon pa ang mga ito sa paligid, pagkatapos ay isa-isang pumasok doon.

Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें