CHAPTER ONE

5.1K 140 23
                                    

          TWO TO three sets of ten push-ups a day as soon as he wakes up. Iyon na ang nakasanayan gawin ni Ren bago niya simulan ang araw. Nitong mga nakaraan linggo, regular siyang nakakapag-gym, palibhasa ay bakasyon. Pero ngayon magsisimula na ulit ang klase, tuwing Sabado na lang niya magagawa iyon. He will spend the next one hour on their mini-gym inside the house. Masyado siyang naging abala sa summer vacation, their whole family went for an Asian Cruise, and it's only been two days since they came back. Ren is now on his last year in College, next year he will start working with his Dad on their company.

"Good Morning, 'Nay," bati ni Ren sa ina paglabas niya ng kuwarto. Nilapitan niya ito saka hinalikan sa pisngi.

Naabutan niya ito na nag-aayos ng pinakamamahal nitong garden. Bahagya siyang natawa ng makitang hinaplos ng Mommy niya ang bulaklak pagkatapos ay hiningahan ito. Nang mapatingin ito sa kanya ay binigyan siya nito ng magandang ngiti.

"Kailangan ba talaga hingahan mo 'yong bulaklak? Kawawa naman, baka mapadali buhay n'yan," biro niya.

"Ay, good morning sa guwapo kong anak! Alam mo, hijo, parang kayo lang 'yan mga anak ko. Wala sila kung wala ako, iisang sinapupunan kayo galing?" sagot ni Panyang.

"Kung ganoon, may kapatid akong calacuchi?" tanong niya.

Natawa ang hardinero nilang tumutulong sa Mommy niya.

"Mang Pedring, itong anak ko talaga. Napaka-talino, mana sa Mommy!" baling nito sa hardinero.

"Ano? Breakfast ka na?" tanong naman sa kanya ng ina.

"Mamaya na po, balik alindog muna," sagot niya, saka naglakad papunta ng mini-gym nila.

"Regine! Nasaan na 'yong kapatid kong pengkum?" tanong niya sa isang kasambahay na dumaan.

"Ay nasa kusina po," sagot nito.

"Pakitawag naman please,"

"Okay Sir,"

Mayamaya ay dumating ang nakababatang kapatid niya.

"Pssst, halika dito! Oras na para sa balik-alindog,"

Pinusod nito pataas ang buhok saka lumapit sa kanya. "Ikaw lang naman hinihintay ko eh. Tagal mong magising," sagot nito saka pumasok sa loob ng gym. Before starting, Ren played some upbeat music.

"You should stretch in the morning, Reg. Para matunaw ang mga bilbil mo," puna niya.

"Tse! Nagsalita ang mahina kumain,"

"At least ako regular akong nag-exercise. Eh ikaw? Wala kang ginawa kundi kumain, kaya ang taba mo,"

"Kuya, stop nagging!"

"Bawasan mo kasi pagkain mo, ang takaw mo eh," panunukso niya.

"'Nay oh!" sigaw ni Regine.

Tumawa lang siya ng malakas saka pinagpatuloy ang pag-exercise. Pagkatapos mag-stretching, treadmill naman ang hinarap nila. Natutunan niya ang ganon klase ng exercise sa Daddy nila, their dad has a good body for a fifty-year old. Even their Mom, kaya lang ay bihira itong sumali sa exercise nila dahil magkakasakit ito kapag hindi inunang harapin ang hardin nila. Did he mention that his Mom is

obsessed with flowers?

Pagkatapos ng halos thirty minutes sa treadmill, Regine gives up.

"I'm done, may lakad pa ako," sabi nito.

Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR)Where stories live. Discover now