ABOUT THE STORY

6.1K 95 16
                                    

A little trivia about this series. Magiging honest ako talaga dito. Wala po talaga akong balak noon na gawan ng batch 2 ang Tanangco Boys. Pagkatapos ma-release lahat ng libro ng Car Wash Boys noon, nag-babay na ako sa Tanangco Street. 

Hanggang sa tanungin ako ni Sir Jun earlier ng 2016 lang na kung gusto ko ba daw na gawan ng batch 2 ang Tanangco Boys. Tumanggi ako noong una, wala rin naman kasi ako maisip na bagay sa concept na bagay sa younger generation. 

Second time na nagkita kami ni Sir, binanggit niya ulit 'yong tungkol s batch 2. Sabi ko pag-iisipan ko, pero hindi ko pa rin na-convince ang sarili ko na ituloy. 

Third time, binanggit ulit ni Sir, ayun na, pinag-isipan ko na talaga siya ng mabuti na what if kung ituloy ko nga? 

Then, I prayed for it. I asked God for wisdom. Tapos bigla kong naalala 'yong concept na nilaan ko talaga para sa Trilogy. Ang concept na kinuha ko sa music video ng GOT7 na Confession Song. Ha-ha! Kaya ayon, nabuo ang concept ng batch 2 ng Tanangco Boys.  

Nasa itaas ang video ng GOT7! Hahaha! 

Sana magustuhan ninyo ang mga anak ng mga original Pengkum! Nawa'y mahalin n'yo rin sila gaya ng kung paano ninyo minahal ang mga Nanay at Tatay nila. 

One thing I would like to ask you guys, I hope they will be able to create their own identity or image in you. And avoid comparison to the original series. Siyempre, ibang level kapag original. But I really tried my best to give you a story worth reading for. 

Have fun! Happy Reading! And Pengkum all the way! :) 


Yours truly,

Madam Pengkum (JA) ❤

Love Confessions Society Book 1: Ren Cagalingan (UNEDITED) (APPROVED UNDER PHR)Where stories live. Discover now