Impostora

561 7 0
                                    

IMPOSTORA

by ADMIN Scary Spice

==========================================================================

Si Princess Bee as in Bubule ay isang OFW sa UAE. Ang trabaho nya ay tga linis ng poso negro sa mga hotel sa Gitnang Silangan. Nag iisa lang sya sa tinutuluyan nya dahil walang tumatagal sa kanya dahil kasing baho ng trabaho nya ang bibig nya pati ang kanyang pag uugali at itsura.

Alam ni Princess Bee sa sarili nya na hindi naman sya maganda. Madaming galit at naiinis sa kanya dahil bukod sa panget na ay maarte pa. Sabi nga ng mga kasamahan nya sa trabaho ang "ANG PAG IINARTE AY MAY BINABAGAYAN" at hindi ito bagay kay Princess Bee. Alam nyo na marahil kung bakit.

Ngunit sadyang bulag ang pag-ibig. Akalain nyong may nagkagusto sa ating bidang kontrabida na si Princess Bee. Ito ay ang kasamahan nya na tga linis din ng poso negro na si Rommel Torralba. Walang pakielam si Rommel kahit mabaho si Princess Bee at mahiya ang gasul dahil sa korte ng katawan nito. Pero choosy pa ang gaga. Ayaw nya kay Rommel dahil ang gusto ni Princess Bee ay ang kanyang amo na si Lexin.

Gwapo si Lexin at syang manager ng kompanya ni pinapasukan ni Princess Bess. At ni sa hinagap ay hinding hindi nya papatulan ang dalaga. Ngunit pursigido ang ating bidang kontrabida kaya naman gagawa sya ng paraan mapansin lang ng kanyang amo.

Isa sa libangan ni Princess ay makipag chat sa mga foreigners at kapwa Filipino over the internet para perahan ang mga ito. Gumagamit sya ng iba't ibang katauhan at larawan ng ibang babae para magpanggap na maganda sya dahil kung larawan nya ang ibabalandra nya sa internet ay hindi ka gaganahan makipag chat sa kanya.

Isang araw ng matapos linisin ni Princess Bee at Rommel ang buong poso negro kung saan sila na-assign ay nakita ng panget na dalaga na pababa sa kotse ang gwapong boss na si Lexin.

Princess Bee: "Hay! Ang gwapo talaga ni Sir Lexin. Mag iipon ako ng pangpa lipo para naman mapansin nya ako."

Rommel: "Sus! Kahit magpa lipo ka pa di ka papatulan nyan. Mataas ang standard sa babae ng boss natin. Alam mo kung sino ang bagay? TAYO!"

Princess Bee: "Tse! As if naman papatulan kita! Mataas din ang standard ko noh."

Rommel: "Nag maganda ka na naman! Hahaha! Sagutin mo na kasi ako dahil tayo ang bagay. 3 taon na din ako nanliligaw sayo."

Napansin ng dalaga na may nahulog mula sa kanyang amo na si Lexin. Ang wallet nito. Dinampot nya ito at hinabol ang gwapong binata ngunit di sya narinig. Dahil sadyang pakielamera ay binuksan nya ang wallet ng binata. Nasilaw ito sa salapi na nakita nya kaya naman hindi na nya ito isosoli. Ngunit mas nasilaw sya ng makita nya ang calling card ni Lexin at nandun ang email address at Yahoo ID nito.

Kinagabihan ay todo pulbos si Princess Bee sa buong katawan nya dahil nagbabakasakali na makachat ang binata.

Princess: "Hindi na ko maliligo, hindi naman ako maaamoy ni sir. Tutal cam to cam lang naman at hindi ko papakita ang mukha ko." (sabi nya sa sarili)

Binuksan nya ang computer at nag log in sa YM. I-aadd nya ang boss na si Lexin. Umaasa sya na makakachat nya ito.

Janet_Sweet666 ang yahoo ID na gamit ni Princess Bee at ang binata naman ay Mr.Handsome13. Halos magtatalon sa tuwa si Princess Bee ng i-accept sya ng binata.

Janet_Sweet666: "Hi! Ctc?"

Mr.Handsome13: "Nice picture. Where u from?"

Janet_Sweet666: "Im from Phils. But i stay here in UAE for about 5 years."

Mr.Handsome13: "Really? Pinoy din ako. Nandito din ako sa UAE. May webcam ka ba?"

Janet_Sweet666: "Meron, kya lang hindi ako nagpapakita ng mukha. Kung gusto mo katawan lang." :P

Tila nagustuhan naman ng binata ang nabasa dahil nakainom ito sadyang nag init sa sinabi ng ka-chat.

Mr.Handsome13: "Sure! Gusto ko yan."

Pinatay muna ni Princess Bee ang ilaw para hndi masyadong mahalat ang fats sa katawan.

Sinimulan na mag show ng dalaga. Kahit walang kapalit ay payag sya dahil matindi ang tama nito kay Lexin. Ngunit nagkamali pala sya sa pag ttype ng Yahoo ID. Imbes na Mr.Handsome12 ay Mr.Handsome13 ang nailagay nya. Kaya ang inaakalang nyang ka chat nya na si Lexin ay walang iba kundi ang kauri nya na si Rommel na malapit lang din sa tinutuluyan nya.

Tila nagtataka naman si Rommel dahil ang nakita nya sa picture ay slim ang katawan ngunit ang nag sho-show sa webcam ay mataba.

Rommel: "Parang kilala ko ang katawan na 'to ah. Sya lang naman ang korteng gasul na kilala ko." (sabi nya sa sarili)

Dahil nakainom ay pinagtyagaan na ito ni Rommel, habang nanunuod ng show ay kumuha muna sya ng atsara sa kusina para di sya maumay. Ng makita nya ang malaking pimple sa chin ng nag sho-show ay dun nya nasiguro na si Princess Bee nga ito.

Sa kabila ng kapangitan at kabahuan ni Princess Bee sa katawan ay gustong gusto pa din sya ni Rommel. (marahil ay may pagka RETARDED ito) Dahil lulong sa espiritu ng alak ay naisipan nyang gahasain ang dalaga.

Mr.Handsome13: "Gusto mo bang puntahan kita jan?"

Sa pag aakala ni Princess Bee na si Lexin ang ka-chat ay agad itong pumayag. Ngunit may kondisyon. Bwala buksan ang ilaw.

Agad naman nakarating si Rommel sa tinutuluyan ng dalaga. Habang nagaganap ang alam nyo na ay biglang may nagtxt kay Rommel dahilan na mgakaroon ng konting liwanag. Laking gulat ni Princess Bee ng makita kung sino ang nasa ibabaw nya. Sya pa ang nandiri at kala mong malinis sa katawan kaya naman galit na galit sya at pinukpok ng vase sa ulo si Rommel. Hindi pa nakuntento ay pinagsasaksak nya ito.

Mabilis nag isip si Princess Bee. Ibinalot nya sa kumot ang bangkay ni Rommel at itinapon sa poso negro. Sa pangalawang pagkakataon ay naligo ang dalaga para mawala ang mantsa ng dugo sa kanyang malapad na katawan. Habang naliligo ay napapikit na lang sya dahil sa nagawang krimen. Pagdilat nya ay nasa harapan nya ang duguang mukha ni Rommel.

"Pinatay mo ako kaya isasama kita kung nasan ako" nakakatakot na tinig ni Rommel

"Aaaaaaaahhh!" sigaw ni Princess Bee.

Agad nyang kinuha ang tuwalya at agad agad lumabas ng banyo. Paglabas nya ay nandun na naman ang multo ni Rommel at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Kahit masagwang tignan na tuwalya lang ang ngatatakip sa kanyang katawan ay dali dali syang lumabas sa tinutuluyan. Dahil sa pagkataranta ay napatid sya malapit sa poso negro na di pala nya natakpan kung san nya tinapon ang bangkay ni Rommel. Patay si Princess Bee dahil nalunod sya sa sariling dumi. Eeewww!

Simula noon ay nagsara na din ang kompanya kung san nagtatrabaho sina Rommel Torralba at Princess Bee. Sinasabi ng mga empleyado na madalas magparamdam ang dalawa. Ngunit imbes na mag amoy bulaklak o kandila eh alam nyo na.

==========================================================================

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon