Bato Bato Pik

788 9 0
                                    

BATO BATO PIK

by: Melanie Quilla

==========================================================================

It was the 31st day of October.

Marami ng tao ang abala sa pag-aasikaso ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namatay na. Holiday kinabukasan dahil Undas pero ako sa halip na tumulong sa mga magulang ko sa paglilinis ng puntod ni lolo, iba ang inatupag ko. Naghanap ako ng malilipatang bahay, hindi para sa akin, kundi para sa isang malapit na kaibigan. Ilang units ng apartment din ang tiningnan namin pero wala siyang magustuhan. Until we saw that modern condominium type of apartment. Hindi ko alam na may ganoong apartment pala sa kahabaan ng kalsadang iyon. In fact, hindi ko naman iyon napapansin tuwing madadaan ako sa lugar na iyon.

Hindi ko rin alam ang dahilan pero mataman akong napatitig sa kabuuan ng gusali. Maganda naman ang disenyo, mukhang katatayo lang noon pero may kung anong duda ako.

“Uy, mukhang maganda ito ah,” sabi ni Jeff.

“Tara tingnan natin,” sambit ko na lang.

Pumasok kami sa gusali para hanapin ang landlady. Pero unang hakbang ko pa lamang papasok sa gusali ay kinilabutan na ako. Malamig na hangin ang sumalubong sa amin. Kakaibang lamig. Iba ang kutob ko. Saan galing ang malamig na hangin gayong di naman masyadong malamig ang klima at mukhang walang lagusan ng hangin mula sa loob?

Habang kausap ni Jeff ang landlady ay inilibot ko ang paningin sa magkabilang pasilyo. Nasa gitna kasi kami. Parehong may kadiliman ang parehong pasilyo. Natuon ang atensyon ko sa kanang pasilyo lalo na nang marinig ko ang ingay ng mga batang naglalaro.

“Bato-bato pik!”

“Bato-bato pik! Ah, talo na kita, kuya Euben!” sambit ng masiglang tinig ng isang batang babae.

“Hindi kaya, mahahabol pa kita. Bato-bato pik!”

Na-engganyo akong puntahan ang mga batang naglalaro. Mahilig kasi ako sa mga bata. Nakaka-miss din ang ingay ng mga bata dahil wala ng bata sa compound namin. Gusto ko lang sanang panoorin maglaro ang mga bata. Hahakbang na sana ako papunta sa direksyong pinagmulan ng mga ingay ng bata nang pigilan ako ng dalagang landlady. Hinawakan niya ako sa pulsuhan. Malamig ang kanyang mga kamay. 

Nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niya nang sabihin niyang, “Pasensya na, ganito talaga dito.” Pagkatapos ay binitawan na niya ako. Tumalikod siya sa amin. Pero kahit nabitawan na niya ako ay pawang ramdam ko pa rin ang nanlalamig niyang kamay sa pulsuhan ko.

Binalingan ko si Jeff na nakatingin lang sa babae.

“Miss, pwede bang makita ang available units nyo?” tanong ni Jeff. Tila wala itong napapansing kakaiba sa landlady.

Lumingon uli sa amin ang babae. “Sige, sumunod kayo.” Nauna itong maglakad sa kahabaan ng kaliwang pasilyo pagkatapos ay umakyat kami sa second floor.

Ayoko na sanang sumama pero anong magagawa ko? Hawak na ni Jeff ang kamay ko.

“Kelangan approved din sa’yo ang bahay para anytime, pwede kang maging at home pag dinalaw mo ako.”

Marami pang sinabi si Jeff habang sinusundan namin ang babae. Pero hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya. Okupado ng babaeng sinusundan namin ang atensyon ko.

Huminto ang babae sa tapat ng isang pinto. RM 136. Binuksan nito ang pinto pagkatapos ay saka nilingon kami.

“Iyan ang silid, sige pumasok kayo at tingnan nyo.”

Excited na pumasok si Jeff. Mukhang nagustuhan niya ang silid. Maayos naman, bago ang mga gamit, at fully furnished na. Habang abala si Jeff sa pagtingin-tingin ay hindi naman maiwasan ng mata ko na pasimpleng sulyapan ang babaeng nanatili lamang nakatayo sa pintuan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nakatingin din siya sa akin. Alam kaya niya ang iniisip ko? Alam kaya niyang alam ko ang sitwasyon niya?

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon