Unexpected Story: Waste

616 3 0
                                    


Unexpected Story: Waste 
By Jonel Najera 

=========================================================================


Kakalipat ko lang ng Dorm nung isang linggo, isa akong IT student sa isangkilalang iskwelahan. Isang gabi ako lang ang naiwan sa Dorm namin, umuwi muna ang roomate ko sa kanilang tinitirahan dahil sa isang emergency. Sa sobrang daming thesis na tinatapos ko, inaabot na ko ng 2:30 ng madaling araw. Malapit ako sa bintana ng dorm namin nakaupo at gumagawa ng thesis nung gabing yon, medjo nagtitipid ang landlord sa kuryente kaya't lamp shade lang ang gamit kong ilaw sa kwarto namin.



Sa sobrang pagod at tuliro sa pagwa ng thesis ay naisipan ko munang mag break kahit saglit, napatingin ako sa labas ng bintana. Sa labas, di kalayuan sa kanto ng iskinitang kinatatayuan ng dorm, ay may tapunan ng basura. Medyo madamidami ang nagtapon nung gabing iyon, dahil kinabukasan ay kukunin na ito ng track ng basura. Nagawi ang pansin ko banda sa may basurahan ng di ko maantindihan, ng nakatitig ako ay parang may napansin akong gumalaw. 




Di ko ito masyadong pinansin dahil baka pusa o aso lng ito, at medjo malayo layo ang tanaw nito mula sa binatana dorm. Nilibot libot ko lng ang tingin ko sa labas pero, mukang tinatawag ako ng pansin sa may basurahang iyon. May gumagalaw na kung "ano" akong nakikita, di ko ito
mapaliwanag nung una dahil malayo ito. Medyo napansin ko na napapatagal ang break ko, kaya't sinara ko muna ang pinto ng bintana. Lumipas ang ilang minuto pero mukang di ako ako mapakali, kaya't sumilip ako mula bintana para silipin ang basurahang iyon. At doon nakita ko na may nakatayong tao, na mukang kumakaway. 




Tinitigan ko itong mabuti, pero di sya gaano makita dahil sa poste ng ilaw na nakatapat sa likuran nito. Nalingat ako sa ginagawa ko saglit, at ng tinitigan ko ulit ay nawala ito, .... laking gulat ko na meron palang nakatayo sa bubong ng isang bahay di kalayuan sa basurahan na kumakaway. 




Di ko pa ito gaano makita. Napansin ko na parang nakatingin ito sa akin, kaya tinago ko ang ulo ko. Nang sinilip ko ulit ay bigla nalang itong nawala.... pero halos mahimatay ako ng makita ko na nasa bubong na pala ito sa ikalawang bahay katapat ng dorm namin. Kitang kita ko na nakatingin ito sa akin, isang batang babaeng maikli ang buhok, na punit punit ang damit na nakapalda... NAKANGANGA at KUMAKAWAY ito sa akin, kinakaway nya ang kamay nya na parang nagpapaalam sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yun, di ko alam kung ano ang nakita ko.... di ako naniniwala sa mga multo o anung kababalaghan .. pero nung mga oras na yon ay takot na takot talaga ako.




Nang sinubukan kong tingnan ulit ito mula sa bintana, ay nawala itong muli. Nilibot ko ang aking mata sa buong paligid, pero di ko sya makita. Tumutulo na ang luha ko sa takot, at nangiginig ang mga panga . Medyo nawala ang takot ko ng di ko na sya makita sa labas. Inisip ko na baka sa pagod at puyat lang ang dahilan nito kaya nakakakita ako ng mga ganoong
bagay. Naisipan kong itulog nalang ito, at ipagpabukas nalang ang thesis na ginagawa ko. Nang nakahiga na, ay may naramdaman akong pagtayo ng balahibo, sa aking mga paa.




Napatingin ako sa aking paanan at napatingin sa madilim na parte ng kwarto, bigla nalang nanginig ang buong katawan ko, saglit pa ay may napansin akong gumagalaw sa madalim na parte ng kwarto sa aking paanan. NANDOOROON ang bata, kumakaway sa akin, kaway lang sya ng kaway. Sinubukan kong pumikit pero pagdilat ko ay nadoon parin sya. Hindi na ko makahinga nung mga oras na iyon sa takot .... at biglang nalang nawalan ng malay. 




Nagising ako, sa lamesa kung saan ako gumagawa ng thesis kagabi. Malapit sa bintana, mukang panaginip lang ang lahat. Nung umagang iyon, napansin ko ang mga tao sa labas ay nagkakagulo. Lumabas ako at itananong sa mga tao kung ano ang nangyayari ... nagulat ako ng sinabi sa akin na may pinatay daw kagabi, sa basurahan, di kalayuan sa Dorm namin. Kinilabutan ako ng narinig ko iyon kaya't pinuntahan ko kaagad ito, at halos mahimatay ako ng
makita ko ang bata... yung bata na nakita kong kumakaway sa akin.



Di ako makapaniwala sa nakita. Di ko parin malaman kung totoo o panaginip ang nangyari sa aking nung gabing iyon. Dahil hanggang ngayon at sa tuwing titingin ako sa salamin, lagi ko syang nakikita .... sa likuran ko... kumakaway at nakanganga. At mukang humihingi ng tulong. 

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon