Si Rizia

622 6 2
                                    

Si Rizia

===========================================================================

Si Rizia ay isang 16 year old college student. Masipag mag-aral at isa sa mga top student sa isang unibersidad sa maynila. Katunayan na rin na isa syang scholar duon.

Lagi din syang maagang nagigising dahil maaga rin ang klase nya. Late na natutulog sa gabi dahil din sa pag-aaral ng mga takdang aralin nya.

Kaya naman ngayong bakasyon ay bumabawi sya ng tulog. In short, tanghali na sya kung magising at bumangon sa higaan...

Isang late morning, nakababad pa rin sa higaan si Rizia, tamad na tamad ang pakiramdam nya ng araw na yun... Halos ayaw na nyang bumangon dahil pakiramdam nya ay pagod na pagod sya.

Pimilit nyang bumangon, bumaba sa sala at nagtungo ng banyo para maligo at mapreskohan.

Nagtataka sya dahil wala man lang syang nadaanan ni isa sa kanyang tatlong mga kapatid...

Hindi rin nya nakita ang ina sa kusina nang daanan nya iyon patungong banyo..

Nagbabanlaw na sya ng katawan ng marinig nya ang inang sumigaw...

"RIZIAAAAAAAAA!!!!!!!!" sigaw na tila may halong panaghoy...

"Ang OA naman ni mama makasigaw!" bulong nya sa sarili. Dinalian nya ang paliligo para silipin kung anung nangyari sa ina't ganun na lang ito pumalahaw.

Papaakyat na siya nang makarinig sya ng mga iyak sa kanyang silid..

"Anung meron?" takang tanong nya sa Sarili.

Pagpasok nya sa silid ay naroon lahat ng kanyang mga kapatid pati na ang ina.

Umiiyak ang mga ito. Naroon rin ang iba nyang mga tiyahin.

"Ma, bakit po?" tanong nya sa ina pero di sya pinansin..

Nagugulumihanan sya sa mga nagaganap sa paligid.

Pano kaya sya makapagbibihis kung narito silang lahat?

Kukuha na lang sya ng damit sa aparador at sa ibang kwarto magbibihis.

Pagbukas nya ng aparador ay nagtinginan lahat sa gawi nya ang mga taong nasa loob ng silid na kanyang ipinagtaka.

Nasa muka ng mga ito ang takot.

"Bakit? Bawal kumuha ng damit? Ang OA ha?!" sabi nya sa mga ito.

"Nakakatakot!" sabi naman ng bunso nyang kapatid.

Napakunot ang noo nya dahil titig na titig ang mga ito sa aparador na kanyang binuksan kaya naman nilingon nya muli ito.

Napaatras sya at natumba sa kanyang mga nakita! Isang babaeng nakaputi at dugo dugo ang naaagnas ang muka ang kanyang nakita.

Umaatras syang nakA salampak sa sahig dahil gumagapang ito palapit sa kanya.

"Lu-lumayo ka sa akin!!! Tu-tulungan nyo ako!" 

Nagtayuan at nagtakbuhan palabas ang kanyang mga kapatid at mga tiyahin, nag-uunahan pa ang mga ito. Ni hindi man lang sya tinulungan!

Tanging ang ina lang ang naiwan sa silid na iyon ngunit di ito gumagalaw.

Papalapit na ng papalapit ang babaeng parang bali-bali ang katawan dahil kung gumapang ay daig pa si sadako na kumakaliwa at kumakanan ang katawan!

Ramdam ni Rizia ang buong takot sa kanyang kalamnan.

Narinig nyang nanalangin ang kanyang ina kaya nilingon nya ito.

Sumabay sya sa panalangin nito para mawala ang takot nya.

Pagharap nya ay wala na ang babaeng gumagapang palapit sa kanya.

Buong buhay nya ay nuon lang sya nakaramdam ng ganung klaseng takot kaya naman napaiyak sya ng husto.

Bumangon sya at yayakap sana sa kanyang ina nang bigla itong yumuko at may niyakap rin na kung ano sa kanyang higaan.

Sumampa sya sa higaan at lumubog ang gawing iyon ng higaan kaya naman napalingon sa kanya muli ang ina.

Doon nya nakita ang akap akap nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

ANG KANYANG WALANG BUHAY NA KATAWAN!!!

Sa hindi malaman na dahilan ay napatingin sya sa life size mirror na nasa kanyang silid at ganun na lang ang sindak nya.

May nakasulat dito na mas lalong nagpakilabot sa buong katawan nya.

Na likod ng sulat ay nakita nya ang repleksyon nya at nasa likod nya ang babaeng puro dugo at naaagnas ang muka na nakangiti ng nakakatakot sa kanya.

Sabay bulong sa kanya ng nakasulat sa salamin...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SINUSUNDO NA KITA!!!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" huling tili ni Rizia

Saka bumuka ng sobrang laki ang bunganga ng babae at nilamon ng buo ang kaluluwa ni Rizia!

Kwentong Mula Sa KabaongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon