The Last Week

1.5K 41 0
                                    

“Ok Mr. Monteverdi, ok na po yung sugat niyo, the bullet was successfully removed from your body” Sabi ng doctor habang pinupunasan yung mga kamay niya. Sinuot ko ulit yung uniform ko kahit may bahid pa ng dugo Ok lang, hindi naman halata pula eh

“Salamat po doc!” Tinaas ko yung sleeves ng long sleeves ko at lumabas na ng clinic. Masakit kasi fresh pa yung sugat pero malakas lang talaga ang endurance ko sa pain, nasanay na noong bata pa. Umakyat ako sa Student Council room at nakita doon si Ate Cams at si Antonio

“Ok ka na ba Blood Prince?” Tanong sa akin ni Ate Cams. Pag Blood Prince na ang tawag niyan sa akin, ibig sabihin, mafia stuff ang mapaguusapan sa kwartong ito

“Opo… kaso mejo nag aalangan pa ako ng konti kung sino yung nagdala ng baril na yun. I doubt its Harry pero ate sam said na nasa may front gate siya”

“It might be a plan to keep Sam away from you to make the shot without her noticing. Kasi sa pagkakaalam naming, wala sa dugo ni Sam ang kung ano mang blood cell o genes ng isang mafia, in short, isa siya sa mga civilian sa school na ito though she does know na mafia tayong tatlo don’t worry she promised me not to talk about these stuff outside the campus” Seryosong sabi ni Ate Cams.

“You mean… may civilians sa school na ito?” Tanong ko

“Yes, pero this school is as peaceful as can be, except for that gunshot earlier. Don’t worry pinalabas namin na fireworks lang ang lahat ng yun kaya kalmado na yung mga civilian. Pero alam mo naman ang mafia, alam na alam kung ano ang pinagkaiba ng gunshot sa fireworks.” Nakangiting sabi ni Antonio

“Kahit na. Civilians are still Civilians! Hindi paano kung may sudden ambush ng Fiore at Tempesta dito?! Paano yung mga civilians na ito?!”

“Then we have no choice but to kill them too.” Malungkot na sabi ni Ate Cams

“Y-Yeah bro, I mean that’s the rule, kung ayaw mong mahuli tayo ng nga awtoridad wala na tayong magagawa kundi gawin ang mga bagay na iyon” Napadabog ako sa lamesa nang marinig ko iyon. Kung ganoon na din lang ang kahihinatnan ko bilang isang kapatid, bakit ko pa kasi naman siya nakilala naman?!

“Calm down Prince, hindi ko hahayaang makarating tayo sa ganyang mga bagay”

“Then I need to get a damn gun to finish this thing!” Hindi ko na talaga kayang kontrolin yung sarili ko kailangan kong mapatay at mahanapan kung sino mang pumatay sa akin dahil mas lalong magkakagulo pag nagkaroon ng all out war mismo dito sa school

“You really do love her… pero hindi tayo pwedeng pabasta basta lang maghanap ng lecheng mafia ng ganunan lang, malamang may kasama pa yang isang battalion!” Sabi ni Antonio

“At wag mong kalimutan na wala ka pa sa kondisyon para makipaglaban” Patuloy naman ni Ate Cams

Naglabas ng mapa si Ate Cams at inilapad sa ibabaw ng lamesa

“Narinig ko ang gunshot, at sa tingin ko galing sa rooftop ng building 3 dahil hindi mo nakita agad, malamang doon nga nangaling.”

*But you’re a good giiirrrlllll* Nag ring yung phone ni Antonio

“Oph… What?!... H-How?!...Sh*t…Ok let us deal with it”

“Oh bakit yun?” Tanong ni Ate Cams

“Fiore… Harry… Sabi ng mga spies ko may masama daw silang plinaplano kaso, malas lang natin, mejo mahina sa tenga itong spy ko na ito kaya hindi niya masyadong narinig yung pinagsasasabi ng mga Fiore at sabi niya, may plano daw silang kunin as hostage”

“Kahit na lumang style na ang hostage taking, nakakatakot pa din kung sino yung magiging hostage nila” Ika naman ni Ate Cams

*At kahit mahal kita… wala akong magagawa, tangga-* Phone ko naman ngayon ang nag ring, si Ate Sam

“Ateko?”

“Guess again”Hindi niya bosses pero bosses ng isang lalaki… Harry

“Tang*na harry!!! Nasaan yung ateko?!” Tanong ko sa kanya

“Whoah tiger… calm down! She’s in the little girls room” Ika niya ng may pangag@gong boses

“Bakit nasayo yung cellphone niya?”

“That’s none of your damn business Monteverdi. Oh and nagustuhan mo ba yung surpresa naming sayo?”

“Pag nahanapan kita Fiore! Hindi na ako magdadalawang isip na ipacancell yung appointment mo kay kamatayan!”

“Nakakatakot ka naman papa Nico!! Pero hindi ako tumawag sayo para makipaglambingan, gusto kong malaman mo na isususgod ko ang pwesa ng mga Fiore dito sa isang linggo kaya, sulit sulitin mo na ang pagsasama ninyo ni Sam dahil tulad nga ng sabi nila, LADIES FIRST” 

“G*go ka Harry!”

*Call ended*

“Ate Cams!” Sigaw ko nang nakita kong tumakbo si Ate Camille, wala naman na kaming nagawa ni Antonio kundi sumunod na din sa kanya. Hanggang sa nakarating kami sa may ladies room. Nakita naming si Harry na nakaakbay kay Ate Sam.

“Oh babe, Kalimutan ko nahulog mo nga pala” Iniabot ni Harry yung cellphone ni Ate Sam na akala mo napaka inocente

“Salamat babe, oh… Cams, Nico, Tonio… bakit naparito kayo?” Tanong sa amin ni Ate Sam

“Ah… eh… nagprapractice kami nila Nico na tumakbo ng marathon! Magpapa fun run ako Diba guys?!” Tanong sa amin ni Ate Cams na may Just-Go-With-It look

“Y-yeah!” Sagot na lang namin ni Antonio

“Ah, Nga pala, good morning Madam President” Pagbati ni Harry na may nakakag*gong tingin kay Ate Cams

“As far as I can remember, I don’t allow trespassers inside this school without my proper authority… And I was not informed by your visit. I’m sorry, but I’m afraid that I consider this as trespassing” Matabang na sagot ni Ate Cams sa bati ni Harry

“I’m sorry Madam President; I’ll never do it again”

“Be sure with your words. Because if I see your face around here again, without my proper authority then I’ll be forced to send you out myself”

“Yes, Madam President” Yumuko sandali si Harry at sabay silang umalis ni Ate Sam sa harap namin, binigyan ni Ate Sam si Ate Cams ng Ano-Ba-Ang-KJ-Mo-Naman-Bes look samantalang si Harry naman binigyan kami ng famous na nakakagag*ng look

Bumalik kaming tatlo sa Student Council Room at sabay sabay na naupo sa couch dahil siguro, may isang kanto yung tinakbo naming tatlo kanina.

“Kahit kailan talaga, nakakainis yung Harry na yun!” Inis na Sabi ni Ate Cams

“Sinabi mo pa” 2nd the motion naman ni Antonio “Paano na yan?” Pahabol na tanong ni Antonio

“Sabi niya, in one week, isusugod niya ang pwersa ng fiore dito sa school… so what’s your plan Ate Cams?” Tanong ko

“Let’s see, I can tell the principal to suspend classes, tapos tignan natin kung maihahanda ko yung pwersa ko”

“Hindi! Kaya natin ito… Me, You, and Nico! Hindi naman ganoon kagaling yung mga fiore pamporma lang nung iba yung pangalan nila” Sabi naman ni Antonio

“Ok then! Pero for now, focus na muna tayo sa school festival at kailangan nating bantayan ng mabuti si Sam” Ika ni Ate Cams

Isang linggo para maprotectahan yung taong mahal ko… at isang linggo para makapag plano ng mabuti para sa darating na all out war, Fiore vs. Sangue… Kakayanin ko ito 

My Brother, The Mafia BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora