Epilogue

2.6K 60 5
                                    

(Sam's POV) 

College graduation, kasama ko si Cams at Daniella sa may parang park area ng school, naka toga pa kami and everything. Eto, Engineer na ako ready to inherit the buisness na. Si Cams naman, kukuha na ng Masteral na ng Medicine tapos si Daniella, kahit na nung hindi pa graduate in demand na fasion designer na. Sossy nuh. Bumalik din ako agad sa Pinas after 2 years tapos dito na ako nagaral ng pang masteral ko pero hindi sa dating lugar kung saan ako nag aral ng elem at hs, doon na ako sa lungsod nag aral. Pero ang gusto kong malaman ay kung ano ang nangyari kay prince charming ko. Naging mafia boss kaya siya? o kasal na siya? 

"Uyy! Sam balita ko may boyfie ka daw na sobrang machoness! Tru ba?" Tanong ng isa kong kasama 

"Ay! trulalu! Gwash! Pak na pak!" Sagot naman ni Daniella

"Pakilala mo naman sa amin pag minsan!" Ika ng isa ko pang kaklase 

"ahm.. sige ba." 

"Ano bang course niya?! O baka anong trabaho niya?!" Tanong ng isa pa, ngumiti kaming tatlo at sabay sabay na sinabi 

"Mafia boss" At tulad nga ng ineexpect namin, gulat na gulat yung mga kasama namin. 

Habang nagtatawanan kami hindi ko maiwasang hindi siya isipin, kami pa ba o wala na? matagal na kaming hindi nag usap eh, hindi pa nama siya patay ano?. Bumalik na lang ako sa reality noong ginising ako ni beshtie at tinuro yung taong papalapit ng papalapit sa amin. Naka salamin na siya pero hindi niya kayang itago yung kulay ng mga mata niya. At tulad nga ng ineexpect ko mas naging gwapo siya kaya may malaking crowd sa likod niya. Suot suot niya yung Red long sleeved shirt niya at black necktie, hawak hawak niya yung coat niya at nakabulsa yung isang kamay.

Wala na akong kilalang ibang tao na maraming red sa katawan kundi siya lang. Ng makalapit na siya sa amin ngumiti siya yung ngiting nakakatunaw ng puso, itong mga kasama ko naman kilig na kilig. 

"Missed me?" Tanong niya 

"Ay! Tru! Mish na Mish na kita fafa Nico!" Sagot ni Daniella siya namang binatukan ko 

"Wag kang panira ng momment!" 

"Eh Ateng! gwash na itech!! Gwash na gwash!" 

"Gwash mo diyan! Akin yan!"Tinignan ko siya na natatawa dahil sayang talaga yung entrada niya 

"Ano, kumusta na Nico?" Tanong ni Ate Cams 

"Eto, buhay pa rin kahit papano naka ilang sugat pero buhay pa rin." 

"Kamusta naman ang buhay?" Tanong ko 

"uhm... may thrill pero... mejo dull kasi..... wala ka na nagbibigay ng kulay sa buhay ko eh" Kyaaaa! Stahp pleasee... Stahp 

"Ayieee!"sigaw naman ng mga echoserang mga sumunod kay Nico 

"Eh bat nandito ka?" Tanong ko 

"Masama bang maghanap ng diyosa sa university na ito?" 

"May nahanap ka ba?" 

"Marami pero may nahanap akong mas maganda pa sa diyosa!" 

"Ano naman?" 

"Yung mapapangasawa ko^^" 

Lumuhod siya sa harap ko, hinawakan niya yung kamay ko at nilabas ang isang maliit na kahon sa bulsa niya 

"Samantha Mae Santos, mababaliw na ako pag di mo pa ako sinagot 5 years ago sinabi ko, pag nagkita tayo ulit, derecho proposal na ako... here I am. Ate ko Sam, will you be mine.... forever?" 

"Hindi ka nagparamdam sa akin ng 2 taon! Ni mag online man lang sa facebook wala! tapos bigla bigla kang magpaparamdam at sasabihing will you marry me?!" 

"Eh wala ngang net sa bahay! Tapos wala akong load! Mag oonline sana ako pero kadalasan naman nasa hospital ako nagrerecover!!" 

"Eh bakit hindi mo ako sulatan!" 

"Hindi mo kaya sinabi sa akin yung adress mo noong umalis ka!" 

"Ang gulo mo!" 

"Mas magulo ka!" 

"Grabe ngayon na nga lang kita makikita magaaway pa tayo!" 

"Eh ikaw naman kasi nagsimula!" 

"Ako ba?" 

"Oo ikaw! Ikaw na lagi akong tinatakot ikaw na laging red ang suot at ikaw na mapapangasawa ko kaya tumayo ka na diyan kasi sagot ko OO!" 

Tumayo siya at napatayo na din ako para yakapin yung mapapangasawa ko guys... Enggaged na ako! 

"KISSS!!!" Sigaw ng mga taong kinikilig! 

Tinignan niya ako ng direcho sa mata at onti onting nilapit niya yung mukha niya sa muhka ko hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko, slow but romantic. 

"EHEM!" Objection naman ng mga kasama namin na hindi nakakakilala kay Niccolo 

"Uh, sorry i forgot." Hinawakan ko yung kamay ni Nico "Guys, meet My Brother, The Mafia Boss" 

~THE END~ 

My Brother, The Mafia BossWhere stories live. Discover now