Ang Princessa ng Principe

5.1K 115 3
                                    

1st year 

Tatlong taon na kaming magkasama ni Antonio lagi kaming nakatambay sa rooftop minsan magdadala kami ng gitara tapos mag jajamming kami o di kaya nagrereview or gumagawa ng rushed assignments sa totoo, parang talagang nakatalaga kaming maging magkaibigan, I mean halos lahat ng mga bagay bagay napagkakasunduan naming dalawa.  

"Hmm... dreh, anong type mo sa isang babae?" Tanong niya  

"Type?"  

"Oo... Type mo"  

"Hmm... maganda, mabait, patawa, palatawa, foodie expert tulad ko hindi masyadong babaeng babae at siyempre matalino"  

"Parang mahirap hanapin yun ah"  

Parang imposible nga eh, teka erase yung parang... IMPOSIBLE talaga. Kung meron mang babaeng ganoon aba'y diyosa na siya! Tapos bigla kong nakita yung babaeng hinahanap ko... PBB teens! Romeo and Juliet, na lab at perst sayt!  

"Dreh, paano kung yung imposible na sinasabi natin nakita ko agad diyan sa baba"  

"Saan?!"  

"Yun oh!" Tinuro ko yung babaeng nakatambay sa may puno ng akasya sa baba, nasa taas kasi kami at nakatingin sa may quadrangle kaya kita mo lahat ng tao.  

"Aba aba... Ate Samantha Mae Santos, mas matanda sa atin ng 1 year nasa cream section ng 2nd year at tama ka nasa kanya lahat ng hinahanap mo"  

"Paano mo alam yang mga yan?"  

"Baka kasi nag papart time ako sa registrar at ako yung nagfafile ng mga records ng mga estudyante dito siyempre mababasa ko at makikilala ko"  

"Eh paano mo alam na nasa kanya yung mga hinahanap ko?"  

"Tignan mo naman siya, maganda? Check .Mabait? Ewan malalaman din natin yan. Patawa? Halata naman. Palatawa? Check. Foodie expert? Absolutely. Hindi babaeng babae? Well, let's see. Matalino? Nasa cream section yan!"  

"Dito ba siya nag elem?"  

"Oo"  

"Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?"  

"Kasi, pag nainlove ka lang sa isang tao, saka mo tatanungin yung sarili mo kung bakit ngayon mo lang siya napansin. Malay mo hindi pala ito yung 1st time niyo na nagkita, nakabunguan na pala kayo sa canteen o nagkasalubong sa corridor" 

"Kaya nga... malay ko." 

2 weeks simula nung nakita ko si Ate Sam, wala nang isang araw na hindi ko siya sinilip sa tambayan nila sa baba nagmumuka tuloy akong stalker dito, pero meron yung isang araw na wala si Antonio kasi working siya at nasa Registrar's office siya wala din si Ate Sam, baka absent naman kaya back to phase one tayo, forever alone. Maya't maya, nagbukas bigla yung pintuan ng rooftop, pumasok ang isang babae, mahaba ang buhok, chinita ang mata, maputi, at sa pagkakasabi ng bestfriend ko... 1 taon na mas matanda sa akin  

"H-Hi!" Ika niya ng nakangit pero halatang naghahabol ng hininga  

"May I help you?" Tanong ko  

"Ading pwedeng dito muna ako? Yung mga kaibigan ko kasi tinataguan ko... dito muna ako ha?^^"  

"A-ah yeah... sure"  

Real Talk: Pag ako kinakabahan o na tetense o na aawkward kukunin ko yung gitara ko at tutugtog ng mga kanta na nagdedescribe ng nararamdaman ko. At sa ngayon, nandito ang crush ko, hindi pa ako kilala, pero shet! Andito siya! Nasa rooftop garden ko siya! Panaginip lang kaya ito?! Pero, habang tinitignan ko siya, napapa isip pa rin ako, 1 taon ang pagitan naming sa isa't isa, alam kong kilala siya sa buong campus, ako, kinatatakutan ng karamihan, siya mabait ako di magtatagal magiging isang masamang criminal in short... wala akong pag asa sa kanya  

Mabuti pa sa lotto, may pag asang manalo 

Di tulad sayo, imposible  

Princessa ka, ako'y dukha  

Sa TV lang naman kasi may mangyayari  

Hindi ako kumakanta, tumutogtog lang ako pero ito yung tunay kong mararamdaman itsura pa lang niya talagang wala na akong pag-asa ang hirap pag hanggang tingin ka lang diba? Eh kasi nga... Pangarap lang kita.  

Ang hirap maging babae, Kung torpe yung lalaki  

Kahit may gusto ka, Di mo masabi  

Hindi ako yung tipong, nagbibigay motibo 

Conservative ako kaya di maari  

Tumabi siya sa akin at kinanta niya yun. Gulat nga ako pero hindi ako huminto P*ta ang ganda ng boses niya parang anghel! Napasabay naman ako sa pagkanta niya  

At kahit mahal kita, wala akong magagawa  

Tanggap ko o aking sinta,  

Pangarap lang kita  

"Ang ganda pala ng boses mo! Anong pangalan mo ading?" Tanong ni Ate Sam  

"Uhm.. Niccolo Monteverdi po, 13 years old"  

"Yung Blood Prince?" Eto yung kinakatakutan ko eh.  

"Opo"  

"Hmm... sabi nila nakakatakot ka daw... hindi naman masyado... kamuka mo lang si Edward Cullen ng Twilight! Yung mata mo kasi its burning red! And you really do wear red a lot"  

"Uhm...utos kasi ni papa kaya I have to be different from you guys"  

"Ah... well it's an honor to meet the prince"  

"Hehe... its no big deal"  

"Ah... nga pala Samantha Mae Santos 14 years old" 

"Nice to meet you Ate Samantha"  

"Please, call me Sam, in return, tatwagin din kitang Nico ang hahaba kasi ng mga pangalan natin" Tumingin tingin siya sa paligid at tumayo "well, sa tingin ko wala na sila, thanks for hiding me in your secret garden Nico... hanggang sa muli"  

Ngumiti na lang ako at umalis na siya, maya't maya, dumating na din si Antonio na may malawak na ngiti sa mga labi niya  

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Tanong ko  

"Anong nangyari? Tell me everything"  

Alam ko namang wala akong takas dito sa bestfriend ko kaya kwinento ko na lang lahat. Ganito ba yung feeling ng kinikilig? Yung napapangiti na lang bigla bigla ng walang rason? Tapos yung mukha niya yung tatatak sa utak mo? Yiesh! Ewan ko ba!

My Brother, The Mafia BossWhere stories live. Discover now