Basketball

3.9K 80 3
                                    

"Niccolo anak, balita ko walang kibo ka daw sa school" Yup, daily report galing kay papa bago ako pumasok sa school  

"Dad, diba sabi ko no spies?"  

"Hoho, hindi galing sa famiglia yung mga spies ko anak, yung staff ng school nagsabi sa akin . Bakit hindi ka mag join ng clubs... basketball club!"  

"Oh no dad, tama na yung sa bahay lang ako mag basketball"  

"Sus! This school is your 2nd home now, kaya mag join ka!!"  

"If that's what you want dad... sige"  

"Hindi naman sa kagustuhan ko ito anak, ito ay sa ikabubuti mo... sa tingin mo papupuntahin kita diyan kasi trip ko? Hindi ah!"  

"Ok dad gets ko... bye"  

"Hope to hear good news from you anak"  

"Ok Dad" Binaba niya na yung telepono ako naman, nagpalit na ng school uniform ko at pumasok na sa school  

"Basketball?" Tanong ni Antonio  

"Eh... that's what I'm good at kaya, push yaan!"  

"Sa bagay... sige! Sama ako mamayang try out niyo! I'm with you every step of the way dude! Duo na tayong dalawa diba?"  

"Heck yeah!"  

(Antonio's POV)  

Noong pumatak na ang uwian, pumumunta kami ni Nico sa gym para sa tryout. Pagpasok namin sa loob agad na naramdaman ni Niko ang kaba, who would go up against 6 footers? Nakita ko kaagad sa mga mata niya ang kaba at kawalan ng pag asa. Pinikit niya sandal yung mga mata niya at hinawakan ng mabuti yung bag niya.  

"Dude..." Sa isang salitang yan, ito na ang laman "aatras ka ba?" dinilat niya yung mga mata niya at sinabing  

"Just another game with the mafias" Tumingin siya sa akin at sinabing "Push ko ito!"  

"Akala ko babaklahan mo na ito!! Sige! Push mo yan!" Maya't maya, may lumapit na naka varsity jacket sa amin ni Nico  

"Mr.Monteverdi, I've been expecting you. Tumawag si boss kaninang umaga mag tratryout ka daw! Do your best ha?" Timapik niya ung balikat ni Nico at umalis  

"Richard Chua, anak ng kanang kamay ni papa, 1 taon na mas matanda sa atin at captain ng basketball club"  

"Ah... Mukhang mabait. Sige, start na ng game doon muna ako sa taas ha?"  

"Sige"  

"Good luck dude!" Nag bro fist muna kami at umakyat na ako sa bleachers  

Starting lineup: Home- Jersey #14 #16 #24 #20 #4 #7(Nico) 

Visitors- Jersey #2 #25 #28 #18 #15 #10 

Sa unang quarter, 3 on 3 muna tapos sa pangalawa, yung natitirang 3 din yung susunod. 1st lineup ng home Jersey #14 #16 #24 sa Visitors naman #2 #25 #28. Ok! Start na! Jumble, ang nakakuha ng bola, si #2 pinasa niya kay 25 naagaw ni 14 at pinasa kay 16 shoot! Home:2 Visitors:0 . Nagpatuloy lang ang game hanggang sa nag 2nd quarter na Home:8 Visitors: 10  

Next, 2nd team sa home, 20, 4, at si Nico sa Visitors, 18, 15 10. Start! Bola ng visitors hawak no 10, pasa kay 15 tumakbo si 15 papuntang court nila noong naka position na siya sa 3 point lane, tinapalan siya ni Nico, nakuha no 20 yung bola at pinasa kay 4 binantayan ng mga visitors si 20 at 4 samantalang si Nico, open na open. Pinasa ni 4 yung bola kay 20? What da?! Ang shonga naman neto! Nagshoot si 20, kapos. Nakuha na naman ng mga vistors yung bola hawak ni 15 tumakbo sa 3 point lane shoot! Pasok! Kinuha ni 20 yung bola, pinasa kay 4 binantayan na naman sila ng mga visitors tapos pinasa na naman niya kay 4 bakit silang dalawa lang yung naglalaro? Minamaliit nila masyado si Nico! Puro kapos naman yung mga tira nila. Hanggang sa ganito na yung score H-10 V-17 7 points ang agwat... masama ito kung hindi kikilos si Nico walang mangyayari.  

(Niccolo's PoV) 

Nakabantay sa kanilang dalawa yung mga kalaban kaso, sa kanilang dalawa lang umiikot yung bola parang invisible lang nga ako dito eh!  

"Pasa mo!" Sigaw ko nung una... Pinasa niya nga... kay 4 naman? Ang tanga talaga ng mga ito magbasketball! Yan tuloy, natambangan kami ng 7 points. Gusto niyo ng seryosohan? Sige payt!  

Naagaw ko yung bola kay 10, tinakbo ko sa court namin shoot! 2 points. Bola nila, pinasa ni 18 kay 15 naagaw ni 4 pinasa kay 20, nag attempt na mag 3 points kapos! Nakuha ni 18 at pinasa kay 10, naagaw ko kay 10 Shoot! 3 points! 2 points pa para matambangan ko itong mga to. Last 15 seconds ng game Na kay 18 yung bola, pinasa kay 15 naagaw ni 20, pasa kay 4 naagaw ni 10 pasa kay 15 mag shoshoot na sana kaso natapalan ko nakuha ni 4 yung bola last 10 seconds nasa half court ako siya nasa court pa lang ng Visitors pinasa niya sa akin yung bola! SA WAKAS, yun lang, nakabantay sa akin si 10. Inikutan ko last 3 seconds for 3 points! All or Nothing Now or never! Shoot! PASOK! 3points! Score H-18 V-17. 

"Good job rookie!" Ika ni 10  

"Good game!" Ika naman ni 18  

"Ayos ka ah! May future ka!"- 15 Kaso yung mga kasama ko kanina, wala man lang sinabi sa akin.  

"Galing mo dude!!" Sabay appir namin ni Antonio  

"Yiee! Good job seven!" Sabi ng babaeng familiar ang boses tapos tinignan ko sa likod ko si Ate Sam  

"Hehe, salamat po"  

"Mr. Monteverdi, good job! Welcome to the Team^^" Ika ni Captain  

"Thanks Capt."  

"Nakikita ko na yung susunod na Captain ng Basketball team ah"  

"A-ako?"  

"Sino pa ba? Ang galing mo kaya mga 6 footer kalaban mo natatapalan mo pa? Tibay!"  

"Swinerte lang ako capt."  

"Swerte swerte mo diyan... nga pala.. Boss, girlfriend ko, bagay?" Sabay akbay kay ate sam 

"Bagay!^^" Ang sakit naman...  

"Sige una na kami boss, hit the showers na baka ma heat stroke ka pa diyan" Sabi ni captain at umalis  

"Aww... Hard yun dude" Sabi ni Antonio at tinapik yung balikat ko  

"O-Ok lang yan dude... Kaibigan lang naman talaga tingin niya sa akin" Ngumiti ako ng matamlay "Tara na?"  

Naglakad kami palabas ng gym... habang naglalakad, walang umiimik sa amin ni Antonio  

"Dude... walang iyakin na mafia diba?" Tinapik niya yung balikat ko "Kaya mo yan... wag kang iiyak ok?"Tumango na lang ako pero nakayuko pa rin ako. Naghiwalay na kami ni Antonio ng daan kasi magkaiba yung daan papunta sa bahay. Tapos, biglang umulan...  

"Ako dude... ako... parang hindi ko kaya dude." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas.  

Umuwi ako ng basang basa sa ulan, tumambay sa banyo ko at nag isip isip doon... hanep... mas matanda na nga, taken pa, sa captain pa ng basketball team. Lupit mo magmahal Nico.

My Brother, The Mafia BossWhere stories live. Discover now