The Mafia School

2.9K 67 1
                                    

2nd Year 

Pag minsan, nagtataka din ako... may mga mafia din kaya sa area na ito? Kasi kung hindi ito tinututukan masyado ng mga pulis, militar o ng pamahalaan, then may 80% chance na dito magsesetup ng base ang mga mafia... kasi look at this area... tahimik, mapayapa at... boring? Sa bagay wala namang magagawa kung nag set up ng base dito 

1 taon na naman ang lumipas... parang ang bilis kong lumaki diba? Recap sa mga hindi ko naikwento... well, naka 6 na tournament na yung varsity team ng school at yeah.. pinanalo namin lahat!  Heck ako pa nga yung Rookie of the year... si Captain Richard... nag transfer na ng school kasi tanggap siya sa West Pacific School na kilala sa kanilang basketball team, which means ako yung panibagong captain ng school varsity team hahaha.... At yung tungkol sa amin ni Ate Sam? well, wala na.. after that.. hindi na kami close wala na kaming contact, at lumuwang yung gap sa pagitan namin. 

"Wag ka nang magdrama drama diyaan! Ikaw naman yung lumayo!" Si Antonio... ganun pa din. At ngayon... hanggang tingin na lang talaga ako 

"Masama bang tumingin?" 

"Hindi naman sa masama... nakakatakot lang!" 

"Ah.. gets ko... at least rare itong matang ito!" 

"Hindi ganun... para kang stalker na Edward Cullen" 

"Nagsalita ang torpe na hindi man lang maka hi sa babaeng nag ngangalang-"Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya na yung bunganga ko

"Tumahimik ka nga! Madidiscover ng mga readers!!" Saka niya tinanggal yung kamay niya sa bunganga ko 

"Sa tingin mo dude... may mga iba pa bang mga Mafia Orgs. dito?" 

 "Oo, fiore at tempesta..." 

"Teka teka! diba dapat secret orgs. ang mga mafia? Bakit ang dami mong alam?"Tumawa lang si Antonio at nginitian ako 

"Siguro oras na para malaman mo ang totoo" 

"Ha?! Anong totoo?! Bakla ka!? Sabihin mo Antonio!" 

"Hindi boss! Ako si Antonio Yuzon, anak ng mafia boss ng Cielo di Famiglia!" 

"Ahh... at andito ako para tapusin ka Blood Prince... ok ok... go for it!" 

"Patapusin mo nga muna ako! Ako ang tinatawag na Custudia di Cielo, meaning guardian of the sky. At wala akong intention na patayin ang Principe di Sangue." 

"Diba lahat ng mga mafia orgs magkakalaban... bakit ayaw mong patayin ang susunod na pinakamalakas na mafia boss sa buong mundo? Ang laking rango yun kung sakali!" 

"Balak mong magpakamatay?! Hindi pwede! Kasi magka allias ang mga famiglia natin... Sangue at Cielo... at ang kalaban ay yung Fiore at Tempesta" 

"Ganoon ba? Pero, paano yung mga estudyante dito? bakit alam nila na ako yung blood prince?!" 

"Hahaha! Ang inoccente mo talaga! Ito ang mafia school, lahat ng nag aaral dito ay anak ng mga mafia, pero hindi tayo tuturuan ng mga mafia stuff dito. Don't worry walang fiore at tempesta dito, nasa ibang school sila." 

"Kung meron sila dito sa lugar na ito..."

"Oo, may possibilidad na mamatay ka ng batang edad kasi may dalawang orgs. na hinuhunting ka ngayon" 

"Ok lang ako dun pero..." 

"Si ate Sam?" 

"Oo... paano kung nalaman nila na mahina ako pagdating sa kanya paano kung siya yung natripan na patayin nila? Paano kung wala ako sa tabi niya pag nangyari yun?" 

"Haay.."Napabuntong hininga si Antonio "Walang mafia boss na duwag... kaya mo yan! kung mahal mo talaga siya... hindi mo na iisipin yung mga ganyang bagay kasi kaya mo namang protektahan eh" 

"Kaya ko nga ba?" 

"Kaya mo yaaan!" 

Kaya ko ba talaga? Isa sa mga kwinento ng papa ko yung tungkol sa Fiore at Tempesta, malulupit daw sila, bawat sulok ng mundo may tauhan sila mabilis silang pumatay ng tao at higit sa lahat papatay sila mapa civilian man o hindi. Wala akong baon na armas ang tanging meron lang sa akin ay ang mga tactika ko at yung self defense ko. Kailangan kong gawin ang nararapat 

------------------------------------------

Monday.... so very maaga may pasok na naman. Maya't maya habang naglalakad ako sa may kalye, may narinig akong naguusap na mga lalaki, mga grupo ng anim o pito. 

"Tol! Narinig niyo yung balita nandito daw yung Principe di Sangue!" 

"Principe di Sangue? diba yun yung susunod na mamumuno sa Sangue Famiglia?" 

"Oo! Ano sa tingin mo boss?" 

"Dapat agad na natin siyang patayin... pero paano?" 

"Paano? tinatanong pa ba yan? barilin!" Kaya niyo ba? 

"Hindi hindi! ang blood prince ang pinaguusapan natin... malakas yan at hindi basta basta mamamatay!" 

"Alam ko na kung paano!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. 

"Paano naman?" Sigaw nung iba 

"Una niyong patayin yung pinakamamahal niyang Samantha Santos" 

"Ha?! Ano namang kinalaman ni Ms. Santos sa Principe?" 

"aba'y mahal na mahal ng loko yung gf ko eh!" 

"Harry Cruz!" Bulong ko sa sarili ko 

Harry Cruz, sa school din namin nag aaral yan, at sadly siya ang present na bf ni ate Sam... ngayon, siya ang papatay sa sarili niyang girlfriend niya nang dahil sa akin. Nakakapatay ako ng isang tao ngayon... parang gusto kong humawak ng matalim na bagay at gusto kong isaksak sa lalamunan nitong taong ito. Ang sarap pumatay! 

"No no no!" Bulong ko sa sarili ko. Bloodlust ang umaatake sa akin at palakas ng palakas na parang yung character sa DOTA! Bago pa man ako gumawa ng isang galaw na ikasisisi ko rin lang, umalis na ako doon sa lugar na iyon at pinuntahan si Antonio 

"Oh... dude ok ka lang?" Bati niya sa aking ng makarating sa rooftop 

"Dude... gusto kong pumatay dude!" Sagot ko habang palakad lakad 

"Bloodlust... Normal lang yan mas lalo na at nasayo ang titulo na Principe di Sangue... pero i control mo yung sarili mo dude" 

"Kilala mo si Harry Cruz?" 

"Oo, boyfriend ni Ate Sam" 

"May binabalak silang patayin si Ate Sam! para mapasuko ako, bago ko pa man mahintay ang pagkakataon na iyon.... uunahan ko na sila... do you agree with me Custodia di Cielo?" 

"Areglado"

"We have to kill the traitor" 

"Pero.. paano pag nalaman ni Ate Sam" 

"She has the right to know before they even kill her... pero... it will take time and propper timing to get this done" 

Kailangan kong maunahan yung mga gagong yoon bago pa man nila mapatay si Ate Sam... makakaya ko kaya... paano pag nasobrahan ko, baka kung sino pa ang mapatay ko? Wala na akong pakialam! basta! kailangan kong pumatay! 

My Brother, The Mafia BossWhere stories live. Discover now