Ang Blood Prince

7.4K 152 5
                                    

"At dahil diyan, sayo ko ibibigay ang karapatan bilang haligi ng Sangue di Famiglia" 

Usapang hapag-kainan, naging instant coronation night ng papa ko. Yung tipong kumakain lang kayong magkakapamilya tapos biglang ibinahala ng lolo mo yung posisyon niya sa mafia sa tatay mo. Ni halos mabulunan nga yung tatay ko nung sinabi yun ng lolo ko eh

"Seryoso po kayo?" Tanong ni papa 

"ano pa ba? Matanda na ako Niccolo, sooner or later mamamatay din ako kaya why not retire habang buhay pa ako hindi ba?" 

"You are a big man Niccolo, kaya mo na ito, hindi ka na Blood Prince oras na para makuha mo ang nararapat na titulo mo" Patuloy ni Lolo 

"Kaya, ang titulo mo ay ipapasa mo sa isang lalaki na susunod sa iyo bilang haligi ng pamilya... Nico, ikaw na ang Blood Prince" Ano ba lolo! nananahimik ako sa isang tabi tapos bigla akong maisasama sa usapang mafia?! 

"A-ako po?" 

"Sino pa ba? alam kong kaya mo ang resposibilidad bilang susunod sa pwesto ng iyong ama kaya sa batang edad na ito, ibibigay namin sa iyo ang karapatan bilang principe ng pamilya" 

Magulo na nga yung buhay ko mas paguguluhin pa nila, haay.... Ay... nga pala ako si Niccolo Monteverdi III, anak ni Niccolo Monteverdi II na ngayon ay isa nang mafia boss at ako yung kanyang Blood Prince, sa batang edad na 10 years old, alam ko nang humawak ng baril, sword, deadly weapons at gumawa ng strategy... yan yung mga tipong tinuturo sa isang Blood Prince. 

2 taon ang lumipas, 1st year high school na ako, pinasok ako ni papa sa isang school kung saan walang masasyadong pulis o kung saan hindi ako hahabulin ng batas. Sa isang school, malayo sa tinitirahan ko, sa Atlantic High, sa unang linggo ko sa AH, wala man lang lumapit sa akin as in wala kasi alam ng lahat na ako yung Blood Prince... well, una sa lahat, iba yung uniform ko sa kanila, dapat white na long sleeves yung panloob, akin... red na long sleeves. At sa aming Monteverdi family, kilala kami sa aming nakakatakot na pulang mata. 

"Yan ba yung blood prince? nakakatakot naman siya" 

"Kaya nga gwapo sana kung hindi mafia" 

"Sa tingin niyo, ilan kaya mga bodyguards niya" 

Tuwing maglalakad ako sa may hallway, ganyan maririnig ko, puro bulungan! Pinag chichismisan ako na para bang ako yung may salarin sa Pork Barrel Scam. Dito sa school na ito, talagan forever alone ako walang pamilya at wala pang kaibigan! Ang sarap talaga ng buhay ko dito! 

"Oy! bakit parang nagiisa ka ata dito? solo mo ang rooftop ah!" Ika ng isang lalaking pumasok sa rooftop. 

"H-ha?" 

"Pula... ikaw yung Blood Prince?" 

"Oo... takbo ka na kung gusto mo" 

"bakit naman ako tatakbo? Sabi nila nakakatakot ka daw na parang kakain ng tao, tapos may isang batalion ka daw na mga body guard sa tabi mo... pero wala naman! Hindi ka rin nakakatakot! para ka lang kamag anak ni Edward Cullen ng Twilight." 

"Hindi ka natatakot sa akin?" 

"hindi! bakit? Hindi ka naman katakot takot. Siya nga pala... Ako si Antonio De los Reyes, nice to meet you Blood Prince" 

"Niccolo... Call me Niccolo" 

"Masyadong mahaba! Nico nalang!" 

"Pwede na din!"

"Ayos tong tambayan mo dito ah! Sabay na lang tayo ha? Sakto transferee din ako kaya hindi ko alam yung system dito" 

"Ikaw... sasabay sa akin?" 

"Oo! ang ganda kaya ng view dito, tapos parang ang sarap matulog dito pag lunch break kaya oo!" 

Yung sumpa ng pagiging forever alone nawala sa akin! haha! ang saya! napayakap tuloy ako ng di oras kay Antonio 

"Oh! Ok ka lang?! Bakit napayakap ka?! Beki ka ba?!" 

"Lul! hindi! parang ang ganda kasi sa pakiramdam nang may kasama ulit!" 

"Bakit?! diba may pamiya ka naman?" 

"Meron, kaso malayo sila sa akin, baka kasi maging target ako ng mga pulis kung doon ako magaaral delikado buhay ko doon" 

"Ganoon ba? Ang hirap naman ng buhay mo tol" 

"Ayun na nga eh. ginawa pa kasi akong blood prince naman, mas lalo lang gumulo buhay ko" 

"Ok lang yan tol! Kaya mo yan!! Andito na ako oh!... oh.... umiiyak ka na naman?! Pota! ang bakla mo naman! may mafia bang iyakin?" 

"Oo... ako tol! hahaha" 

"Ewan ko ba sayo tol.... baka ikaw tun ang kauna unahang mafiang baliw" 

Kahit na mejo... ewan ko ang pagiging magkaibigan namin, Ok naman siyang kasama! Antonio De los Reyes.... 

My Brother, The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon