“Wala naman.”

“Wala pala, eh.” at umiling ito. “Ikaw talaga.”

Pumasok na kami sa loob ng cr nang marating namin 'yon at doon, napakwento na agad ako. Tahimik siyang nakikinig sa'kin habang nag-aayos ng kanyang buhok. Nang mabanggit kong si Ken ang nakabuntis sa'kin ay agad siyang napasigaw.

“Si Sir Ken ang ano?!” and she gasped while looking at me. “Siya ang nakabuntis sa'yo!?”

“Shh! Hinaan mo ang boses mo!” pasigaw ngunit mahina ang aking boses na pagsaway sa kanya.

“Sorry. Hindi lang ako makapaniwala.”

“Ako rin naman.”

“Pero... how? Ang bilis naman.”

“He's a sharpshooter.” at napalabi muli ako. 

Tumawa naman si Hailey nang malakas kaya sinaway ko muli siya. “Nice! Sana all sharpshooter, ano?”

“Sana all ka pa diyan.” nag-ayos na rin ako ng sarili ngayon. “Nakita ko nga pala si Dave kanina. Sa basement nang condominium kung saan nakatira si Ken.”

“Anong nangyari?”

“Saglit lang kaming nag-usap.” mahina kong wika. “Dahil do'n, naging malamig ang pagtrato sa'kin ni Ken ngayon.”

“Baka akala eh mahal mo pa.” at napaisip ito. “Baka may nararamdaman na 'yon sa'yo Ali, ah.”

“Mayroon ata.” mahina ko pa ring wika.

Napasigaw na naman si Hailey. “Damn, right! May gusto 'yon sa'yo! Hindi ata lang!”

“Hinaan mo ang boses mo!” pagsasaway ko muli. She chuckled and ignored my remarks.

“Kinikilig ako! Ikaw, may gusto ka rin sa kanya, ano?”

“Magkakagusto pa lamang.” pagsasabi ko ng totoo. “Pero mamaya, aamin na agad ako sa kanya. Nasasaktan na ako ngayon sa pagtrato niya sa akin, eh. Baka pag umamin na agad ako, mag-iba ulit bigla ang pagtrato niya sa'kin.”

“Kaya mo 'yan.” ngumiti nang malawak si Hailey at hinawakan ako sa'king kaliwang balikat. “Trust me, may gusto siya sa'yo. Umamin ka kaagad, okay? May sasalo naman agad sa'yo kaya kaya mo 'yan.”

Tumango ako't ngumiti. Sana...

“Anyway, bakit mag-isa ka lang ngayon?”

“Nasa park sina Hugh at Haille ngayon. Ayaw magsimba ng anak namin at umiiyak kaya ako na lang muna pinagsimba ni Hugh habang siya ang bantay sa kanya.” bigla siyang humawak sa kanyang tiyan kaya napatingin ako ro'n. “Buntis din ako ngayon, isang buwan.”

“Talaga?”

Masaya 'tong tumango. “Oo at sana nga babae ulit.”

“Wow. Congratulations!”

“Sa'yo rin.” at sabay kaming napatawa nang mahina. “If that is a boy, i-partner ko siya sa anak ko kapag babae pa rin ito, ah?”

“Oo naman.”

“Itatali ko agad ang anak ko sa'yo. Kung babae pa rin 'to.”

“Sana nga babae.” at sana 'yong akin naman ay lalaki.

Lumabas na kami ng restroom habang nagkukwentuhan pa rin. Paglabas ay sabay kaming nagulat dahil nando'n si Ken, nakatayo habang nakapamulsang nakatingin sa'min.

“Hi, Sir Ken!” agarang pagbati ni Hailey dito. He slightly smiled at her but didn't greeted her back.

Ganyan naman siya lagi kaya sanay na ako at gano'n din si Hailey panigurado.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon