Chapter 25. Counting stars

7.2K 119 0
                                    


Hi, sorry for the slow updates. May bumabasa ba nito? Hahahahaha buti may nagttyaga pa. Lol, enjoy! :)

Chapter 25.

Rain's POV

Today's thursday. May pasok pala kami at exam ngayon. 6am na pala. Nagising ako kasi nagalarm yung phone ni Ashley. 1pm pa naman yung pasok namin pero ang aga nya magalarm.

"Hoy babae, ano ba yang phone mo ang aga aga pa." Sabi ko sa kanya. Nagising na din sya.

"Kailangan kong makabalik ng dorm ng 8am. Magrereview pa ko eh. Okay lang matulog ka muna kaya ko naman umuwi."

Sabi nya tapos nag smile sya, tsaka nya ko kiniss sa lips. Ang ganda nya kahit bagong gising. Para syang diwata.

"Di pwede, hahatid kita."

Sabi ko naman. Nagwash up lang kami tapos nag breakfast tas hinatid ko na sya. Yung pick up lang ulit ginamit ko para walang issue kasi hindi kami kita. Antok na antok pa ko wala kaya akong tulog nung isang gabi. Buti nga nakapagdrive pa ko ng maayos. Paguwi ko natulog muna ako.

---

*KRIIIING KRIIING KRIIING*

Yung alarm clock ko! Ingay leche. Kaya pinatay ko yung phone ko tapos natulog ako ulit.

*TOK TOK TOK* *TOK TOK TOK*

Ughh ano ba -___- nananadya ba talaga? Antok na antok pa ko taragis naman. Wala kong choice. Tumayo ako at binuksan yung pintuan ko.

"Hija, 12pm na. Ala una ang exam mo, hala sige gumayak ka na."

"Ya naman, vice president ako ng-"

"Hindi sa lahat ng oras magagamit ang kapangyarihan. Tsaka sinabihan ako ni Miss Ashley na gisingin ka."

Nakakainis naman Ashley. Pati ba naman si Yaya kinunchaba mo.

"Oo na, sige magreready na ko."

"Sige, ihahanda ko na din ang lunch mo."

Tapos umalis na si yaya. Hayy. Yung mata ko ganito na -____- Yung eyebags ko sangkilo na. Kailangan ko pa ng tulog pero wala akong choice. Sa garden na lang ako matutulog mamaya.



Erikah's POV

Nandito ko ngayon sa coffee shop malapit sa school kasama sila Lizzy at Dane. 12am pa lang naman. Tinatawagan ko si Rain para sumabay sana saming maglunch kaso patay yung phone nya.

"Di na naman tayo kumpleto." - Lizzy

"Okay lang yun. Intindihin natin si Rain busy sya eh." - Dane

"Busy? Saan? Tapos na school works nya noh. Pre finals na kaya dapat free na yung mga oras nya." - Lizzy

"Hayaan na lang natin. Baka may importante lang na inaasikaso. O baka may ginagawa lang." - Dane

"PWEDE BA GUYS? WAG NYO NGANG PAGUSAPAN YUNG WALA DITO! PABAYAAN NYO SYA KUNG NAKAKALIMUTAN NA NYA TAYO!"

Sabi ko naman sa kanila. Inis na inis na ko kay Rain. Dati naman alam ko lagi kung nasan sya, kung ano ginagawa nya, kung bakit di sya nakakasama samin. Pero ngayon ano? Isang buong araw syang wala sa kanila at wala man lang akong balita kung nasan sya.

"Erikah, hindi naman siguro. Baka busy lang talaga sya. Hayaan mo kakausapin ko mamaya." - Dane

"Sorry, mainit lang kasi ulo ko." Sagot ko sa kanya. Di ko ugaling sigawan sila pero nagiinit ulo ko kay Rain.

My Princess Charming (girlxgirl)Where stories live. Discover now