Chapter 20. Fight for you

6.5K 146 4
                                    

Thankyou po sa mga nag add nitong story sa Reading List nila. Please keep on reading. More votes and comments. Suggestions? Thankyou guys. Masaya na kong malaman na kahit papano may bumabasa nitong story ko :)

Chapter 20

Ashley's POV

"I know she loves you, trust me."

Sabi ni Lucas bago ako bumaba sa sasakyan nya. Buti na lang talaga napadaan sya sa restaurant na yun. Kanina pa ko nakahiga habang nakatulala dito. Buti na lang wala si Aika. Umuwi muna sya sa parents nya kaya magisa lang ako dito sa kwarto.

Parang ang hirap paniwalaan nung sinabi ni Lucas. Ako mamahalin nya? Eh laruan nga lang ako para sa kanya eh.

"Bakit nga ba kasi ako nageexpect na mahalin mo? Di pa ba sapat yung nahanap kita? Tinupad ko naman yung pangako ko na babalikan kita ah. Pero bakit ang hirap. Hindi ko nga alam kung tatanggapin mo ko pag nalaman mong ako yung taong dahilan kung bakit muntik ka ng mawala sa mundo noon."

Sabi ko habang hawak hawak yung cellphone ko na may picture nya. Oh diba kausapin daw ba yung picture? Pero wala eh. Wala akong choice.

Bakit kasi kung sino pa yung gusto mo, yun ang ipinagkakait ng mundo.

"Alam mo, minsan iniisip ko kung tama ba na hinanap pa kita. Pero kasi utang ko sayo tong buhay ko ngayon. Kung wala ka malamang wala na ko dito."

Sabi ko ulit habang hawak ang picture nya. Bigla kong naalala yung mga bagay na nangyari samin. Si Rain kasi yung tipong pusong bato pero sweet. Sobrang bipolar, moody, bossy. Pero masarap kasama. Yung hindi ka nya hahayaang mapahamak. Yung taong kahit hindi ka kilala, kayang isakripisyo yung buhay nya, wag ka lang masaktan.

Pero bakit ang sakit sakit na? Rain, bakit mo ba to ginagawa sakin?

"I'm sorry Ashley."

Yung huling words na sinabi nya bago nya ko iwan. Paulit ulit ko yang naririnig sa tenga ko. Paulit ulit ko ding iniintindi kahit hindi ko maintindihan. Hindi yan yung gusto kong marinig eh. Gusto kong sabihin nya na mahalaga ako para sa kanya, gusto kong sabihin nya na ayaw nya kong mawala sa kanya, gusto kong sabihin nya na mahal na ko.

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nakatitig lang ako sa picture nya.

"So, ito na ba talaga? Ito ba yung gusto mo Rain? Ganun ba ko kawalang kwenta sa'yo? Sorry lang? Ano hanggang sorry na lang matapos kong ibigay lahat sayo pati buong pagkatao ko."

Hindi ko na napigilan yung sunod sunod na luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Sya lang yung nasa isip ko buong gabi. Hanggang sa nakatulog na lang ako kakaiyak.

-

Isang linggo na ang nakakalipas. Paulit ulit lang yung nangyayari. Hindi kami nagpapansinan, walang usap usap, parang hindi kami magkakilala. Ang sakit pala nung tipong nakikita mo syang normal, tapos ikaw sobrang miserable. Gusto ko syang kausapin kaso natatakot ako sa pwede nyang sabihin. Natatakot ako na baka mawala pa ulit sya sakin. Natatakot ako na baka lumayo sya sakin. Ayoko ng maulit yun. Handa akong magtiis kahit gano kasakit basta alam kong nandyan lang sya. Ayoko sayangin lahat. Hindi na ko papayag na mawala pa sya. Lahat ng alam kong paraan gagawin ko, maging maayos lang ang lahat.


Rain's POV

One week had passed. And we're like strangers. Strangers with momeries maybe. Minsan iniisip ko bakit kaya ko ganto? Simula nung mawala yung mga magulang ko, parang wala ng direksyon yung buhay ko. Anong silbi ng pera, yaman, at kasikatan kung magisa ka lang sa buhay mo? Bata pa kasi ako, kinaya ko ng mabuhay magisa. Hindi ako sanay na may taong nagiingat sakin ng sobra. Hindi ako sanay mahalin ng higit pa sa pagmamahal na binibigay ng mga kaibigan ko. Nilagyan ko ng shield yung sarili ko kasi takot akong masaktan. Hindi ko man lang binigyan ng chance yung sarili ko na maging masaya sa paraang gusto ko.

Pano kung sabihin ko sa kanya yung totoo? Pano kung umamin ako na mahal ko sya? Anong mangyayari sa buhay ko? Maraming magbabago, maraming magugulat, marami ding mangengeelam. Isa pa pareho kaming babae. Sa school na to, pwedeng sanay yung mga estudyante na makakita ng ganung relasyon. Pero pano sa labas? Ano na lang sasabihin ng mga tao? Pero bakit ko ba iniisip yun. Nabuhay nga ako ng hindi iniintindi yung sinasabi ng ibang tao.

Siguro oras na para bigyan ko naman ng pagkakataon yung sarili kong maging masaya. Hindi ko pa nararanasan magmahal at mahalin ng sobra. Siguro oras na para maranasan ko lahat. Bahala na kung anong mangyari, pero dapat hindi ako matakot. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat.

Sasabihin ko na na mahal ko sya. At handa akong lumaban para sa kanya.

-

Nasa garden ako ngayon. Nakahiga sa ilalim ng puno. Ang sarap talagang magpahinga dito. Parang nasa probinsya. Nagalarm muna ko tsaka ko nilagay sa may ulunan ko yung phone ko.

Bigla akong naalimpungatan. Bigla kong may ingay na narinig. Umupo muna ko at sumandal sa puno. Wala na, wala na ko sa mood magpahinga dahil sa lintek na ingay na yun. Lumingon ako sa kaliwa, hindi ko sure kung si Asley yung tumatakbo papunta sakin. Tapos may isang babae na humarang sa kanya. Ang labo. Biglang lumabo yung paningin ko. Tatakbo na sana ako papunta sa kanila ng bigla akong napalingon sa kanan pagtayo ko. Don nakita ko ang isang figure ng lalaki, parang si Zac. Pero hindi ko alam kung sya yun. Lalong lumalabo yung paningin ko. Biglang may kinuha yung lalaki sa bulsa nya. Isang tangkay na tulip kasama yung picture nya. Shit, baby Z? Sya na ba yun? Tatakbo na sana ko para yakapin sya. Pero paglingon ko sa kanan ulit nagaaway na yung dalawang babae. Si ashley ba yun? Bakit hindi sya lumalaban? Para kong napako sa pagkakatayo ko. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Biglang nagdilim yung paligid tapos ay...

KRIIING KRIIING KRIIING!!!

Fuck yung alarm clock ko! Dinilat ko yung mata ko at shit, monday na naman pala. I hate mondays. 6am na. Panaginip lang pala lahat? Akala ko totoo. Si Ashley, si Zac. Silang dalawa ata yung napanaginipan ko. Pero hindi ko alam kung sila talaga. At imposibleng maging si Zac si baby Z. Ughhh, makakilos na nga.

Erikah's POV

This past few days medyo iniiwasan nya ko. She's not the same anymore. Unti unti syang nagbabago. Dahil sa babaeng yun? Lalo tuloy akong natatakot umalis. February na, after this sem papapuntahin ako ni mommy sa U.S para tulungan si dad sa business. I still have one month. Ito ang unang beses na hindi ko sya makakasama ngayong bakasyon. And I'm fucking worried. Baka pagbalik ko, sila na. Of course, hindi ako papayag. Rain is mine. She's all mine.

Ashley? You're a fucking stranger for me. Tatanggapin ko kung magmamahal si Rain ng iba. Pero kung ikaw lang din? No, lalaban ako para sa kanya.

~end of chapter 20

My Princess Charming (girlxgirl)Where stories live. Discover now