Chapter 9 Special number.

8.6K 172 0
                                    

Chapter 9




Rain's POV


hinila ko sya palabas ng dorm nila. Pumunta kami sa isang coffee shop malapit sa school. Syempre, lahat ng tao sa coffee shop nagulat nung nakitang may kasama ako. Duh! Sikat ba talaga ko bilang Loner dito sa school? Ano bawal magkaroon ng kasama? Bawal? Sa labas kami umupo para makapag yosi ako. Sinenyasan ko naman ang waiter para umorder. Alam na nya yung order ko, so hindi na nya kailangan lumapit pa.



"Why did you do that?" Sabi nya. Is she referring to the hug and kiss?


"Wait. I think I should be the one saying that. You told them that you're my girlfriend. So, why did you do that? Sinakyan ko lang yang kalokohan mo." I said to her habang nagsisindi ng isang stick ng sigarilyo.



Hindi pa ako nagkakaroon ng lovelife eversince. Ewan ko. Pero hindi ko nabibigyan ng pansin yang bagay na yan. Well, may naging crush ako. Childhood sweetheart actually. Kaso wala na sya eh. May mga lalaking nanliligaw pero hindi pumapasa. And hindi naman porket sa all girls school ako nagaral eh babae na yung gusto ko. May mga babaeng nagkakagusto saken pero ayoko din eh. Ewan. Ayoko kasi sa mga relationship na yan. Okay na yung ganito, yung wala akong minamahal. Walang stress.



Para namang napatulala sya sa sinabi ko. "Umhh, sorry kung sinabi ko yun. Wala na kasi akong maisip na isagot sa kanila kanina eh." She said.



"Nevermind." Sabi ko na lang at saka humithit ng yosi.


Dumating na yung order ko. Tahimik lang kami mula ng kumain kami hanggang sa matapos.



Bigla kong naalala yung oras. Magpapa audition nga pala ako. Hala. 4:45pm. Nag madali akong tumayo. Kinuha yung wallet ko at nagiwan ng 2,000 pesos sa table. Tsaka ko naman hinila si Ashley pagbalik ng school. Nasa 9th floor ang gym. Pagpasok namin ay nagmadali agad kaming pumasok sa elevator.



"Ba't ba bigla bigla kang nanghihila jan? Ang sakit kaya." Sabi nya habang hinihimas yung brasong hila ko kanina.



"Well, may special number ako eh." I said. Bakit ba ang bait ko sa taong to? Di ko man lang magawang magsungit. At nakarating na kami ng 9th floor. Pag bukas ng elevator, halos lahat ng estudyante ay sa Amin nakatingin. Marahil ay ako na lang ang kulang para makapag simula sila. Agad namang umakyat si Lizzy at Dane sa stage at nag MC about sa audition.



Pag labas namin ng elevator ay hinila agad ako ni Erikah papunta sa dressing room. May solo dance number nga pala ako, bakit ko ba nakalimutan yun?! Agad naman akong nagpalit ng damit. Yung cd. Fuck, hindi ko nadala yung cd ko. Ughhh. Anong sasayawin ko ngayon?



"Any problem?" I heard Erikah's voice on my back.




"Loves, I forgot my cd. Anong sasayawin ko? Ilang minutes na lang and solo number ko na." I told her. She smiled at me. I feel better. Alam kong may solusyon na to.




"Remember your choreography in 'wait for you' and 'sexy love'?" She said while holding my cheeks by both of her hands.




"Yeah, I still do." I said. My best friend's never really failed to make me smile. She always has a back up plan.



"Ughh, where's Ashley?" Tanong ko sa kanya. Sa sobrang taranta ko kanina nawala na sya sa isip ko.



"Nandito lang ako."



I heard someone in my back. All this time, nasa likod ko lang sya? Para namang nawalan ng gana si Erikah. Anyare dun? Nilapitan ko si Ash.



My Princess Charming (girlxgirl)Where stories live. Discover now