Chapter 1. My lady in shining armor

22.8K 307 10
                                    

Chapter 1.




Zac's POV


"Let me go!"


Sigaw ko sa tatlong lalaking nakahawak sakin. Galing ako sa bar. Birthday nung isa kong tropa kaya nagkayayaan lang maginuman. Lasing na ko pero nagpumilit pa din akong umuwi. Sa kasamaang palad, wala akong masakyan dahil madaling araw na at madilim pa. Kaya pinili ko na lang maglakad. Napadaan ako sa isang eskinita. Di ko naman inakala na may mga masasamang loob na haharang sakin dito. Bigla nila akong hinarang at hinawakan.



"I said let me go!!!" Bulalas ko sa kanila. Naiinis na talaga ako. Di ko alam kung anong trip ng mga to. Kung holdaper ba o kidnapper. O trip lang akong bugbugin ng mga to.



"Halughugin mo yung bag pare! Kunin mo lahat ng pwedeng makuha. Bilis!"


Narinig kong utos ng isang lalaki sa kasama nya. Agad naman itong sumunod at kinuha ang bag ko upang tignan ang laman. Hindi pa man nya nabubuksan ang bag ko ay bigla akong may narinig na tumigil na motor malapit samin.



Isang tinig ng babae ang narinig kong sumigaw at nagsalita...



"LET HIM GO! You assholes."



Sabi nya. Lahat kami ay napatingin sa kanya...


Gosh, mukhang dumating na yung guardian angel ko. At ang cute nya. She's wearing a maong shorts, red sando, leather jacket, red vans, and a cap. She's so adorable. More like a dancer. Halos lahat kami ay napatulala sa kaniya.




"Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito o papakawalan nyo yang lalaking yan?!"




Parang lahat kami ay bumalik sa realidad ng marinig namin muli ang boses nya.



"At sino ka naman para utusan kami?!" Sagot nung isang lalaking nakahawak sa isang gilid ko.




"Pag sinabi ko sa'yo kung sino ako, humanda ka na para sa kabilang buhay mo."



Halos walang takot sa boses nya habang sinasabi nya yan.



"Miss, kung ako sa'yo. Aalis na ko dito. Hindi mo alam ang gina-" hindi na natapos nung lalaki yung sasabihin nya ng makita nyang may kinuha ang babae mula sa likod nito.


Ano to? Isang baril?


Tama. Baril nga, at itinutok na yon sa lalaking nagsasalita kanina.




"I won't waste so much time here. Pakawalan nyo na yang lalaking yan o papasabugin ko ang mga bungo nyo!"




Sagot nung babae. Halata ang iritableng tinig sa boses nya. Pero wala akong emosyong makita sa mata nya. Anong klaseng babae ba to? Wala ba syang takot? Pano kung sya yung patayin ng mga to? Grabe ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong babae.



Itinutok nya sa itaas ang baril at nagpakawala ng isang bala. Siguro ay upang patunayan sa mga masasamang loob na to na hindi sya nagbibiro. Agad namang nanlaki ang mga mata nitong tatlong lalaking to, tinutukan nya ulit ang isang lalaki kanina at...



"In a count of three, pag nandyan pa din kayo. Pasensyahan tayo.... One, tw--"


Hindi pa sya tapos ay nakita na nyang nagtakbuhan ang mga lalaki.


Agad naman akong nakabawi sa pagkakagulat at nilakasan ang loob kong magsalita kahit na medyo may takot akong naramdaman sa babaeng to.



"Umhh... Miss, thanky-" hindi nya ko pinatapos dahil agad itong nagsalita.




"You're such a gay." Then she smirk.



Pagkasabi na pagkasabi nya ng sentence na yan ay agad na nyang pinaharurot ang motor nya.




WTF? Did she just said that i'm a gay?!



~ end of chapter 1

My Princess Charming (girlxgirl)Where stories live. Discover now