Napaatras ako sa ginawa niya. What the hell! Tapos tiningnan ko siya ng masama pero mukhang di naman siya apektado kasi hinila na niya ako at dinala papunta sa space shuttle. Napatigil talaga ako pagkakita ko sa space shuttle.

“Anong gagawin natin dyan?” Nahintakutang tnong ko sa kanya. Wag niyang sasabihing sasakayh kami dyan.

“Wala naman. Titingnan lang natin hanggang sa mawala.” Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Yun naman pala, titingnan lang naman pala namin.

“Siyempre sasakay tayo. Si Doc talaga parang galing sa ibang planeta.” Tapos hinatak na naman niya ako para sumakay sa shuttle. Nag try pa akong magpumiglas pero wala. Piunagtatawanan lang niya ako hanggang sa makasakay kami.

Nanlalamig na ang mga kamay ko. Ni hindi na ako gumagalaw. Pero itong katabi ko mukhang hindi naramdaman ang agitation ko. Hanggang sa umandar na ang space shuttle.

“Walanghiya kaaaaaaaaaaaaaaa..aahhhhh” Sabay sabunot sa kulot na buhok ni Jaysonsa. Mamamatay na ata ako. Pero bago man mangyari yun, kakalbuhin ko muna ang sanhi ng kamatayan ko.

Narinig ko din siyang sumigaw habang inaalis ang pagkakasabunot ko sa kanya pero hindi ko na narinig dahil sa sigaw ng mga tao. Basta ang alam ko sa buong duration ng pagsakay naming sa space shuttle nakasabunot ako sa kanya.  Ikaw ba naman ang mkipag face to face sa phobia mo? Kaya pagod na pagod ako at hilong hilo pagkababa namin sa ride.

“Nasaan na ang anit ko?” Narinig kong sabi niya habang hinihimas ang ulo. Tiningnan ko siya ng masama.

“You!!!” Sabay duro ko sa kanya. Pero hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung ano ang appropriate word na pwede kong sabihin to describve how I feel right now. Kung legal lang talaga pumatay ginawa ko na.

“Wag ka na magalit Doc. Kakain na tayo!!” Masayang Masaya na anunsiyo niya. Hindi man lang siya apektado sa galit ko sa kanya.  

“Kumain kang mag isa mo! At sa susunod, wag na wag mno akong mahila hila kung saan saan. Wag mo akong masakay sakay kung saan saan. Wag mo akong kausapin. Wag mo akong sundan. Wag ka nang magpapakita sa akin.” I shouted at him. Ni hindi ko na pinansin ang mga tingin ng mga tao.

“Ang dami namang bawal. Pero buti na lang di ka bawal halikan at pakasalan.” Ngumisi pa siya at nanlaki ang mga mata ko. At bago ko pa talaga siya mapagbuhatan ng kamay tinalikuran ko na.  Ayaw ko pang maging criminal.

Pero sinundan niya ako hanggang sa makalabas na kami ng EK at naghihintay ako ng papasok na kahit anong masakyan.

“Baka gusto mong sumabay sa akin.” Sabi pa niya. Nasa tabi ko lang siya at ni hindi ako pinipilit na makisabay sa kanya na para bang hindi siya ang humila sa akin kaya andito ako ngayon. Hindi naman sa nag eexpect ako na gawin nga niya yun pero typical na kasi sa mga lalaki ang mga ganun. Machismo attitude. Gustong gusto nilang masabihan na mga responsableng tao sila. Pero itong lalaki na katabi ko wala atang kamachohan sa katawan.

“Sasabay nay an. Sasabay na yan.” Pangungulit pa niya.  Tiningnan ko siya ng masama kahit na alam kong walang epekto sa kanya.

“Seriously Jayson, wala ka bang ginagawa sa buhay  at sunod ka ng sunod sa akin? Wala ka bang trabaho? Wala ka bang pinagkakaabalahan?” Come ton think of it. Halos araw araw siya kung makatambay sa clinic ko a kaya sa clinic ni Tamadao at walang ginagawa kundi ang mangulit lang.

“Meron naman pero every Sunday lang.” Anong klaseng trabaho ang tuwing lingo lang?

“Ano ka pari??”

“Hindi naman, sacristan lang.”  

“Pinagloloko mo ako?” Sakristan? Siya? Oh c’mon!

“Ayaw mo maniwala? Come with me and I’ll show you.” Napuno ako ng curiosity at the same time ng pagdududa. Napkasensual kasi ng pagkakasabi  niya na para bang may gagawin kaming bawal pero masarap.

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now