Nakarinig ulit ako ng ilang message alert tone pero hindi ko na binuksan. Mahirap na baka lalo akong tuksuhin ng mahadera kong secretary. At kahit kating kati na ang kamay ko na kunin ang cellphone ko, hindi ko ginawa. Tiningnan ko lang ito ng masama hanggang sa magring ito. Napatingin ako bigla sa secretary ko at nung makita kong di siya nakatingin sinilip ko kung sino ang tumatawag. At biglang bumilis ang heartbeat ko nung makita ko ang pangalan ni Jayson sa phone ko. I don’t know the cause of my sudden fast heartbeat. Might be the fact na takot akong mahuli ng secretary ko. But come to think of it, bakit ako natatakot na mahuli ng secretary ko na may kausap sa cellphone? OO nga ano? Bakit nga ba? Eh secretary ko lang naman siya. Pakialam ba niya kung sino ang katext at kausap ko sa phone. At dahil sa realization nay an kayak o kinuha ang phone ko at sinagot.

“Yes.” Walang emosyon na sagot ko. And I am grateful that I manage to sound unemotional. Baka mahalata pa ni Jayson na natataranta ako. No! Hindi ako natataranta. Bakit naman ako matataranta? At bakit ba ang dami kong tanong sa isip ko?

“Date na kasi tayo.” Napalunok ako sa sinabi niya. Di rin naman uso ang greeting sa kanya ano?

“Jayson, sinabi ko na sayo na busy ako. Palagi as in always. Madami akong pasyente. I don’t have time for dates. Kung nakikita mo lang ngayon kung gaano kadaming pasyente ang naghihintay sa akin sa labas.” Pinilit kong maging irritable ang boses  ko para maiparating sa kanya sa naiistorbo niya ako.

“Wala naman ah!” Napatingin ako bigla sa pinto sa may reception and it slowly opened, then I saw Jaysonsa’s grinning face. Pinilit kong hindi mapangiwi kasi obviously nabuking na ang aking palusot.

“Anong wala? Akala mo lang wala, pero meron. Meron!” Hysterical na sabi ko na nagpatawa sa secretary ko na alam ko na nakikinig.

“Patawa si Doc.” Sabi pa niya. Hmm.. makapaghanap na nga ng panibagong secretary.

“Oo nga.” Sang ayun naman ni Jayson. “At isa pa Doc, may ED lang ako pero hindi pa ako baliw. Well, hindi pa naman ako sobrang baliw sayo kaya di mo pa ako masyadong mauuto.” At bigla na lang niya akong hinatak.

“Oy te—ka lang! May clinic pa ako.” Sabi ko habang pinipilit na abutin ang bag ko na nakalagay sa gilid ng mesa.  

 “Hindi ka naman lalayasan niyang clinic mo.” At sapilitan nga niya akong inilabas sa clinic ko. Wala na akong nagawa at kung may magagawa man ako, di ko na ginawa. Sayang ang libre.

“Sa eat-all-you-can tayo ha.” Sabi ko pa habang sinusuot ang seatbelt ko.

“Oo na.” Ngingisi ngising sabi niya.

At sino ba naman ang mag aakalang sa kahahanap namin ng eat-all-you-can restaurant nakarating kaming Laguna.

“At ano ang ginagawa natin dito? Akala ko ba eat-all you can?” Lahat na ata ng pwedeng tumaas sa akin ay tumaas na nung nagpark siya sa tapat ng Enchanted Kingdom.   

 “Maaga pa naman para sa eat-all-you can kaya ride all you can muna. Alam mo kasi Doc, masyado kang uptight. You need to lighten up a bit.” Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Pero tumawa lang siya at inilagay ang kamay niya sa mukha ko para ibaba ang kilay ko.

Run, While You Still CanWhere stories live. Discover now