Chapter 35. [Important]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit pala ako yung rason kung bakit ka umiyak kanina?" tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng biglang umalis si Kim sa tabi ko saka tumayo. At nagcross-arms sakin.

"Blake, hindi ako umiyak. Ano bang nangyayari sayo? Kanina yung choco chip cookies, tapos ngayon umiyak ako? Wtf?"

Napahawak ako sa ulo ko. Sht. Si Kaycee na naman laman ng isip ko. Putris naman! Napagkakamalan kong si Kim as Kaycee! Tss! Ano ba Blake?!

"Kim, sorry. Masama pakiramdam ko. I need to rest." tumayo na ko at maglalakad na sana papasok ng beach house ng biglang hawakan niya ko sa kamay.

"Blake, don't even think of other girls. Okay? I love you."

I sighed.

"I love you too." hinalikan ko siya sa pisngi niya saka ako naglakad na papasok ng beach house.

Gabi na. 9PM. Pero sobrang antok na talaga ako. Naeewan ako sa sarili ko. I'm confused yet I don't know why! Fck this. Napapaisip ako, ako ang dahilan kung bakit umiyak si Kaycee? Why?

Papasok na sana ako ng kwarto ng biglang may humila sakin. Pagtingin ko. Si Chris.

What's up brad?"

Sinagot niya ang tanong ko sa pamamagitan ng suntok.

Napabalikwas ako. Putris. Problema ng gagong 'to?!

"Bakit mo ko sinuntok Chris? Problema mo ha?!" sigaw ko. Punyemas kasi. Sa mukha ko pa talaga. Tangna!

"Problema ko? Gusto mong malaman ha?!"

"Diretsuhin mo na ko! Baka di kita matantsa dyan masapak rin kita!"

Nagulat ako sa tinaas niyang bagay.

Planner ko.

"Ano Blake? Akala mo walang makakaalam ng plano mo?!"

Nanigas ako sa tinatayuan ko sa sinabi niya.

Yung plano ko na paibigin si Kaycee para makuha yung kotse ko.

"Tarantado ka talaga Blake. Para sa kotse? Anong plano mo pagkatapos? Iiwan mo siya sa ere? Gagawin mo rin sa kanya yung ginawa sayo ni Kim?!"

Ayokong maramdaman ni Kaycee yung sakit na naramdaman ko. Ayoko. Ayoko na siyang umiyak.

"Ang bobo mo Blake! Tanga ka! Ang swerte mong lalaki kung alam mo lang! Tapos sa huli pala papaiyakin mo lang siya?! Dudurugin mo siya?! Hindi ako makakapayag!"

Ayokong madurog siya. Parang madudurog na rin ako.

"Sabihin mo na sa kanya na wala kang gusto sa kanya para di siya umasa Blake. Magpaka-lalaki ka. Iclear mo na agad nararamdaman mo sa kanya kung ayaw mong masira pagkakaibigan natin."

"Ano bang gusto mong mangyari Chris? Keep Kaycee to yourself? Hindi siya sayo! Mas matagal na kaming magkakilala! Mas may pinagsamahan kami! Maid ko siya at young master niya ko!"

"Matutuwa ba siya kung malaman niyang lahat yun parte ng deal mo sa nanay mo? Na puro kasinungalingan lang ang binigay mo sa kanya ha?!"

"Oo aaminin ko sayo Chris. Nung una it's all about the deal. But then it changed. It changed to something different. Hindi ko alam pero nagugustuhan ko ng mapalapit sa kanya. Kaya Chris, wag na wag mong sasabihin 'to. Please brad. Hayaan mong ayusin ko 'to. Kasi hindi ko alam kung anong mararamdaman ko."

"Bakit? May gusto ka na ba sa kanya?"

Napabuntong-hininga ako. Gusto? Si Kaycee? Malabo. Hindi siya yung ideal girl ko. I should hate her for entering my life for such a petty reason...

......................... but I can't.

"Importante sakin si Kaycee."

Hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Basta yun ang nararamdaman ko ngayon.

Biglang nakarinig kami ng footsteps mula sa kanan namin. At nagulat ako.

Si Kaycee.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon