Ch. 22: Confession (edited 03/01/2021)

Start from the beginning
                                    

Naniningkit ang mata kong sumugod sa kanila. "Kean? Why are you here?" Tila kabadong tanong ni Kuya Ethan.

"Are you stupid? Syempre nag aaral ako dito kaya ako nandito!" Pamimilosopo ko sa kanya. "Kaya pala ang aga mong umalis..." Sabi ko pa at mataray na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha niya.

"She said she just needs my help. It's nothing, I swear!" Mabilis na sagot ni Kuya Ethan.

"Help, hmm? Parte din ba ng paghingi niya ng tulong yung pagsunod sayo na parang aso na para bang may dala kang dog food?" Pang uuyam ko sa kanila. "May paglaro-laro pa ng buhok."

"What did you say!?" Padabog na tanong ni Desiree.

"Kung gusto mo, ako na lang ang tutulong sayo?" Sabi ko pa sa kanya.

Naiinis at padabog na umalis si Desiree. Inis naman akong bumaling kay Kuya Ethan.

"What?" Defensive niya'ng tanong.

"Akala ko ba—?"

"What!?" Masungit niyang tanong.

Umismid lang ako at mataray siyang tinalikuran. "Hmp!"

Bumalik na lang ako sa classroom dahil wala na ako sa mood maglakad-lakad. Nandoon na sila Xandra at Ayen nang makarating ako.

"Oy, bakit wala pa yung bebe mo?" Tanong ni Ayen at ngumuso pa paturo sa upuan ni Tristan.

Napabuntong-hininga na lang ako. "May sakit. Pupunta ako sa kanya after class kaya mauna ka na." Sagot ko sa kanya.

Nawalan na ako ng gana buong araw at napapabuntong-hininga maya't-maya.

"Kean!" Nagulat ako nang sigawan ako ni Xandra sa tenga.

"Ano, girl? Namatayan lang? May sakit lang yung boyfriend mo, ganyan ka na?" Pang aasar ni Ayen.

"Che!" Nakanguso kong sabi at nilibot ang tingin. "Nasaan si Cyrenne?" Nagtataka kong tanong dahil biglang nawawala si Cyrenne.

"Ewan ko." Kibit-balikat na sagot ni Xandra. "Kanina pa nawawala yun."

"Kanina? Kasabay lang natin kumain yun ah." Sabi ko pa.

"Oo nga. E bigla na lang umalis kanina tapos di pa bumabalik." Sagot ni Xandra.

"Hanapin ko lang." Sabi ko at umalis kaagad.

Naglalakad ako sa field nang mapansin ko si Cyrenne na nakatayo sa labas ng gymnasium. Tahimik ko siyang nilapitan at tatawagin sana nang makita ko din si Kuya Ethan. But he's not alone. He's with Desiree and this time, they're doing something.

I looked at Cyrenne who's staring at the two of them kissing and she's crying.

Nakaramdam ako ng galit kay Kuya Ethan. I know he's feeling something for Cyrenne but why is he letting Desiree kiss him!?

Mabilis na tumalikod si Cyrenne at nagulat nang makita ako. I gave her an apologetic smile.

"K-Kean..."

Mukhang narinig ni Kuya Ethan ang boses ni Cyrenne at agad na tinulak si Desiree palayo. Akmang lalapitan niya kami nang tapunan ko sya ng masamang tingin. Cyrenne felt that Kuya Ethan already saw us kaya umakmang tatakbo siya palayo. Napansin iyon ni Kuya Ethan at doon lang siya nagkalakas ng loob na gumalaw para habulin si Cyrenne.

"Wait, Cyrenne!" Tawag ni Kuya Ethan kay Cyrenne at hinawakan ito sa braso para pigilan. "Let me explain—"

"Explain?" Agad na sabi ni Cyrenne para putulin ang sasabihin ni Kuya Ethan. "Bakit? Wala ka namang dapat i-explain sa akin."

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Where stories live. Discover now