Ch 4: Sungit (Edited: 03/15/16)

348 17 1
                                    

Chapter 4 (Edited: 03/15/16)

KEAN's POV

Nandito ako sa bahay nila Ayen at hinihintay na naman syang matapos... ulet.

Ang bagal nya talaga kumilos kahit kailan. Walang pagbabago.

"Wala na ba talagang ibibilis yang kilos mo?" inis kong tanong.

"Ibibilis? Nagmamadali na nga ako eh!" sagot niya.

Nakakairita tong babaeng to kumilos. Araw-araw na lang kaming ganito.

"Tapos na ako!" sigaw nya.

"Tara na!" sigaw ko din.

Agad akong sumakay sa kotse at sumunod lang sya.

Hinalukay ko naman yung bag ko at hinanap yung box. Nang makita ko na ay inihagis ko yun kay Ayen.

"Oh!"

"Aray!" daing nya. Agad din nyang binuksan iyon. "Ano to?" tanong nya.

"Tss.. Pagkain yan." Sarcastic kong sabi. "Nakikita ng bracelet, magtatanong pa."

"Haha. Very funny." Pang aasar din ni Ayen.

"Pasalubong yan nila Mommy from Japan. I think, gawa ni Lola yan." Sabi ko.

"Waaaah! Ang ganda!" sabi niya at isinuot agad yung bracelet.

--

SKA-

Pagdating namin sa room, ingay agad ng mga kaklase namin ang sumalubong sa amin.

Isang linggo na, ganun pa din. Well, aasa pa ba akong may magbabago?

"Ang ingay talaga nila." Reklamo ko at sumalampak ng upo.

"Always naman eh." Sabi ni Xandra.

Ibinigay ko naman sa iba yung bracelets na gawa ni Lola. Pare parehas lang kami ng design.

"Ako na magbibigay kila Cyrenne." Sabi niya sabay kindat.

Maya maya pa'y dumating siya kasama sila Cyrenne.

"Mall tayo, girls!" sigaw ni Cyrenne.

"Tao kami." Sabi ni Xandra.

Tinignan naman siya ni Cyrenne. Tinawanan ko lang sila.

Literal talaga eh.

Sa mga di nakagets, push.

Nang marealize ni Cyrenne ang sinabi ni Xandra...

"Alam ko, tao tayo. I mean, magmall tayo later." Sabi ni Cyrenne sabay irap.

"Linawin mo kase." Sabi ni Xandra.

"Literal ka kase! Lahat na lang." Sabi naman ni Cyrenne.

Magsasalita pa sana si Xandra ng biglang magbell.

"Basta mamaya ah! Magmall tayo." Sabi ni Cyrenne at pinagdiinan pa ang salitang 'magmall'. Nagdala na ata.

*

"Dun tayo!"

"Dun na lang!"

Hindi na Natapos yung turuan nilang dalawa. AHAHA! Basta kami ni Ayen, may sariling mundo. Pumasok na nga kami sa iba't ibang store eh. Sila? Ayun nagtatalo pa din.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon