Ch. 12: Loving Someone (Edited 01/9/19)

264 11 0
                                    

*There's some additional scenes in the previous chapter. I think nacut sya from copying sa MS Word.

Chapter 12 (Edited 01/9/19)

Kean's POV

"Ang cute nyaaaaa~" parang nanggigigil na sabi ni Ayen. "Halika dito, baby girl!"

Bigla namang nagtago yung bata sa likod ko at tinawanan naman ni Kevin si Ayen.

"Takot sa'yo yung bata. Mukha ka daw kasing witch." pang aasar ni Kevin.

"Ano'ng sabi mo!?" inis na singhal ni Ayen kay Kevin. Tumawa naman ako at hinawakan sa kamay ang bata habang nagpapaliwanag ang mga teacher sa gagawin namin ngayong araw.

"We're going to bake--" naputol ang sinasabi bg teacher nang maghiyawan lahat.

"Ma'am, magaling lang po kumain si Ayen!" sigaw ni Kevin.

"Mananahimik ka o ipapasalvage na kita ngayon mismo?" banta ni Ayen kay Kevin at hayan na naman silang dalawa.

"Quiet!" saway ng teacher sa lahat. "As I was saying, we're going to bake or cook something. It's up to you kung ano ang gagawin niyo sa grupo. The ingredients are in here. Feel free to use them all and once you decided on what to do, write it in a piece of paper with your group members name in it."

Humarap si Xandra sa amin. "So, ano'ng gagawin natin?" tanong ni Xandra.

"I don't know." sagot ko at bumaling kay Ayen.

"Why are you looking at me?" tanong niya.

"Obvious naman kasi na mas--"

"Sige, ituloy mo yang sinasabi mo. Isasaksak ko to'ng ballpen sa lalamunan mo." banta ni Ayen kay Kevin.

Tinakpan naman ni Xandra ang tenga ng bata at tinignan ng masama sina Ayen at Kevin.

"Mind you words. May bata tayong kasama baka nakakalimutan niyo?" saway ni Xandra.

"Si Ayen kasi e!" turo ni Kevin kay Ayen.

"Ano'ng ako!? Ikaw yung nangunguna diba!?" ganti naman ni Ayen.

"Kung mag aaway kayong dalawa, doon na lang kayo." sabi ni Xandra at tinulak ang dalawa palayo.

Rico awkwardly laugh at nilapitan ang bata.

"What do you want to eat?" tanong ni Rico sa bata.

"S...Strawberry." Cute nitong sagot.

Tumingin sa akin si Rico. "You heard the child."

I sighed. "Okay na ba ang Strawberry Cheese Cake?" tanong ko.

"As long as it's delicious then it's fine." kibit-balikat na sagot ni Rico.

I rolled my eyes at him and looked at Tristan na kanina pa tahimik sa tabi ko. "May problema ba?" tanong ko.

Hindi sya sumagot at tumingin sa bata. "I'm not good with children."

Mahina akong tumawa. "That's okay. Tulungan mo na lang ako." sabi ko sa kanya at saka kumuha ng basket para sa ingredients. "Help me with the ingredients."

Mabilis naman syang sumunod sa akin. Ayen also followed and helped me. "So what's next?" tanong ni Ayen nang matapos namin kuhanin lahat ng kailangan.

"You'll do the mixing and I'll do the baking." sagot ko at kumuha ng mga mixing bowls.

"And we'll distract the kid." sagot ni Rico habang nilalaro ang bata kasama si Xandra sa isang tabi.

AFTER we baked the cake, the teachers evaluated the cake. Then, after ng evaluation, lunch time na and we'll proceed sa next activity ngayong araw. Speaking of our next activity...

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon