Ch. 20: Roadtrip (Edited 09/04/2020)

154 12 0
                                    

Chapter 20: Roadtrip (edited 09/04/2020)

KEAN's POV

Aksidenteng nalaman ni Tristan na aalis pala sila Cyrenne at Xandra after graduation at posibleng doon na sila manirahan. Di sinabi sa amin nila Cyrenne dahil paniguradong mag aalala kami.

Nalaman din namin na may fiance na si Cyrenne mula kay Kuya Ethan na nalaman naman niya mula kay Desiree. Medyo nag aalala ako dahil mas nagiging malapit na si Kuya Ethan at Cyrenne sa isa't-isa.

Kasalukuyan akong nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag dinner. Kuya Ethan's family are here nga pala. Ewan ko nga kung bakit nandito sila Tita Estella.

Napatalon ako sa gulat nang parang may bumagsak sa itaas. Napatingin ako sa hagdan tapos bumaling kay Daddy.

"What's that?" Tanong naman ni Mommy na sumilip mula sa kitchen.

"I don't know, Mom." Sagot ko at tumayo.

"Silipin mo si Ethan, Kelly." Utos sa akin ni Daddy. Napanguso naman ako. Bakit ako?

Umakyat ako sa hagdan papunta sa second floor at napansing wala sila sa living room dito kaya dumirecho ako sa kwarto ni Kuya Ethan kasi baka nandoon siya. Pero bago ko pa iyon mabuksan, narinig ko ang ingay mula sa library. Doon ko sila nakita.

Sisilip lang sana ako pero nakita ko iyong upuan na nakatumba at nakatayong si Kuya Ethan. Mukhang galit din si Kuya Ethan dahil nakahawak si Ate Eloisa sa balikat ni Kuya Ethan at parang pinapakalma ito.

"Bakit ngayon lang!?" Sigaw ni Kuya Ethan at napangiwi ako sa lakas ng boses nya. Halatang galit na galit si Kuya Ethan. "Bakit hindi niyo sinabi nang mas maaga!? Is this the reason kung bakit kayo biglang napauwi!?"

Nag aalala ako dahil ngayon ko lang nakitang galit na galit si Kuya Ethan.

"You need to do this, Ethan. You need to marry this girl." Dinig kong sabi ni Tita Estella.

Wait... What? Marry this girl?

"Alam niyo namang ayaw ko sa ganyan, 'di ba!? Biglaan pa!?"

"It's already been decided. You'll marry the girl when you graduated from college." Desidido'ng sabi ni Tita Estella.

"Shit..." Dinig kong sabi ni Kuya Ethan. Napaatras ako nang lumabas sya at dire-direcho naman siyang pumasok sa kwarto niya.

Kagat-labi akong nakatingin kila Tita Estella bago bumaba ng hagdan.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Mommy nang makita akong bumaba.

"May pinag uusapan sila nila Tita Estella then nagalit si Kuya Ethan." Sagot ko kay Mommy.

"Hmm..." Dinig kong sabi ni Daddy na para bang sinasabi niyang hayaan namin sila at wag pakialaman.

Napapabuntong hininga akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. Sakto namang nagring ang phone ko.

"Tristan..." sagot ko sa tawag.

(Ethan told me.) Agad niyang sabi mula sa kabilang linya.

"He already told you!? Wow, Tristan. Hindi ko alam na chismoso ka din pala."

(I said, Ethan told me. I didn't ask him.) Pangangatwiran ni Tristan. Nai-imagine ko tuloy yung mukha niya na naka-poker face.

Napanguso ako."E anong gagawin natin?"

(I don't know.)

Napaisip naman ako. "What if, magroadtrip tayo? Or camping!?"

(So sudden?)

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon