Ch. 22: Confession (edited 03/01/2021)

131 11 0
                                    

Chapter 22: Confession (edited 03/01/2021)

KEAN's POV

Natutuwa ako kasi nag enjoy sila sa ginawa naming nung weekend. Ano naman kaya ang gagawin namin sa susunod?

Busy ako sa pagde-daydream nang mag ring ang phone ko.

Tristan Bebe Calling...

"Hello~" bati ko sa kanya pero ubo ang isinagot niya. "May sakit ka ba?"

(Hmm... I can't go to school today.)

"Dahil ba iyan sa camp natin?" Nag aalalang tanong ko.

(No, no. Nahawa lang ako kay Shane.) Sagot niya.

"Really? Hindi dahil sa camp natin kahapon?"

(Yes. So don't worry, okay? Tumawag ako para malaman mo.)

Napabuntong-hininga naman ako. "Okay. I'll visit you later after ng class. Magpahinga ka lang."

(I will...)

"And drink your meds."

(Yes, baby.)

"Kain ka din ng madami."

Tumawa lang sya sa kabilang linya.

"Hindi lang tinatawanan yung sinasabi ko." Pagsusungit ko sa kanya.

(I love you.)

"Tapos pag pawis ka na, magpalit ka agad ng damit—"

(I love you.)

"Check your temperature from time to time—"

(I love you.)

"Teka, nagbibilin pa ko. Mamaya ka na mag-I L—"

(I love you.)

Sumuko na ko. "Sus~ I love you. Pagaling ka mwah!"

(I love you.)

"I love you too na nga." Natatawang sagot ko sa kanya. "Papasok na ko.

(Be safe.)

Napangiti na lang ako sa inakto ni Tristan habang binababa ang tawag. Sana palagi na lang siyang may sakit para lagi din siya'ng sweet sa akin.

"Nasaan si Ayu?" Tanong ko kay Manang nang makababa ako.

"Sumasakit na naman daw iyong tyan niya. Hindi daw muna papasok at dadalhin ng mommy mo sa hospital dahil napapadalas na." Sagot ni Manang.

Tsk. Tigas talaga ng ulo ng batang iyon.

Napauntong-hininga na lang ako dahil mag isa na naman akong papasok ngayon. Si Kuya Ethan? Maagang pumasok at di ko alam kung bakit.

"Papasok na ako, Manang." Paalam ko at lumabas na ng bahay.

Pagdating ko sa SKA, dumirecho agad ako sa room para ilagay ang gamit ko saka pumunta sa student council room dahil baka may kailangang gawin. Pagkatapos kong magcheck, lumabas na ako agad at naglakad lakad sa field.

"Come on, Ethan!" Dinig kong sabi ng isang matinis pero pamilyar na boses.

Sinundan ko kung saan galing yung boses at nakita ko si Desiree at Kuya Ethan na parang naghahabulan. Ah, ewan basta ang bilis ng lakad ni Kuya Ethan tapos sinusundan siya ni Desiree.

Huminto si Kuya Ethan sa paglalakad at hinarap si Desiree. "Stop it, Desiree— ano ba!? Pumasok ako ng maaga dahil ang sabi mo kailangan mo ng tulong!" Singhal ni Kuya Ethan kay Desiree.

"I know! I'm sorry, okay? Just a date with me then I won't do anything like this again." Sabi ni Desiree at maharot na pinaglalaruan niya ang buhok ni Kuya Ethan.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon