Ch. 15: Interhigh and The Unexpected Guest (Edited 01/03/2020)

258 13 0
                                    

*Ipo-post ko sana ito noong December 25 pero nakalimutan kong i-type sa MSWord at ngayon ko na lang ulit naalala HAHAHAHA.

Then, nagback read ako at napansin kong sobrang dami ko palang typo and errors. Pasensya na kasi hindi ako nagpo-proofread after ko s'yang i-publish. Busy kasi ako ngayon sa manuscripts ko para sa thesis ko. I'll edit them sooner or later. HAPPY NEW YEAR, EVERYONE! Hope that everyone has a prosperous, healthy year. May this year bring you luck, love and life :D

Anyway, enjoy reading.

--

Chapter 15: Interhigh and the Unexpected Guest (Edited 01/03/2020)

KEAN's POV

After what happened to Cyrenne, hindi na muna namin s'ya pinapasok hangga't hindi pa niya kaya. They cremated Tita Cyrielle so she can run free to the sea.

Pinakiusapan na rin namin ang event coordinator ng Interhigh na i-exempt si Cyrenne sa extra-curricular activities.

"Vice, ito na pala yung schedule ng laro para bukas." pukaw ni Liza sa lumilipad ko na namang isip. "Naka-attach na din yung mga list ng players d'yan." bilin niya pa.

"Salamat, Liza. Oo nga pala, nakausap mo na ba ang choir natin at saka yung dance troupe para sa intermission nila bukas sa opening?" Tanong ko naman sa kanya.

"Yes, Vice. Na kay Pres na yung listahan ng mga kasali sa intermission." nakangiti'ng sagot n'ya.

Napa-buntong hininga naman ako.

"Don't worry, Vice. Maayos na ang lahat para bukas. Ang decor, maayos na din. Yung foods ng players, naka ayos na din. Then, yung gymnasium, the courts and the field are all ready." aniya para kumalma ako.

"Salamat, Liza ah. Buti na lang at nandito ka. Di ko maalala ang dapat kong gawin. May Archery Team pa akong iniintindi then, yung sinu-supervise ko pang mga club and then, this interhigh. Tayo ang host ng event this school year at ayokong may marinig na hindi maganda galing sa ibang schools." sabi ko sa kanya.

I'm so relieved na sobrang maaasahan si Liza kahit PIO ang posisyon n'ya. Ayen and Ella are busy too dahil bukod na kasama sila sa student council, may mga inaasikaso din silang club at team.

"Naku, wala iyon, Vice." nakangiti niyang sagot. "Ah, nakausap ko na rin pala yung mga coaches sa sports committee. Wala naman silang problema sa request mo."

"Great! Pwede ka ng umuwi para makapagpahinga ka na. Mas marami tayong gagawin bukas." sabi ko at inayos ang mga papel sa mesa ko na nagkalat.

"Sige, Vice. Umuwi na rin kayo para makapagpahinga na kayo para bukas." sabi n'ya. "Mauna na ako, Vice." Paalam n'ya at lumabas na.

Muli kong itinuon ang atensyon sa mga papel na inaayos ko para bukas.

MAAGA pa lang ay nasa school na kami ni Ayen para i-check ang lahat. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw ay nandito na kami.

"Kean, punta lang ako sa Volleyball club room." paalam ni Ayen matapos naming i-check ang lahat.

"Sige. Aalis na din naman ako para puntahan yung teammates ko." sabi ko sa kanya.

"Call me na lang kapag pinapatawag na tayo ni Angelo." aniya at mabilis na umalis.

Napabuntong-hininga naman akong inilapag ang gusot na papel na noong nakaraang araw ko pa hawak at nilinis ang table ko.

Paalis na dapat ako nang bigla namang dumating si Angelo kasama si Ella at Liza.

"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong sa akin ni Angelo.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon