Ch 2: Remembering (Edited: 03/06/16)

466 16 0
  • Dedicated kay ZOrzei Kii
                                    

Chapter 2 (Edited: 03/06/16)

Kean's POV

"Ayen! Ano ba!? Bilisan mo naman!" sigaw ko.

First day of school kasi kaya excited ako. Pero hindi lang yun no! Ang bagal pang kumilos ni Ayen.

"Wag ka ngang OA, Kean! 6 am pa lang. At saka ba't ang aga mong pumunta dito?" Tanong niya sa akin.

"Syempre! Excited na kaya akong pumasok ulit!" sigaw ko din.

"Tss. Sige na. Kakain lang ako. Pasalamat ka, pagdating mo dito, nakaligo at nakabihis na ako. Kundi maghihintay ka diyan ng isang oras." Sabi niya sa akin.

"Salamat." I mocked.

"Leche!" sigaw niya.

"Leche ka rin. Kumain ka na lang dyan." Utos ko.

Syempre, pagkatapos niyang kumain umalis na kami agad at pumunta sa school.

Waah! Na-miss ko tong SKA! Lalo na yung mga makukulit kong mga kaibigan.

And speaking...

"KEAN! AYEN!" sigaw ni Alexandra. Xandra for short.

Kasama niya sina Fiona, Eunice at ang kambal na sina Noelle at Karen.

"Waah! Na-miss ko kayo, girl!" sigaw ni Ayen.

"Teka, bakit di niyo kasama si Cyrenne?" Tanong ko kay Xandra.

"Hanap mo ko, girl?" Sabi ni Cyrenne na nasa likuran lang namin.

"Saan ka galing?" tanong ni Xandra.

"Somewhere down the road." Sagot niya. "Pero may nasagap yung radar ko. May bago daw na transfer students. At take note, ka-year level lang natin sila!" sabi niya.

"Di ka rin chismosa no?" sabi ni Xandra.

"Buti tinanggap pa sila. Last year na natin or nila sa secondary. Tapos saka pa sila lumipat." Sabi ko.

"Oo nga." Segunda ni Ayen. "Pero magaganda ba?" Out of the blue na tanong ni Ayen.

"Naku, girl! Hindi sila magaganda! Mga pogi!" sabi ni Cyrenne na kinikilig pa.

-.-

"Kyaaaah! Si Mico!"

Yan na naman yung mga maiingay na babae na kala mo matatanggalan ng larynx kapag tumili.

Anyway, si Mico ay MVP ng basketball team ng SKA. Medyo mahangin, GGSS pa. Paulit ulit na nanliligaw kay Cyrenne. Paulit ulit din namang binabasted ni Cyrenne.

"Let's go. Baka madamay pa tayo sa kanila." Sabi ni Karen.

°O°

Wow! For the first time! Nagsalita ng mahaba si Karen.

"Noelle! Good news! Nagsasalita na yung kambal mo!" sabi ni Ayen.

"Gaga, bakla ka! Matagal ng nagsasalita yan!" Sabi ni Noelle.

Si Karen kasi yung tipong 150 characters kung magsalita. Silent type talaga. Tas palagi pang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Motto na nga ata niya yung 'I don't care'. Halos yan lang kasi yung lumalabas sa bibig niya. Minsan nga out of the blue nya yang sinasabi eh.

Pero sabi nila Ayen mas mukha pa daw kaming kambal ni Karen kesa kay Noelle Karen.

"I know that look. Let's go." Sabi niya sakin.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon