Chapter 27

12.4K 201 14
                                    

Hindi ako magkandaugaga sa kung ano ang uunahin ko. May usapan kami ni Colt ngayon na mamamasyal kami sa kagustuhan na rin ni Stella. 10 am yong usapan! 11am na ngayon!

The heck! Bakit kasi napatanghali ako ng gising! Napabuga ako ng hangin. Lintek na panaginip kasi! Bakit sa dinami rami ng pwedeng mapanaginipan, si Jeff pa!

The worst, sa panaginip ko ay bumalik siya at naging masaya kaming dalawa kasama si Stella at nagsama sa iisang bubong! All of a sudden bakit naging ganon ang panaginip ko? Tsaka I admit, nagustuhan ko iyon. Kung pwede lang sana mabuhay sa isang panaginip ay gugustuhin ko.


Napatingin ako sa pinto nang kwarto ng bumukas ito. Nakita ko si Stella na nakaponytail ang buhok at hawak hawak ang puppy stuff toy niya.
"Mommy! Dy is hew! " napailing na lang ako sa sinabi ni Stella. Hanggang ngayon hindi parin niya mabigkas ng tama ang letrang "R".
Tinatawag niyang Dy (daddy) si Colt. Namulat kasi siyang palaging narito si Colt tuwing free time nito. Kaya hinayaan ko na lang siya sa ganun. Yong si Colt tuwang tuwa naman tuwing tinatawag siyang ganun ni Stella.

Si Jeff kaya, matutuwa rin kaya kapag nalaman niyang anak niya si Stella at tinawag siyang daddy nito?? Aish Mia! Get back to your senses! You already know the answers!



Kinuha ko ang bag tsaka tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong nakita ang inip na mukha ni Colt habang karga karga si Stella. Napawi ang pagkainip niya at napalitan ito ng kagalakan nang makita ako. Ningitian ko na rin siya pabalik.



Sinabit ko sa aking balikat ang bag at kinuha ang basket na puno ng pagkain. Magpipiknik kami ngayon. Since pareho naming day off ni Colt sa trabaho ay sinamantala na namin ang araw na ito para sa ikasasaya ni Stella.


Nakarating kami sa isang park. Maaliwalas ang kalangitan. Hindi masyadong mainit at mukhang hindi rin uulan. Perfect timing! Napangiti ako. Konti lang ang mga tao dito ngayon. Tsaka relaxing yong place kasi napapalibutan ng mga kahoy. Sa di kalayuan merong playground para sa mga bata. Tsaka may mga kainan rin sa gilid. Perfect place for the whole family.




Nakakita kami ng pwesto. Sa ilalim ng malaking puno ng acacia .Agad kong inayos ang mga dala namin. Nilapag ko ang malambot na tela sa damuhan at inilapag dito at inayos ang mga dala kong pagkain. Napaupo sa tabi ko si Colt. Si stella ay masayang sumayaw sayaw at nilalasap ang hangin na tumatama sa kanyang mukha.



"Dy! Dy! I want thew!" Masigla niyang sabi kay Colt habang turo turo ang playground sa di kalayuan.



Tiningnan ako ni Colt para hingin ang approval ko. Marahan akong tumango . Lumapit si Stella sa akin at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.



"Be careful ha, always stay at dy's side. Do you understand?" Malambing kong sabi sa kanya. Marahan naman siyang tumango at hinalikan ulit ako bago patakbong pumunta sa playground.





Masaya kong sinundan ng tingin ang dalawa hanggang sa makarating sila sa seesaw. Sa kabilang dulo umupo si Colt. Sa kabila ay si Stella. Malapad ang ngiti ni Stella . Mukhang enjoy na enjoy talaga siya sa ginagawa niya.
I want to see her smile that way everyday. Gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang lahat ng worries ko sa tuwing nakikita siyang masayang masaya.



Tiningnan ko ang wrist watch ko. Tanghali na. Kaya hinanda ko na ang kakainin namin. Nang matapos ako sa paghahanda ay tiningnan ko ulit ang kinaroroonan nila. Kumunot ang noo ko nang hindi ko na sila masilayan roon. Saan na sila???


Tumayo ako at luminga linga sa paligid. Unti unting gumapang ang kaba sa dibdib ko. Pero agad ko itong iwinaksi.Baka may binili lang sila ni Colt. Bumalik ako sa pagkakaupo.



HIS STRIPPER (COMPLETED)Where stories live. Discover now