Chapter 10

20.8K 257 18
                                    

"M.mia?? What happened?" Rinig ko ang nag.aalalang boses ni Alex sa pintuan.

Nagulat ako sa bigla niyang pagpasok sa kwarto ko. I thought gabi pa siya uuwi. Agad akong nagpunas ng luha. Mapula pula narin ang aking mata kakaiyak dahil sa ginawa ni Jeff saakin. Lumapit si Alex sa akin at pilit niyang tinitingnan ang aking mukha habang umiiwas naman ako ng tingin.

"Loka ka! Tingnan mo nga ako! Tell me. What happened?" She cupped my face at pilit itong iniharap sa kanya. Kita ko siyang napabuntong hininga.

"Nothing . Swear Alex. Nothing happen" sabi ko sa kanya at inayos ang sarili ko.

"I know you well Mia. I know something is wrong. Is it all about Jeff? This time, ano na naman ba ang ginawa niya? Or should I say, ginawa mo" direkta at seryoso niyang sabi sa akin.

Kapag ganito na ang tono ni Alex ay talagang seryoso siya at dapat ay sagutin ko ang kung ano man ng tinatanong niy. With that, napilitan akong sabihin sa kanya ang lahat lahat. Pati ang ginawa sa akin ni Jeff kanina.

"WTF! Binaboy ka niya Mia! Tapos ano? Sasabihin mo sa aking pinatawad mo na siya?! MyGod Mia! Asan na ba utak mo?!aish!" Nanggagalaiting sabi ni Alex sa akin.Kitang kita ko ang galit sa mukha at tono ni Alex nang sinabi niya iyon.

"Kasalanan ko naman Lex, hindi naman talaga tama magpakalasing ako ng mag.isa atsaka natulog pa ako sa bahay ng isang lalaki" pagpapaliwanag ko.

"Bakit? Kayo ba Mia? Hindi naman. Hindi mo siya boyfriend para magalit siya. First and foremost, hindi makatarungan ang ginawa niya. Pwede siyang makasuhan ng rape. Pangbababoy na yun Mia" inis na pahayag niya.

"Ok na naman ako Lex, please stop it." Pakikiusap ko sa kanya. Ayoko na pinapagalitan ako ng bestfriend ko.

"Stop what? You better stop! Tama na ang pagpapagamit sa mokong yun! Boto ako sa kanya noon kasi akala ko mabait siya, gentleman, pero isang malaking pagkakamali pala ang lahat ng iyon. So please, Tama na. Marami pa namang ibang lalaki diyan. Ang kayang mahalin ka Mia." Maluha luha na si Alex nang sabihin niya ito.

"I'm sorry, I just can't stop. I love him. And You knew that." Mariin kong sagot sa kanya. Napasabuno siya sa kanyang buhok at napabuntong hininga

"I know, hindi na magbabago ang isip mo. Ok, ganito nalang. Respect yourself even he can't respect you. Ipakita mong mali ang ginawa niya. Wag mo muna siyang kausapin. Iwasan mo na siya pansamantala hanggang sa mareakise niyang mali ang ginawa niya. Kahit ganun nalang Mia, sundin mo naman ako." Sabi ni Alex.

"Oo na Lex, gagawin ko yan. Promise. Pero knowing me, hindi ko maipapangako na matatagalan ang pag.iwas ko sa kanya."

"Ok lang, as long as you can make him realise everything. And stop wasting your tears over someone who doesn't even worth your tears. Ok?" Tanong niya at tumango naman ako. Niyakap ako ni Alexa ng mahigpit na mahigpit. I am lucky to have a bestfriend/sister in mylife.

------

Kinabukasan, another day , another memories . Since nangako ako kay Alex na iiwasan ko ng pansamantala si Jeff, ay hindi ko sinasagot ang bawat text at call nito. Ini.off ko na rin ang sim ko para iwas sa temptasyon. Mahirap na, baka hindi ako makapagpigil at matawagan ko siya. Edi patay ako kay Alex pag nagkataon.

Kasalukuyan akong nasa review center. Hinihintay ang prof na magcoconduct ng review para sa LET. Nakakaramdam na ako ng pagkabagot since kanina pa ako rito.

Nag.isip ako ng pwedeng alternatives para mawala ang pagkaboring. Pero isa lang ang nagpop.up sa isip ko. Ang aking mahiwagang cellphone. May games ako sa cp ko na pwedeng pampalipas oras pero hindi ko pwedeng buksan ang cp ko. Aish -_-
What to do?? Bahala na.

HIS STRIPPER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon