Chapter 3

27.6K 343 3
                                    

"Mia!! Mia!!"

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ko at hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Alexa sa di kalayuan sa tapat ng bulletin board. Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap. Matagal ko kasi siyang hindi nakita since noong bakasyon namin.

"Alexabeshy! Kamusta ka na? Waaa namiss kita" maligayang bati ko sa kanya. Ginantihan niya lang ako ng isang mahigpit na mahigpit na yakap.

"Uy Mia! Marami kang ekukwento sa akin mamaya ha" sabi niya sa akin nang may nakakalokong ngiti sabay kindat pa. Nako naman. About na naman sa amin ni Sir Castillon -_-.

"Oo na. Mamaya. Sa ngayon tingnan na muna natin ang ating bagong schedule" sagot ko sa kanya para maiba ang topic :D

Hinanap namin ang aming section at ang sched. Fourth year students na kami ngayon at konting kembot na lang ay gagraduate na kami!!! Ang sayang isipin na unti unti ko nang maabot ang aking pangarap.

"OW MY GULAY!! Prof natin si Sir Castillon!!" Gulat na gulat na sambit ni Alexa sa akin at tinuro turo pa ang pangalan ni Sir na nakasulat sa bulletin board. Agad naman akong napatingin doon.

Oo nga, professor namin si Sir Castillon sa Math (Calculus). Makakaconcentrate kaya ako sa klase niya knowing na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita siya? Hayss, Bahala na.

*****

Patakbo akong naglakad dahil late na ako sa first subject ko. Nalate kasi ako ng gising . Terror pa naman ang prof . Lagot talaga ako neto. Tumakbo na ako ng mabilis at nung lumiko ako sa hagdan ay may nakabangga ako kaya napasalampak ako sa sahig. Sh*t! Ang sakit ng pwet ko.

"Sorry, are you all right?" Napataas ako ng tingin at nakita ko ang nag.aalalang mukha ni Sir Castillon. Siya pala yong nakabangga ko! Agad niya naman akong tinulungang makatayo.

"Ok lang ako sir. Mauuna na ako late na po kasi ako" pagpapaalam ko sa kanya at tumalikod. Pero bago pa ako makalakad ay tinawag niya ako.

"First subject BioSci right? Ms.Perez?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Wala siya ngayon kasi may emergency sa kanila. You don't need to rush" sabi niya sa akin. Napangiti naman ako bigla. Yes! Nakaligtas ako ngayon. Buti na lang wala siya.

"Thank You Sir" sagot ko sa kanya at binigyan siya ng isang malapad na ngiti.

"No worries and btw, I have something to tell you" sabi niya kaya lumapit ako ng kaunti sa kanya at tiningnan siya .

"I presume you already know that I'm your Calculus teacher right? I just want you to know that I'm very strict when it comes to my subject. Yeah were friends. But inside the 4corners of the room, it is the opposite. Don't act in front of your classmates that were buddies. You are my student and I am your prof. Did you get my point?" Tanong niya sa akin. Napatango naman ako.

Nagpaalam na siya at umalis. Ako naman ay nagsimulang maglakad papunta sa room namin. Pagdating ko roon ay nahagip agad ng mata ko si Alexa na nakaupo sa likuran. Kinawayan niya ako at itinuro ang katabing upuan niya na bakante. Kaya agad din akong umupo roon. Sinabi ko sa kanya ang sinabi sa akin ni Sir Castillon kanina. Naiintindihan niya naman ang gustong mangyari ni sir.

*****

Makalipas ang ilang buwan, naging smooth naman ang takbo ng lahat. Kapag nagdidiscuss si Sir Castillon sa amin ay hindi niya kami binibigyan ng atensyon ni Alexa. It feels like were totally strangers. Pero kapag nasa labas na, friends ulit kami. This time, feeling ko mas nagiging close pa kami ni Sir at mas nahuhulog na ako sa kanya.

HIS STRIPPER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon