Chapter 25

11.5K 199 19
                                    

Hindi lahat ng gusto mo ay mapapasaiyo. Minsan paglalaruan ka ng tadhana. Kaya dapat sa lahat ng oras ay handa ka sa posibilidad na mangyari.

"Paano na yong future mo sa pagiging teacher Mia?" Nag.aalalang tanong ni Colt. Nagkibit balikat na lang ako

Kahit ako nag.aalala rin. I know bawal sa isang guro yong mabuntis na hindi kasal at lalong lalo na na walang ama yong ipinagbubuntis.Immoral yun. At pagnakapasa ako sa LET at nalaman nila na ganito ang sitwasyon ko ay baka mawalan lang ako ng lisensya sa pagtuturo.

Panay ang buntong hininga ko kaya hinawakan ni Colt ang kamay ko na nasa ibabaw ng table. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Feeling ko hindi ako nag.iisa sa laban na ito

"I can help you if you want Mia" seryosong tugon niya. Napatingin ako sa kanyang mata.

"Paano?"

"Lets get married. Ituturing ko siyang tunay kong anak. Ramdam mo naman siguro na hanggang ngayon mahal parin kita" seryoso niyang tugon. Ang mga mata niya ay punong puno ng sinseridad.

Napailing ako. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot gunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay.
"Its for you Mia. Para maipagpatuloy mo ang pagiging teacher at para narin sa bata. May makakagisnan siyang ama. Its for the both of you."

Mas lalo akong napailing. Its not the answer. Ako na ang bahala sa problema ko. About my passion, I can sacrifice it for the sake of my child. Marami namang ibang trabaho diyan eh. At para naman sa baby ko, mamahalin ko siya ng buong buo. Yong tipong hindi niya na hahanapin ang kanyang daddy dahil sa akin palang ay nag.uumapaw na ang pagmamahal. Tsaka Its so unfair sa part ni Colt. He is not the father! For Pete's sake! Masisira ko lang ang buhay niya pag pumayag ako.

"No Colt. I won't marry You not because I don't love you, but because I want to be fair with you. I want you to live your life. I want you to love and be loved. You deserve better "

Mahina kong sabi. Napabuntong hininga siya at tumango tango sabay pisil sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya. Alam kong sa mga oras na ito ay feeling niya kahit anong sabihin niya ay hindi na magbabago ang isip ko. Pero totoo naman. Hinding hindi ako sasang.ayon sa gusto niya. Haharapin ko ito ng buong buo at walang dinadamay na iba. I know may rason ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

And I have my final decision.
I will quit this review at ang pagiging teacger. Maghahanap na lang ako ng iba. I don't want to ruin my family's reputation. I will take a risk.
My baby is my top priority before anything else.

-
Mabilis na dumaan ang mga araw. Struggle is real ako sa aking pagbubuntis. Napaglihian ko yong singkamas na may ketchup. Weird right?? Pero para sa akin iyon ang pinakamasarap na natikman ko sa tanang buhay ko. Palagi ko iyong hinahanap. Thanks sa mga taong walang sawa sa pagsuporta sa akin at ibinibigay lahat ng mga kailangan ko.


"It's a girl Mia!" Maligayang sigaw ni Alexa

Napatingin ako sa screen at napangiti. Kitang kita ko yong baby girl ko sa loob ng aking tyan kahit di pa siya fully develop.
Kasalukuyan akong nagpa.untra sound at sinamahan ako ni Alexa. Actually, siya talaga ang push nang push na magpaultra sound daw ako para malaman agad namin ang gender ng baby.


After namin sa clinic ay nagpunta kaming mall. Ang lokaret, masyadong excited ! Nagshopping lang naman siya ng mga gamit ng magiging pamangkin daw niya! Bumili siya ng mga damit ni baby, kumot, towels, shoes, at marami pa. At lahat kulay pink!! Aishh!

After mamili, kumain lang kami at umuwi agad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After mamili, kumain lang kami at umuwi agad. Sandamakmak yong pinamili niya! Timing daw kasi kakasahod lang niya tsaka para naman daw sa baby ko. Answeet ni beshy. Kaya love na love ko to eh.

"Teka nga Mia, pagnakapanganak ka na, saan ka titira? Dun ba sa mga magulang mo o dito"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Alexa.
Saan nga ba ako titira? Hindi ko ito napaghandaan. Yong gusto ko lang naman kasi noon ay makabuo ng kompletong pamilya. Mag.aasawa, ikakasal . Syempre bibili kami ng bahay at doon namin palalakihin ang aming magiging anak at magmamahalan hanggang sa katapusan. Kaso lahat ng munting pangarap na iyon ay naglaho na lamang ng parang bula.

I know hindi na mangyayari iyon. Kami nalang ng baby ko ang magkasama. Nakakalungkot mang isipin pero wala na akong magagawa pa.

"Hindi ko alam besh" mahina kong sabi. Hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Impit akong napaiyak. Ang sakit parin palang isiping naiwan ako. Iniwan ako ng ama ng magiging anak ko.

"Shhh.. Kahit saan naman pwede eh. Kung doon ka sa bahay niyo, bibisitahin ko kayo dun. Kung dito naman, for sure palaging bibisita ang parents mo. Handa kaming tulungan ka. Kaya cheer up! Makakasama sa baby yan. Lagot ka. Baka pumangit" pabiro niyang sabi sabay himas sa tiyan ko

"100% sure akong magiging pretty si baby no! Gandang lahi yong tatay niya tsaka nanay!" Proud na proud kong sabi. Hinampas lang ako ni Alexa sa balikat at tumawa. Napatawa narin ako.

"Isip ka na nang pangalan! Para all set na. Yiieee! Excited na ako!" Maligaya niyang tugon sabay himas sa tiyan ko "baby girl, labas kana! Bilis" baling niya sa tiyan ko na tila kinakausap ang baby.

"Anong labas ka na? Uy loka! 6 months palang siya! Ayokong lumabas ang baby ko na premature noh!" Ngisi kong sabi sabay punas sa basa kong mukha dahil sa luha. Inirapan niya lang ako at patuloy sa paghimas sa malaking umbok kong tyan.


Napatingin lang ako sa ginagawa niya. Naiimagine ko na sana si Jeff ang nasa tabi ko ngayon at hinihimas yong tyan ko sabay kausap sa baby namin. Napangiti ako sa eksenang iyon sa utak ko. Kahit ganun lang, ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Kaso, hanggang imagine na lang ang lahat. Tanging sa imahinasyon na lang nakukumpleto at nangyayari ang pangarap ko. Aishhh. Kung pwede lang sana imaginin ko nalang ang lahat lahat.


After ng chitchat naming iyon ni Alexa ay umalis na siya sa kadahilanang may trabaho pa raw siya. Hmmmm. Pero I smell something fishy... Girls Instinct! Parang may tinatagong boylet yong beshy ko!

Napailing na lang ako at napangisi. Sana maging maganda ang lovelife ni Alexa. Sana hindi magaya sa akin. I can't afford to see my best friend cry in pain for some bullsh*t people! Hindi pwede.

I bit my lips in pain nang biglang sumipa si baby. Parang sang.ayon rin siya sa iniisip ko! Hindi niya rin gustong mangyari iyon kay tita Alexa niya

ayon rin siya sa iniisip ko! Hindi niya rin gustong mangyari iyon kay tita Alexa niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Don't worry Baby, hindi nating hahayaang mangyari kay Tita Alexa mo iyon. I love you my princess. Konting panahon nalang. Lalabas ka na. Excited na si mommy" masaya kong sabi habang banayad na hinahaplos ang aking tiyan. Ramdam kong sumipa ulit siya. But this time, hindi gaanong masakit.


I love you my princess Stella Yvonne......

-
Votes and comments are highly appreciated :)

HIS STRIPPER (COMPLETED)Where stories live. Discover now