“Linggo ngayon! Tara kaya magsimba?” pagtatanong ko rito at tumingin sa kanya.

Bumangon na siya habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. “Sisimba?”

“Yup!” and I smiled widely. “Ang tagal kong 'di na nakakasimba.”

“Ah, same.”

“So, magsisimba tayo ngayon?”

“Oo. Sa hapon na tayo magsimba. Is that okay?”

“Yup!” okay lang 'yon sa'kin. “Basta makapagsimba tayo ngayon.”

Tumango siya at ngumiti. “Magluluto akong pancake pang almusal. Gusto mo niyon?”

“Oo naman.” at naglakad ako papasok sa loob ng kanyang unit. “Maghihilamos lang ako saglit. Panonoorin kitang magluto ng pancake.”

Hindi ako marunong magluto niyon at gusto ko 'yon matutunan dati pa. Buti na lang at naisipan niyang magluto ng pancake ngayon.

Nagtungo na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko at nang matapos ay lumabas na ako't nagtungo naman sa kusina. Hinayaan ko na magulo ang aking buhok ngayon, wala na akong paki alam kung mukha akong bruha.

Mamaya namang hapon ay mag-aayos ako, eh.

Naka-topless ngayon si Ken at walang suot na apron. Nasa harap na siya ng frying pan at nagsisimula nang magluto. Naupo ako sa upuan at nakapangalumbabang nakatitig sa kanyang likuran, this is already a perfect view.

Sabi ko pa naman kanina eh panonoorin ko siyang magluto pero anong nangyari ngayon? Nakaupo ako ngayon habang nakatitig sa kanyang likuran. That's nice, very nice. 

I bit my lower lip while looking at his muscles. Agang-aga, nagpapantasya ako ngayon.

Hinawakan ko ang aking tiyan na malaki na. Look, baby. Your daddy is extremely hot.

Nang biglang humarap sa'kin si Ken ay 'di ko mapigilang hindi matulala sa kanyang katawan. Oh, those abs! Sarap hawakan.

“Natutulala ka na naman sa katawan ko.”

“Hi—Hindi, ah.”

Napatingin ako sa kanyang mukha sabay iwas ng tingin agad, nakakahiya talaga ako kahit kailan!

“Talaga lang, huh?”

“Oo!” sabay tingin ulit sa kanyang mukha. Mapang-asar siyang nakangiti sa'kin ngayon.

Bakit gano'n? Apat na buwan ko na siyang nakakasama pero 'di pa rin ako nagsasawang pagmasdan ang kanyang katawan at mukha.

“Liar.”

Sumimangot ako, deja vu ito.

Tumalikod muli siya sa'kin at hininaan ang apoy, kumuha siya ng isang pinggan at do'n nilagay ang niluto niyang pancake.

“Ilan 'yan?”

“Lima.”

“Akin ang tatlo?”

“Hindi. Sa'yo ang dalawa, tatlo ang akin.”

“Then, make it six!” hindi ako papayag na dalawa ang pancake na makakain ko ngayon. “Please?”

Umiling siya, “No.”

Napabuntong-hininga ako, mukhang kailangan lambingin si Ken.

“Please... love?”

Gulat siyang napatingin sa'kin. “What?” unti-unting lumawak ang kanyang ngiti.

“Please, love.” pag-uulit ko. I'm enjoying this! Gan'to pala ang feeling na tumatawag ka ng love sa ibang tao, masaya.

Pregnant by my BossWhere stories live. Discover now