Part 1

68.5K 749 42
                                    

  **** A Home In His Arms--- Sa nobelang ito na pinagbibidahan ni Angela Valencia nagmula ang Valencia Series at Story Of Us trilogy. Kaya may connect ang series at ang trilogy. ;)


Valencia Brood Series Book 1: Dylan (Story status: Completed, Published under PHR

Valencia Brood Series Book 2: Brandon (Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 3: Vicente (Story status:Completed ,Published under PHR)

Valencia Brood Series Book 4: Cedrick(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 5: Charlie(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 6: Roel(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 7: Connor(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 8: Jacob(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 9: Cassandra(Story status: Published under PHR

Valencia Brood Series Book 10: Jillian (to be release soon)     




CHAPTER 1

Kuntentong pinagmasdan ni Marissa ang butas na nasa pinakagitna ng kanyang paper target. Nasa Firing range siya noon at nagpa-practice ng pagbaril. Hindi pa rin siya nagmimintis dahil asintado pa rin siya. Umaga niyon. Dumaan lamang siya roon bago pumasok ng opisina.

Inayos na niya ang mga gamit niya para pumasok na sa opisina na hindi kalayuan sa kinaroroonan niya. Ilang minuto lang at naroon na siya.

Kauupo pa lang ni Marissa sa kanyang executive chair ng tumunog ang cellphone niya. Agad siyang na-curious ng makita niyang si Vladimir Mondragon ang tumatawag. Dati itong mataas na opisyal ng Philippine Army pero mula ng makapag-asawa ay nagretiro na at piniling magtayo ng sariling negosyo. Ang kuya niya na isa ring sundalo ang talagang kaibigan nito. Mula ng mamatay ang kapatid niya ay naging magkaibigan na rin sila ni Vladimir.

"Vlad," agad na bati niya rito. Hindi sila ang tipo ng magkaibigan na madalas mag-usap o magtawagan, ganoon pa man, alam nila na kaibigan nila ang isa't isa. "Kanino ko utang ang tawag mong ito?"

Vladimir chuckled. "Kilala mo ako Issa, kaya kong mabuhay na walang cellphone." Natatawang komento nito.

Napangiti siya. "Alam ko. So kumusta ang asawa mo? I heard, binigyan na naman siya ng parangal ng isang Asian award giving body. Congratulations kamo." Sikat na newscaster ang asawa ni Vladimir.

"She's fine. Makakarating sa kanya at salamat. Ahm, Issa, tumawag ako para sabihan ka na ini-refer ko ang agency mo sa isang malapit na kaibigan. No. Actually, hindi lamang malapit na kaibigan kundi halos kapatid ko na rin, si Charlie Valencia."

Naikuwento na sa kanya ng kuya niya na halos kapatid na nga daw ang mga Mondragon at mga Valencia. Pero kahit kailan ay hindi nagsalubong ang mga landas nila sinuman sa mga Valencia dahil hindi siya nakakaattend ng kahit na anong okasyon kina Vladimir. Magkagayon man, kilala pa rin niya sina Charlie at Vicente Valencia dahil sikat na personalidad ang mga ito. Si Charlie ay isang chef at si Vicente o Enteng ay isang singer.

Ang agency na tinutukoy ni Vladimir ay ang Oliveros' Security Agency. Itinatag iyon ng lolo niya na isang war veteran. Napasa sa papa niya, sa kuya niya, at ngayon ay sa kanya. Hindi siya matatawag na tomboy pero lumaki siya na may hilig sa baril at aksiyon. Bata pa lamang siya ay nag-aral na siya ng mga martial arts, ganoon din ng paghawak ng baril.

Nursing ang kursong tinapos niya pero hindi naman siya tinutulan ng kuya niya ng maging intresado siya sa agency. Sa katunayan, ito pa nga ang nagturo sa kanya ng maraming bagay bago ito bawian ng buhay. Pinatunayan niya ang kakayahan niya kaya naman iginagalang siya ng mga tauhan niya kahit napakabata pa niya kumpara sa nga ito.

"Charlie Valencia? Kailangan niya ng bodyguard?" tanong niya kay Vladimir. May nagtatangka ba sa buhay nito?

"Hindi si Charlie but—anyway, darating naman riyan sa opisina mo si Charlie. Kayo na ang bahalang mag-usap."

"Okay. I hope hindi ka mapahiya sa referral mo sa agency namin." Nilangkapan niya ng biro ang pagkailang na nararamdaman. A referral coming from Vladimir Mondragon means a lot. Lalo pa nga at malapit na kaibigan pa nito ang taong iyon.

"Aw! come on Issa. Malaki ang tiwala ko sa agency ninyo at lalo na sa 'yo. You know your brother talks so much about you. Kung gaano ka kagaling at ka-dedicated sa trabaho mo. How you always outsmart him in any way."

"Wala akong masabi," aniyang nagsisimula ng maging emosyonal. "Salamat sa tiwala."

"Don't thank me because you deserve it. O pano? Expect a visit from Charlie, okay?"

"Okay. Bye."

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Where stories live. Discover now