Reminiscing

180 13 5
                                    

Kinagabihan, naisipan ng dalaga na buklatin ang kanyang mga photo album. Wari siyang bata na nire-reminisce ang bawat tagpo sa bawat litratong nakikita niya. May isang larawan na halos hindi niya mabitawan ng tingin. Group picture nila yun na kasama si Nash. Magkatabi sila nito at waring ngayon niya lang napansin na nakaakbay pala ito sa kanya at napakaganda ng ngiti ng binata sa picture. Biglang may kumurot na kung anong sakit sa puso niya habang nakatingin siya sa guwapong mukha nito. Hindi niya maalala kung kelan nagsimula ang nararamdaman niya para dito. Basta, nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ito.

Natatawa siya sa sarili niya dahil maraming tao ang nag-iisip na playgirl siya pero in real life, she was really a conservative kind of girl at isa siya sa mga NBSB or No Boyfriend Since Birth.

Ang totoo, she was afraid to take risks. Ayaw niyang masaktan at ayaw niyang makipag-commit. She doesn’t like getting into trouble. At isa pa, wala namang naglalakas ng loob para ligawan talaga siya ng seryoso eh. "So I wonder how the playgirl thing popped up in school?" She asked herself.

She continued browsing her album nang may mapansin siyang maliit na papel na nakaipit doon. Hindi niya maalala na may papel siyang inipit doon kaya nakataas ang kanyang kilay habang binubuklat niya iyon upang alamin kung ano ba ang nakasulat doon.

Nagulat siya ng pagbukas niya eh sulat kamay ni Nash ang nakita niya. Isa iyong sulat at hindi niya alam kung kelan pa ba iyon naroroon.

“Alex,

Hi! How are you? Hope you’re doing okay. Nabalitaan ko na mayroon ka daw sakit so I dropped by at your house kaya lang tulog ka nung dumating ako kaya nag-iwan na lang ako ng note.

Simula ata nung nagkakilala tayo eh humina ang immune system mo. Kung wala kang sakit, nadidisgrasya ka naman. Hindi kaya isa akong jinx? Hehehe. By the way, pagaling ka and I hope makapasok ka na tomorrow. Nakaka-miss kasi pag hindi kita nakikita eh.

Love lots,

 Nash”

Hindi malaman ni Alex kung ano ang mararamdaman niya after niyang basahin ang maiksing note na iyon. Ayaw niyang matuwa, ayaw niyang umasa at lalong ayaw niyang isipin na totoo ang sinasabi ni Nash na may gusto ito sa kanya. Kung totoo iyon, bakit kailangan nitong pumayag na maging bf ni Margarette? Hindi naman siguro siya two-timer.

Marahan niyang iniligpit ang mga album at ang maiksing note sa kanyang treasury box at saka nagpasyang matulog.

Sa kabilang dako, ilang oras nang nakahiga si Nash at pabaling-baling sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ilang beses na siyang nagbilang pero di pa rin siya antukin. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Napagpasyahan niyang tumayo sa kama at magtungo sa kanyang study table.

Pagka-upo niya ay kinuha niya agad ang pinakaiingatan niyang larawan. Group picture nila iyon at magkatabi sila ni Alex kung saan nakaakbay pa siya sa dalaga. Napakaganda ng ngiti nito sa larawan na animo para sa kanya ang ngiting iyon. Those sweet innocent smiles that I love the most!

Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa dalaga. Na love-at first sight nga ata siya dito eh. Napangiti siya ng maalala niya nang una niya itong makilala. Tinulungan niya ito nung nanigas ang binti nito. Mabuti na lang at may alam siya sa reflexology.

Ilang beses siyang bumalik sa park na iyon at nagbabakasakali na naroroon muli ang dalaga subalit bigo siya pero laking tuwa niya nang makita niya ito sa paaralan kung saan siya nag-transfer.

Super ang kasiyahan na nadama niya lalo na nga at naging close sila nito. Parati silang nagkukulitan at nag-aasaran kaya naman lalong nahulog ang loob niya rito.

CLUMSY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon