Sour Graping

184 13 11
                                    

Nang matapos ay nagtungo siya sa sala at nakitang wala na roon ang binata.

May pupuntahan daw si Nash kaya umalis na. Hindi ka ba talaga sasama sa amin?” tanong ng kuya niya.

Huwag na kuya. Kayong dalawa na lang ni Marco. Tinatamad talaga akong lumabas ng bahay eh. Ma, Pa, pag may tumawag sa akin, sabihin niyo, tulog. Okay? Sige po, akyat muna ako.

Antukin!” sigaw ni Marco ng paakyat siya sa hagdan.

Bleeh!!!” aniya at dumeretso lang sa pag-akyat.

Matutulog na dapat siya ng biglang mag-vibrate ang kanyang phone. Bea’s calling her.

Oh?” aniya sa kabilang linya.

Girl, do you know the latest news?” waring histerikal na wika nito.

News about what?” tinatamad na sagot niya.

It’s not about what. It’s about who.” Sounding so troubled, Bea frantically said.

News about who? Importante ba yan?

It’s about Nash. Sila na pala ni Margarette. Yung maarteng babae na akala mo saksakan ng ganda pero coloring book naman ang mukha.

Ah, yun ba? I know that already. Nung isang araw pa.” sagot niya.

Nung isang araw mo pa alam and you didn’t even dare to tell us?” anito na waring nagtatampo.

Eh nakalimutan ko kasi eh. And I thought mas mabuting kay Nash niyo malaman. Baka isipin nung tao, pinapangunahan ko siya.

Are you okay?” tanong nito sa kanya.

Yeah. I’m fine. Bakit mo natanong?

Wala lang. I feel like there’s something you wanted to share pero parang ayaw mo.

Wala no?! Ano ka ba. Akala mo lang yun. Sige, later na tayo mag-usap. Matutulog lang ako ulit.”

Matutulog? Eh magaalas dose na ng tanghali ah?

Wala naman na tayong pasok eh so matutulog muna ako ng madami. Inaantok talaga ako. Bye Bea.” Aniya at tinapos na ang call. Minabuti niyang i-off ang kanyang phone para walang makatawag sa kanya.

Halos dalawang linggong hindi nagparamdam sa kanya si Nash. Siguro, na-realize nito na hindi siya talaga nito mahal at for sure, busy ito kasama ang maarte nitong gf.

Napasimangot siyang bigla nang maalala ang Margarette na iyon. Waring gusto niyang bigyan ito muli ng nagbabaga niyang kamao. Hate na hate niya ito mula pa noon kasi feeling reyna ito sa school at akala mo kung sinong maganda na lahat ata ng lalaki ay gusto nitong maging bf.

Lalo niya itong nakaaway ng matalo niya ito sa isang contest sa school at ipinagkakalat nito na nandaya daw siya pero hindi niya na lang ito pinansin.

Naisip niya bigla nung araw na magtatapat dapat siya sa binata. Feel na feel niya pa naman yung moment lalo na nung tinignan siya ng binata sa mata.

She felt like everything turned slow mo at that time pero biglang naging horror nung dumating si Margarette at hinalikan ang binata sa harap niya. Her heart was broken into tiny pieces. She surely didn’t expect that to happen. She let out a deep sigh.

Parang ang lalim naman nun.” Anang tinig sa likuran niya. Napalingon siya bigla at nakita ang guwapong mukha ni Marco. Tumabi ito sa kanya.

Kanina ka pa ba diyan?” tanong ng dalaga.

Hindi naman. Kararating ko lang and I saw you looking so gloomy and cheerless. Mukhang malalim yung pinaghugutan ng buntong hininga mo ah. May problema ba?” Concern na tanong ng binata.

Wala. Nagugutom lang kasi ako. Gusto kong gumala na parang ayaw ko. Parang tinatamad yung mga paa ko.” Tugon niya na muling napabuntong-hininga.

Eh kelan ka ba naman kasi nabusog? Parang parati kang gutom kahit marami namang pagkain dito sa bahay ninyo.” Natatawang wika nito na nakatingin sa dalaga. “Laro na lang tayo, gusto mo?

Ano namang lalaruin natin?” Nagtatakang tanong ng dalaga habang nakanguso at taas baba ang kanyang mga kilay.

Basketball. Manlilibre ang matatalo.” Anang binata na dinampot yung bola na noo’y naroroon sa may ilalim ng bench.

Daya naman. Unfair. Eh magaling ka don tapos anong ipanlilibre ko if ever matalo ako?” Parang batang nagmamaktol na sagot niya sa hamon ng binata habang nakanguso pa rin.

Hindi pa nga tayo naglalaro, gumi-give up ka na. Paano mo malalaman ang results ng isang bagay kung hindi mo susubukan?” Patuloy na wika ng binata habang dini-dribble ang bola.

Waring may tumusok na pana sa kanyang dibdib dahil sa mga sinabi ng binata. Oo nga, parati na lang siyang sumusuko o di kaya nagtatago lalo na sa mga nararamdaman niya. She was afraid all along. She was never been brave with her feelings.

Okay, okay, okay!” She said getting up and went over to where Marco is to play basketball with him.       

Naglaro sila ng basketball sa likod bahay. Close fight ang nangyari pero in the end, talo pa rin siya sa binata. They were exhausted that they both lie on the ground smiling and grasping for breath.

Kitams. Muntik pa akong matalo sa’yo. Kelan ka pa naging shooter?”  

Naku, eh parang pinagbigyan mo lang ako eh.” Hinihingal na tugon ng dalaga. Umupo siya at nag-indian sit at saka tumingin sa binata.

Hindi ah. Paano ba yan, kailangan mo akong ilibre.” Umupo din ito at ginaya ang ginawang pag-upo ng dalaga.

Hmmp!!! Sige na nga. Pero fries at burger lang ah. Ayaw kong manghingi ng additional allowance kina mommy.” Sagot ng dalaga.

Sure. C’mon. Baka magbago pa isip mo at hindi mo ako ilibre.” Nangingiting wika ni Marco at saka tumayo. Then, inalalayan naman nitong makatayo ang dalaga.

Teka, magpapalit lang ako ng damit. Pawisan kaya ako.

Okay lang yan. Di naman tayo aamuyin ng mga tao dun saka drive thru naman eh. Let’s go.

Eeeehhh.. Baka mag-amoy pawis naman yung loob ng kotse mo. Sige na, magpapalit lang ako kahit blouse lang.

“It’s okay. Besides, ako lang naman makakaamoy eh. Don’t worry, I won’t tell anyone that you stink.” He said then motion a little pantomime of zipping his mouth.

Hmmp! Kahit pawisan ako, mabango pa rin ako no?!” Nakataas kilay na sagot ng dalaga.

He ruffled her hair while grinning. “I know right. I’m just teasing you. Let’s go. Baka mabago pa isip mo sa panlilibre sa akin.” Atsaka iginiya ang dalaga sa kotse nito na nakaparada sa labas ng bahay. Inabutan siya nito ng face towel para ipamunas sa pawisan niyang mukha bago sila umalis at nagtungo sa pinakamalapit na fast food chain.

CLUMSY GIRLOnde histórias criam vida. Descubra agora