Meeting One Another

431 18 20
                                    


Aray! Aray ko!” hiyaw ni Alexa nang biglang mamanhid ang kanyang kaliwang binti. Hindi niya maigalaw ang kanyang paa dahil naninigas ito. Paglingon niya ay tanging siya lamang ang naroroon sa parke kung kaya’t wala siyang mahingan ng tulong. “Shit naman! Bakit ba ngayon pa. Ang sakit talaga.” Bulong niya sa kanyang sarili habang nakayuko at hinihimas ang kanyang manhid na binti.

Miss, okay ka lang?” anang isang estranghero na lumapit sa kanya nang makita siyang namimilipit sa sakit.

Mukha ba akong okay mister? Can’t you see that I’m curling in pain?” She screamed as she looked at the stranger then the pain striked again. “Aaahhhh… shit!

Biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang paa at hinubad ang suot niyang sapatos. Iniiwas niya agad iyon pero muling kinuha ng lalaki yung paa niya at marahan iyong hinilot na nagdulot sa kanya ng ginhawa. Ilang minuto lang ay nawala na ang pamamanhid ng kanyang binti.

Does it feel better now?” tanong nito matapos ibalik ang sapatos sa kanyang paa at saka tumayo at kumuha ng panyo para punasan ang kanyang mga kamay.

Ahm, yeah. Thanks nga pala.” Nahihiyang sagot ng dalaga at ngumiti sa estrangherong tumulong sa kanya.

“You’re welcome. It’s good to help someone who needs help.” At tumalikod na ito upang umalis at iwanan siya.

Hey, mister, puwede ko bang malaman ang name mo?

I’m Nash.” He said tilting only his head to face her. The guy’s not even smiling at her.

I’m Alex. Thanks ulit ha!

Okay. Bye!” Sagot nito na itinaas ang kanang kamay habang nakatalikod sa kanya at saka tuluyan na siyang iniwan.

A gentleman pero may pagkasuplado. Kailan kaya ulit kami magkikita?” ani Alexa sa kanyang sarili. He’s cute pa naman. Ilang saglit lang ay naisipan na niyang umuwi.

Kinalunesan, wala sa tamang upuan ang mga estudyante at animo nasa palengke ang lahat sa sobrang ingay. Animo ilang taon na hindi nagkita-kita gayong dalawang araw lang naman na walang pasok.

“Hey Alex, nakita mo na ba yung bagong dating na 4th Year student? Ang guwapo raw, kaya lang suplado.” Anang isang medyo chubby na babae na mamula-mula ang balat at naka-ponytail ang mahaba nitong buhok. Ang mukha nito’y medyo bilugan habang ang mga mata nito’y singkit, matangos ang ilong at manipis ang mapulang mga labi. Her name is Bea, the fashionista.

“Oo nga eh, super suplado daw at hindi palangiti.” Sang-ayon naman ng isa pang dalagita na siyang nerdy sa kanilang tatlo. Maganda din naman ito pero natatago iyon nang malaki nitong eyeglasses at parating nakalugay ang kulot nitong buhok. May braces pa ang ngipin nito. Underneath those nerdy looks, she’s really pretty; her eyes were big and round with long lashes and perfect brow na hindi na kailangan pang ahitin, her nose was small and pointed, and her lips were like that of Angelina Jolie. Wala naman talagang grado yung salamin niya at lalong walang sungki ang kanyang mga ngipin. Trip niya lang talaga ang ganoong look. And she’s the famous topnotch Reina.

Hmmm… Ano namang paki ko kung may transferee? Kelangan niyo ba talagang sabihin yan sa’ken?” Pagtataray ng dalagang tinanong sa dalawang kaibigan. Napataas tuloy ang mga ito ng kilay at tinignan siya ng may pagtataka.

Ang sungit mo! Dati-rati naman, pag may bago, kinikilala mo agad, pero ngayon, parang wala kang gana. In love ka ba?” panunukso ng isa pa na walang iba kungdi si Joven. Ito lang ang lalaki sa kanilang magbabarkada.

Puwede ba, tigilan niyo nga ako. In love ka diyan. Wala lang ako sa mood ngayon, okay?” Aniya sa mga ito as she crossed her arms and glared at them. “Maybe some other day. I’ll find that transferee that you’re talking about.” Then she turned her gaze away from them and went back to her deep thinking.

Naku, in love nga siguro tong kaibigan natin!” koro nina Reina at Bea at umiiling-iling pa habang nakatingin sa kanya.

Tse!” at hinampas niya ng notebook ang tatlo.

Samantala, naglalakad noon si Alex patungong infirmary dahil masama ang kanyang pakiramdam nang makasalubong niya sa hallway si Nash. Napakunot-noo siya nang makalapit ito sa kanya.

Hey, what are you doing here?” Taas kilay na tanong niya sa binata. Hindi naman sumagot ang binata, bagkus ay itinuro ang suot-suot nitong uniform then he chuckled.

“Ohhh, so you’re "the" transferee?” Amazed na tanong ng dalaga. She recognized the uniform he’s wearing and based on his ID lace, he belongs to the senior class.

Kinda! Dito ka pala nag-aaral.” Nakangiting tugon nito habang nakahalukipkip ang mga kamay sa kanyang bulsa.

Yeah, obviously.” Ani Alex at hinawakan ang kanyang suot na uniform then she looked at him seriously from head to toe as her brows keep on twitching.

Why are you staring at me like that? May dumi ba ako sa mukha?” anang binata na takang-taka.

Wala naman. I just wanted to see if you’re frowning or your brows are in line right now.” She shrugged her shoulders, her one hand on her chin.

Bakit naman?” Still puzzled because he felt like he’s been under keen check.

Well, sabi kasi ng mga kaibigan ko, yung transferee daw ay suplado at hindi ngumingiti. Hindi daw marunong mamansin at parating nakakunot ang noo.

“Hindi naman ako suplado. It just that I really don’t mingle that much. Besides, I’m still a newbie here. I’m in the process of familiarizing myself in this new environment.”

Really? So, how come na nakikipag-usap ka sa akin?” Nakangiting tanong ni Alex.

Hmm… Maybe because nagkakilala at nagkausap na tayo before. Saan ka nga pala pupunta?

Sa infirmary. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh.

Sa tuwing magkikita tayo, parating may masakit sa’yo.

Napansin mo ba? Hehe. Ikaw, saan ka ba pupunta?

Actually, papunta rin ako ng infirmary eh. Let’s go!” Nagngitian sila at saka sabay na tinungo ang infirmary.

----------

A/N: Naku naku naku!!!! Matagal ko na pong natapos itong story na ito at ngayon lang ako nagkaroon ng chance para i-edit ito. Pasensiya na po kung medyo malamya yung pagkakasulat. Hehehehe! Binold ko lang yung mga conversation at dinagdagan ng onting details pero di ko na binago yung way ng pagkakasulat. third person POV po ito. 

CLUMSY GIRLUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum