05: Ruin

584 14 7
                                    

Tiningnan ko ang pintong nasa unahan saka bumuntong hininga. I practice a smile. Nang makuntento sa ngiti ko ay saka ko inabot ang doorknob at pinihit ito pabukas.

"Good morning po." I greeted the person inside which is si Papa lang.

Tumingin siya sa akin ng saglit at tumango bago binalik ang ginagawang pagpupunas nang kamay ni Mama.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa kanya kanya nilang pisngi. I dropped my bag on the cushion and put the foods on the side table.

Napabuntong hininga na lang ako sa nakikitang eksena at dahan dahang umupo sa kabilang side ng kama. I looked at my mother's fragile state. Awang awa ako sa kagalayan niya at kasalanan ko yun.

If only I could turn back time, gagawin ko. Just so I can undo my mistakes. Para masalo ko kung ano man ang nangyari dati.

Tiningnan ko si Papa na alam kong disappointed sa akin kahit walang sinasabi. Ang dilim na ng kanyang ilalim na mata. Hindi na rin ito nakakapagshave.

"Pa, ako naman po ang mag-alaga kay mama. Matulog muna kayo."

Umiling siya nang hindi man lang lumilingon dito. Hinimas niya ang kamay ni mama at tumitig lang dito.

Ilang taon na bang ganito si Papa? Kahit trabaho wala na siya. Inubos niya ang oras sa pag-aalaga kay mama. Masaya ako doon. Masayang masaya, kaso sa sobrang pagaalaga niya ay nakakalimutan niya na ang kanyang sarili.

"Pa please, alagaan niyo naman po ang sarili niyo." Pakiusap ko.

Tumingin siya saglit sa akin pero agad ding binalik kay mama.

I sigh. Lagi na lang ganito. Para na siyang bingi pagdating sa pakiusap namin.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Owen na ngayon ay Grade 9 na. Galing paaralan pa ito kasi nakauniform pa siya. Nilagay niya ang kanyang bag sa sopa at lumapit sa akin.

"Hi po Ate." Hinalikan niya ang noo ko saka umikot at nagbless kay papa bago kiniss din si mama sa noo.

Tumayo ako. "Kumain ka na?"

Umiling siya. "May binili ako dyang pagkain. Kumain ka muna."

"Sige Ate." Sabi niya at nagsimula na din kumain.

"Nga pala Wen, Musta sa school?" Lumapit ako sa kanya at kumuha ng mansanas pagkatapos ay pumuntang lababo para kumuha ng kutsilyo. I started peeling the apple.

"Okay lang naman po." Narinig kong aniya at ang pagbaba niya ng baso sa mesa.

"Mabuti naman kung ganon." Inilagay ko sa dalawang plato ang prutas pagkatapos ito hiniwa. Ibinigay ko ang isa kay Owen at ang isa ay kay Papa na ngumiti lang at kumuha ng isa.

Nagpalipas pa ako dito ng ilang oras at nang pumatak ang alas-singko ng hapon ay nagpaalam na ako.

"Wag mong iwan dito si Papa, ah." Utos ko kay Owen at kinuha ang gamit saka lumabas.

------------------

"Kasi tanga ka! Ang kapal din ng pagmumukha mong hindi umiwas gayong alam mong lugar namin toh."

I just looked at my gangmate habang binubully niya ang babaeng nakabungguan niya.

Pinapabayaan ko lang naman sila sa gusto nila, besides I'm no better. Kapag ako ang makabully ay mas malala pa dyan.

I was about to close my eyes and sleep but then suddenly ay may humawak sa braso ni Jake nang ito ay sana mananampal ng babae.

Tiningnan ko ang tangang lalaking nagkalakas ng loob pumasok sa gulong di naman siya kasama. He's wearing glasses at may hawak na libro sa kabilang kamay.

Malakas niyang tinabig ang brasong hawak niya. He looked at the girl and said. "Leave now, I'll handle this."

Tumango lang ang babae at umusal ng konting salamat saka ito tumakbo paalis.

"Sino ka ba? Tangina mo ah!" Sigaw ni Jake saka kwinelyuhan ang lalaki.

Sinamaan niya ng tingin si Jake at inalis ang kamay nito sa kwelyo niya. Napansin ko ang panginginig ng kamay nito. Takot siya? Tiningnan ko ang mukha niya at parang di naman.

Napatawa ako ng malakas dahilan para mapatigil sa ere ang kamay ni Jake na mananapak sana kay Nerd.

Tumayo ako at lumapit sa kanilang dalawa. Pansin ko ang tingin ng mga ka-gangmate ko, ngunit pinagsawalang bahala ko ito. Inalis ko ang hawak ni Jake sa kwelyo ng lalaki.

Mas matangkad ito sa akin kaya kailangan ko pang mag-angat ng tingin. Nginitian ko ito saka pinagpagan ang balikat niya. Pero hindi talaga yun ang plano ko. Hinila ko ang ID niya kaya napalapit tuloy siya sa akin.

"Sage Altamirano, huh?" I smirked.

I took my phone in my skirt saka pinicturan ang ID niya. Agad ko rin naman itong binitawan at lumakad na paalis. I waved him good bye saka nginisian siya. He just stood there, shock with what happen.

Mahina tuloy akong napatawa. Tang*na! Ang cute ng tenga niyang namumula.

---------
Naimulat ko ang mata ko mula sa pagkakatulog. Pansin ko din ang ngiti sa aking labi at ang magaan na pakiramdam ko. Kinagat ko ang labi ko. May epekto pa rin pala kapag natatandaan ko ang mga pangyayaring yun.

Ngunit bumigat din ang puso ko pagkatapos natandaan ang isang bagay na nagpapagising sa aking pusong umaasa. Iniwan niya ako. Pinagpalit sa iba. Trinaydor at sinaktan. Napailing ako saka bumangon.

Nag-ayos ako ng sarili para mag-jogging sa labas. I took a towel and water with me.

Paglabas ko sa pintuan, nakita ko si Rafael sa labas ng gate. Nakasandig at tingin ng tingin sa wristwatch niya.

Tumaas ang kilay ko bago lumapit sa kanya. Lumingon siya agad sa akin nang marinig ang pagbukas ng gate.

Nginitian niya ako. "Kumusta?"

I shrugged my shoulders saka nagsimula nang mag-jog.

"Tsk. Sungit pa rin." Rinig kong aniya bago siya humabol.

"Oy, di mo ba ako na-miss? Mahigit tatlong araw mo rin akong hindi nakita ah?" Kulit niya sa akin. Patalikod pa ito naga-jog, kaya magkaharap lang kami.

I rolled my eyes. "Kapal, tsk!"

Tumawa siya. Kaya mas lalong sumama ang timpla ko. "Galit ka ba dahil hindi ako nagpaalam?" Tanong niyang ngingiti ngiti.

"As if." Wika ko saka mas binilisan ang pagtakbo kaya nalampasan ko siya.

"Hey, sorry na. Biglaan din kasi ang pagpapatawag sa akin ni dad." Paliwanag niya at humabol sa akin. Maayos na ang kanyang pagtakbo di tulad kanina na nakatalikod.

Napabuntong hininga ako. What's the use ba ng pag-iwas sa lalaking toh? Lagi naman siyang nanalo.

"Okay lang." Aniko para matapos na ang usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Possessive Ex-boyfriend (OS #4)Where stories live. Discover now