04: Bet

610 17 1
                                    


"Tangina! Pasok pa! Yees! TRAIYOS for the win!" Humalakhak ako sabay sabunot sa buhok ni Aki.

Pinalo niya ang braso ko kaya napabitaw ako sa kanya. Pero sandali lang yun dahil agad kong pinulupot ang braso sa leeg niya at pinaghahalik halikan ang pisngi niyang medyo namumula na.

Tumigil lang ako ng medyo hindi na siya pumiglas. Inalis ko na ang hita ko na nakadantay sa balikat niya at tatawa tawang bumaba sa pagkakaupo sa sandalan ng sofa.

Padausdos akong tumabi sa kanyang pagkakaupo at niyakap ang aking braso sa bewang niya.

"Paano ba yan? Talo ang HEI'Z. Libre mo lunch ko for 3 months Aki babe. Haha."

Nanonood kami actually ni Aki ng volleyball championship na ginaganap ng live sa Arizona ngayon. Malakas talaga ang apog niyang magsabi na mananalo ang koponan na gusto niya. Syempre umangal ako. Duuh. Mas sikat nga ang Hei'z pero mas magaling naman ang Traiyos hano.

Ang panangga niya naman ay hindi daw magiging popular ang isang koponan kapag hindi sila magaling. Well, I agreed. Pero mas magaling pa rin sa akin ang Traiyos. Nagtalo kami ng halos isang buong araw sa pagpipilit kung sino ang mananalo na nauwi sa pustahan.

3 months supply of libreng lunch.

Umingos lang siya sa akin at iniakbay ang kamay sa balikat ko.

I shrugged my shoulder na dinatayan niya ng kamay. "Ang bigat ng kamay mo."

"Ang bigat mo din."

Umiling ako at inalis ang yakap sa kanya. Kinuha ko ang selpon sa table na nasa unahan namin.

I rolled my eyes ng mabasa ang text ni Tita Rain. Gosh. Stressful masyado. Kung hindi pa daw ako makakahanap ng boyfriend within 2 months ay siya na ang maghahanap sa akin at ipapakasal ako agad. Kaimbyerna.

Pinakita ko ang text kay Aki. Pero ang hudyo tinawanan lang ako.

"Bakit kasi ang choosy mo sa lalaki?" Nakangiting umiling siya. "Lagi kasing nagmamaganda kaya. Matagal ka na erang may ipapakilala kay tita."

Sumimangot ako, binalewala ang pangiinsulto niya sa akin. Maya ko na lang siyang balikan.

"Hindi yun pagiging choosy noh. May standard akong tao. Syempre pipili naman ako ng maayos para naman hindi maghinala si Tita Rain."

"Malay mo ang napili mo ay ipagpilitan niyang ipakasal sayo?"

Pinalo ko braso niya sa ideyang yun. "Wag naman sana. Ayaw ko pang matali hano."

Eeew, iisipin ko pa lang na magaasawa ako ay tumitindig na balahibo ko. Ayaw ko sa ideyang may kumokontrol sa akin at kayang kayang hawakan ang buong pagkatao ko. Yung tipong pag ayaw niya, huwag. Pag ito hindi para sa kanya ay hihindi ka din.

A certain memory came to mind. Agad ko yun pinalis sa isipan. Sapat ng naging tanga ako ng isang beses. Sapat ng namalimos ako sa pag-ibig nung panahon na yun. I know for a fact na hindi mo kahit kailan makokontrol ang puso. At yun ang nakakatakot. Kaya sa kahit na anung paaran ang aking maisip ay iiwas ako kapag mangyayaring mahuhulog muli ang puso ko.

Umiling lang si Aki at kinuha ang remote sa table. Papalit palit lang siya ng tsanel. Mukhang naghahanap ng magandang palabas. Hindi ko na lang siya pinakialaman at tiningnan ang mga messages ko sa facebook.

Naghahanap ng gwapo at mukhang mabango para i-eye ball. Tongono. I'm in a need of boyfriend. Kung hindi lang dahil kay Tita Rain. Hindi ako ganito ka desperadang magkaboyfriend. Sa ganda kong to ako pa ang naghahanap ah.

Bumukas ang pintuan ng unit ni Aki. Napatayo ako agad at sinalubong si Tita Cara na mommy ni Aki ng nakangiti.

Kinuha ko ang mga ilan sa dala niya at bumeso. "Hi Tita. Hinintay po talaga kitang dumating." Humahagikgik kong ani at nauna ng tumungo sa kusina. Tumawa lang ito sa akin at tumango.

Possessive Ex-boyfriend (OS #4)Where stories live. Discover now