Chapter 3: His and Her Story

15 6 3
                                    

Tatlong linggo na din na namamalagi sa condo unit ni Jodilyn si Ali. Ikwinento ni Ali ang buong pangyayari ng paglipad niya mula sa planetang Skadudu hanggang sa mapadpad siya sa Earth.

Isang taon na naglakbay sa kalawakan si Ali, maraming nadaanang planeta pero walang buhay sa mga planetang 'yon. Buong tapang niya na pinuntahan ang bawat planeta kahit alam niyang delikado ito.

Hanggang sa makita na nga niya ang planetang Earth. Kumambyo siya papunta sa planeta pero sa hindi inaasahan, sa parteng tambutso nito ay may sumabog. Nawalan siya ng kontrol sa minamaneho. Nakapasok na siya ng tuluyan sa Earth at sa kasamaang palad ay bumangga siya sa isang eroplano. Sabay na nagpaikot ikot ito habang papabagsak sa ere. Ang eroplano ay papunta sa kanluran at ang sasakyan ni Ali ay sa silangan.

Sumadsad ang kaniyang sasakyan sa abandonadong bahay kaya walang nadamay na sibilyan. Nang subukan niya ulit itong paandarin ay hindi na niya nagawa at nagkapira-piraso ito.

Mag-isa siyang naglakbay. Hindi niya alam kung saan eksakto siya pupunta. Ni walang tumulong sa kaniya, lahat pinag-sasamantalahan siya.

Hanggang sa namalayan niya na umilaw ang singsing nito. Umupo siya sa isang sulok sa tabi ng mga pulubi. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya, naglagay din siya ng lata sa harapan niya at sunud-sunod na mga babae ang lumapit sa kaniya at naglagay ng mga pera.

Nawala ang ilaw sa singsing nito pero ilang sandali ang lumipas ay nagningning ulit ito at mas maliwanag na. Kasabay ng pagdating ni Jodilyn at ipinagtanggol siya sa mga babae.

"May iba pa ba na nakakaalam na alien ka?" Kinakabahang tanong ng dalaga. Nandito sila ngayon sa Maynila at kasalukuyan na walang pasok dahil sa mga bisita ng bansa. Nakaupo sila sa malawak na damuhan sa Luneta Park.

Mabilis na umiling si Ali. "Wala ikaw lang ang pinagsabihan ko. Kasi alam ko kapag nalaman nila, dadalhin nila ako sa isang kwarto at hihiwain ang katawan ko at kung ano-ano ang gagawin sa akin."

"Pero bakit ako?"

"Dahil sinabi sa akin ng singsing na isa kang mabuting tao. Tinulungan mo ako sa mga masasamang loob. Kaya sigurado ako na mapagkakatiwalaan ka."

Napalunok si Jodilyn. Hindi niya inaasahan ang pagiging diretso nito sa pagsagot ni Ali. Naramdaman niya na uminit ang mukha niya sa narinig. Pero umiling agad siya.

Napagkasunduan nilang dalawa na tuturuan niya si Ali sa mga pang araw-araw na gawain ng mga tao. Nagsimula sila sa pagwawalis ng kalat, sumunod ang paghuhugas ng pinagkainan kahit may ilang gamit siyang nabasag. Pero hindi nagalit si Jodilyn, bagkus ay tinawanan niya pa ito sa katangahan. Tinuruan niya din magluto ang lalaki, pati ang paglalaba.

Unti unti namang gumaan ang loob ng dalaga kay Ali. May tiwala na siya dito. Bumalik na sila sa condo matapos mapanood ang makulay na dancing fountain at ang fireworks display.

"Tutulungan kita mahanap ang lunas sa sakit na Doshlern."

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang sambit ng binata. Tumango habang nakangiti ang dalaga. "Paano?"

"Hindi ko alam sa ngayon, pero gagawa tayo ng paraan."

Kumain na sila ng hapunan, at nang matapos ay..."Ako na maghuhugas ng pinagkainan." Pagboboluntaryo ni Ali. Napangiti naman si Jodilyn saka inilapag ang plato sa lababo saka sumagot. "Baka naman may mabasag ka ulit?" Tatawa-tawang tanong pa nito. Mabilis na umiling si Ali at itinaas ang kanang kamay. "Promise, mag-iingat ako."

"Sige ikaw ang bahala."

Saka iniwan na ni Jodilyn sa kusina si Ali. Talagang pinanindigan ni Ali na ingatan ang mga hugasin niya.

ALI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon