Chapter 1: Dyadili

34 7 4
                                    


"Sakay ng isang spaceship, bumiyahe mag-isa ang pinakamagiting na nilalang mula sa planetang Skadudu upang maghanap ng gamot na makakapagsalba sa buhay ng kapwa niya Skadudus. Nagpaalam na siya sa mga kasama niya at sinimulang paandarin ang spaceship.

Halos isang linggo na din siyang bumibyahe at hindi pa niya matagpuan ang planetang kaniyang hinahanap.

Dumating sa punto na gusto na niyang sumuko pero pinipigilan siya ng kaniyang damdamin at kailangan niya pang iligtas ang mga kapwa Skadudu.

Hanggang sa may nakita siyang isang planeta. Batid niyang ito na siguro ang hinahanap niya kaya pinaandar niya nang mabilis ang spaceship.

Habang papalapit sa planeta, lalong bumibilis ang takbo ng kaniyang spaceship at hindi na niya makontrol ito.

Agad niyang in-activate ang auto-pilot pero hindi pa rin nasolusyonan ang kaniyang problema!

Nang nasa himpapawid na siya at ilang libong piye na lang ang agwat nito mula sa lupa, at hindi niya napansin na may papadaang eroplano at aksidenteng nagkasalubong ito at sumabog ang spaceship ng Skadudu.

Paikot ikot na bumabagsak ang kaniyang spaceship at ang eroplano. Hindi na alam ng Skadudu ang kaniyang gagawin habang papabagsak siya sa lupa hanggang sa tuluyan na nga itong bumagsak sa ilalim ng puno.

Nawalan ng malay ang Skadudu ng ilang minuto at nang maramdaman niya na umuusok ang spaceship ay agad niyang kinuha ang kaniyang remote singsing at in-activate ang invisible button sa kaniyang spaceship.

Wala siyang makain at nanatili sa taas ng puno hanggang sa mamatay siya. The End."

"Eh teacher Jodilyn ang bias naman po ng kwento mo eh!!!" Sigaw pa ng bata matapos silang kwentuhan ng dalaga na si Jodilyn. Isa itong public school teacher sa Marikina at oras ngayon ng klase nila nang magkwento siya.

Napahalukipkip ang dalaga. "Hindi bias ang kwento ko 'no Alex, sadyang tragic lang ng fate ng Skadudu." Banat pa ng dalaga.

Biglang tumunog ang bell hudyat na uwian na. "O sige class dismissed. Umuwi ng maaga ha, papaluin ko kayo sa pwet kapag nakita ko kayo na pakalat kalat." Wika niya pa. Sabay sabay na tumayo ang kaniyang mga estudyante at nagpaalam dito.

Nang makalabas silang lahat ay nagtungo ang dalaga sa faculty room. "Good afternoon, teachers." Bati niya nang buksan ang pinto. Umupo na siya sa kaniyang pwesto at sinimulang ayusin ang mga libro at papel ng kaniyang estudyante sa mesa.

"Mga teachers, may meeting daw sa conference room sabi ni PEN." Anunsyo ng kadarating na teacher. Ang PEN na tinutukoy niya ay ang punong-guro ng kanilang school. Si Principal Ernest Nestor also known as PEN.

Sunud-sunod na naglabasan ang mga teachers kasama si Jodilyn. Mabilis na tumakbo ang oras at natapos na ang usapan sa conference room. Naiwang mag-isa sa loob si Jodilyn at inaayos ang mga gulo-gulong upuan na iniwan ng kapwa guro.

"Teacher Jodi. Iwanan mo na 'yan sa janitor. Hindi na 'yan kasama sa trabaho mo." Hindi namalayan ni Jodilyn na bumalik pala sa conference room si PEN. Lingid sa kaalaman ni Jodilyn ay may lihim ito na pagtingin sa dalaga ngunit alam niyang wala siyang pag-asa dahil mayroon nang nobyo ang dalaga.

Isinalansan muna ng dalaga ang upuan saka humarap sa binata. "Ayos lang po PEN, wala rin naman akong gagawin sa condo pag-uwi ko. Kayo po, umuwi na po kayo." Nakangiting wika niya pa at itinuloy ang pag-aayos ng mga upuan.

Huminga ng malalim ang binata saka humalukipkip. "Hindi mo naman ako kailangan po-in. Besides, halos hindi na nalalayo ang edad natin sa isa't isa. Pero sige ikaw ang bahala, paki-lock na lang ng room pag-alis mo. Ingat."

ALI (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon