"Hayaan mo lang muna 'yon. Yun ang unang magaapproach sayo, pustuhan tayo." Nagawa pa talaga niyang makipagpustahan sa akin.

"Bahala siya. Kung ayaw niya edi wag. Sige punta na muna ako sa station. Naiinis lang ako." Tumayo ako at nagpaalam muna bago lumabas.

Naglalakad nako papuntang station ng masalubong ko si Dr. Sanchez.

"Nurse Aura." Tawag sa akin ni Doc.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ano po 'yon?"

May iniabot ito saakin na clipboard. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

"Pakibigay yan kay nurse Norma. May dadaanan pa kasi ako kaya pakibigay nalang. Salamat." Nakangiting sabi niya.

"Ah. Sige po. You're welcome." Kinuha ko ito at nagpaalam na.

Pagpunta ko sa station ay agad kong nakita si nurse Norma na nag tatype sa computer.

"Ate." Umupo ako sa katabing upuan nito.

"Yes, Aura?" Sabi niya habang patuloy sa pagtatype.

"Pinapabigay ni Doc Sanchez." Binigay ko sa kanya ang hawak kong clipboard.

"Ay. Salamat. Eto yung kanina ko pang iniintay." Kinuha niya ito at ngumiti.

"Kamusta na nga pala yung pasyente sa 329?" Dagdag ni Ate Norma.

Ngumiti ako ng tipid kahit na hindi naman siya nakatingin.

"Ah, yun ba? Ang sungit ate eh. Ang sakit sa ulo sa totoo lang." Parang batang pagsusumbong ko.

Narinig kong tumawa si ate.

"Ganun lang talaga yun. Hayaan mo lang. Basta gawin mo yung dapat mong gawin bilang nurse." Paalala niya.

"Opo, ate." Kinuha ko ang clipboard ko at nagsimula magcheck.

Lumipas ang mga oras. Natapos ko ng i-check ang iba pasyente pwera lang sa kanya. Nag rounds kasi ako. Tinungo ko ang kwarto niya. Kumatok muna ako bago pumasok.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Nilapitan ko siya at sinuri ang kanyang nakabendang mukha.

Napaisip ako. Ano kaya itsura niya noon? Gwapo kaya siya? Natatawa ako sa mga pinagiiisip ko ngayon. Chineck ko muna siya kung ayos ba ang sistema ng katawan niya. Bago lumabas ay napasulyap ulit ako sa kanya. Ngumiti ako ng tipid at tuluyan ng lumabas.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker area at nag out na. Bago pa man ako makalabas ay nasalubong ko si Kuya Janitor.

"Nurse, wag ka muna umalis!" Humihingal na sabi niya.

Napakunot noo ako. Bakit kaya? Eh out ko na.

Kumunot ang noo ko. "Bakit po?"

"Y-Yung pasyente kasi sa 329 mukhang binabangungot! Palabas na sana ako ng kwartong 'yon dahil kinuha ko ang basura ng magsisisigaw siya. Ayoko naman po lapitan dahil madumi po ang mga kamay ko at baka maimpeksyon ko ang mga sugat niya kaya agad ako naghanap ng nurse o doktor. Sakto ikaw ang unang nakita ko." Aniya. Mabuti na lang at nasa third floor din ang locker area naming mga nurse at medyo malapit ito mula sa kwarto ni Migi.

Nagpasalamat ako sa kanya at dali daling tumakbo papunta sa kwarto ni Migi. Pumasok agad ako at tama nga si Kuya. Binabangungot nga ito.

"Wag mo gawin sa akin 'to!" Nagsisisigaw ang lalaki.

Nilapag ko sa isang upuan ang mga gamit ko at linapitan siya agad at dahan dahang tinapik tapik. Maingat ko iyon ginawa at baka matamaan ko ang mga sugat niya.

"M-Migi??" Patuloy ako sa pagtapik.

"No!!!"

Nagising na ito at hingal na hingal. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Hinayaan ko lang siyang gawin yun. Baka kailangan kasi niya ng kaibigan ngayon.

Niyakap ko rin siya pabalik. Patuloy pa rin ako sa pagiingat at baka may matamaan ako. Umiyak siya.

"Okay lang 'yan, Migi. Kaya mo 'yan." Pagaalo ko sa kanya.

"Bakit ganun? Binigay ko naman sa kanya lahat pero bakit niya nagawa akong lokohin?" Nakakabigla man ang pagoopen niya sa akin ay tingin ko mas makakabuti ito.

Tahimik lang ako. Hinayaan ko lang siya magsalita.

"Mga walang hiya sila! Matagal na pala nila akong niloloko. Niloko ako ng walang hiya kong kaibigan at ng girlfriend ko! She fucking cheated on me!" Pagpapatuloy niya. Bahagya akong nakaramdam ng awa. Grabe naman sila.

"Sila ang dahilan kung bakit nangyari sa akin ito." Unti unti na rin siyang tumigil sa pag iyak. Iba pala ang pakiramdam pag lalaki ang umiyak. Masyado kasing mapride yung iba. Hindi nila papakita sayo na mahina sila.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan siya. Sakit, lungkot, galit, inis at pagmamahal ang nakita ko sa kanyang mata.

"Alam mo, wag mo silang iyakan. They are not worth your tears. Ang gawin mo, magpakalakas ka hindi para sakanila kundi para sa sarili mo." Advice ko dito.

"T-Thanks." Nahihiyang ngumiti ito sa akin.

"Sorry nga pala sa inasal ko kanina." Pabulong na sabi niya pero enough na para marinig ko.

"Okay lang! Sanay na kami. Smile kana! Kaya mo 'yan!" Tumawa ako. At nag fighting sign pa parang yung sa mga koreana.

Tumawa rin ito kahit mahina lang. Pero masaya ako dahil may progress na. Medyo nag open up na ito sa akin. At masaya ako dun. Kailangan lang siguro ng oras pa para matulungan ko siya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon