X- Enigmatic Motivations (Volume One Final Chapter)

Start from the beginning
                                    

"Ah, oo naman." Kahit nabigla ay tumugon pa rin ako sa kaniyang tanong.

Bagay nga sa kaniya ang nickname

Kendragon.

Pero sa totoo lang, sinabing iyon ni Kendra ay napag-isip-isip ako.

"Sa tingin ko ay tama ka sa sinabi mo." Inayos ko ang salamin ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"And sa mga nakikita ko sa statistics, unti-unting nagkakaroon ng ingay ang pangalan ni Yoseff. Which is good actually. Iyon nga lang, may ilang hindi natutuwa.

Lalo na si Spencer. Oo, alam ko at magaling nga siya. He is very competitive on this track. Pero, the way he perceives competition may become unhealthy. He treats others as rivals, lalo na kay Yoseff."

Matagal ko nang kilala si Spencer. Isa siya sa mga batikang manunulat simula pa noong nasa grade school pa lang kami; nakikita ko rin sa kaniya ang matinding passion sa pagsusulat. At napakarami na nga n'yang na-achieve hindi lang sa Journalism, kung hindi pati na rin sa ibang academic at extra-curricular activities.

Pero sa kabila noon ay mas lamang ang pagiging competitive nito at ang layuning ungusan ang iba. Natatakot pa rin ako kay Yoseff, pero hindi ko naman hahayaang tapakan lang siya nang gano'n lang.

"Challenge nga iyon para sa kaniya," ani Kendra habang patuloy ang paglalakad-lakad niya.

Saka ako muling nagwika: "Ito na siguro ang tamang oras para matuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa without someone to lean on.

"Kailangan niyang matuto na hindi dumepende sa iba, instead ay humugot siya ng lakas mula sa kaniyang sarili. Pero alam ko, makakayanan ni Yoseff 'yon."

May kompiyansa ako kay Yoseff. Sa nakikita kong enigma sa kaniya, alam kong hindi siya naririto sa Joint para lang sa wala.

"Hope so," she rebutted with a slight snarkiness on her tone of speaking saka na siya umalis. Kaya ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Pero may kumatok sa pinto ng aming office. Ako na ang nagprisinta na buksan ang pinto, at pagbukas ko, it was Harris na nasa labas.

"May gusto pong kumausap sa inyo, Sir Lysandre, Miss Kendra," he said with a serious tone. Then a familiar guy wearing a maroon-colored blazer came in. We already knew his place based on what he wears dahil hindi lang din basta-basta makapagsusuot ng ganoon ang isang estudyante ng USF.

"Wonder if I come in? Mukhang naabala ko kayo, pero saglit lang naman ako," he requested. May halong paggalang ang tonalidad ng kaniyang pananalita kahit na naroon ay awtoridad.

"Our pleasure, Mr. President," Kendra answered with such please.

His radiant aura lingers within the four corners of our office. It is powerful to the point that you cannot mess with this guy. It's really hard to mess with him.

He coughed before speaking, "We would like to commend you to sa naging takbo ng Press Con. I really know na magkakaroon ulit ng puwesto ang USF sa over-all standings." His voice is like whiskey--suwabe lang pero may tapang.

"Thank you, Mr. President sa support ninyo. Hindi rin naman magiging possible ang lahat ng ito without the efforts of our staff at ang mga bumubuo ng Joint," pag-e-explain ko naman habang patingin-tingin din ako kay Kendra na tumatango sa mga sinasabi ko.

"Oh, shucks! Drop with Mr.-President-thingy! Para namang hindi tayo magkakakilala." He tapped my shoulders as if he's trying to be cool. He then flashed his rabbit smile towards ours. Well, maybe that's the way how Jericho Aguirre, the president of the Supreme Student Council swoon all of the people around him.

The Graphophiles' Joint | Volume OneWhere stories live. Discover now