VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part One)

863 51 10
                                    

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

LUNES, SIMULA na naman ng panibagong linggo at panibagong struggle para mabuhay. Kumusta naman ang ine-edit na article ko? Sa susunod na linggo na ang deadline of submission. Pero hindi ko pa ito nasisimulan. Hay, buhay nga naman.

Sa totoo lang, wala pa akong naititipa sa laptop ko. Napakaaga ko pa namang gumising para lang makapagtipa sa laptop. Base kasi sa nabasa ko sa Facebook, 'yong mga "Psychology says..." na 'yan, mas lumalakas ang stimulation ng mga ideya natin sa mga oras ng madaling-araw. Pero sa kaso ko, walang epekto iyon.

Ilang oras na akong nakatitig sa harap ng MS Word habang nagbi-blink ang cursor. Lutang na nga, nangangapa pa sa dilim dahil wala kang kaalam-alam sa Journalism.

Parang napaka-unreliable ng sources na iyon. Paandar lang siguro ng mga dalubhasa-kunong scientists--placebo effect ba? Iniisip nila na sa ganoong circumstances nagiging effective ang isang bagay, kaya nagiging mabisa nga. Mukhang maniniwala pa ako sa pag-aaral na masama raw sa kalusugan ang pag-inom ng tubig.

"Maganda naman 'yong flow ng pagsulat mo sa Feature article na ipinasa mo. Iyon nga lang, yong ideas mo kasi ay nagkakaroon ng sort-of na contrasts sa isa't isa. Para bang hindi na tumutugma sa main topic."

Sumulpot pa tuloy na parang kabute ang tinig ni Sir Lysandre na patuloy na nag-e-echo sa utak ko. Iyon ang naging komento niya sa entry ko na ipinasa. Noong nakaraang araw pa ito buhat noong kausapin niya ako, pero malakas pa rin ang impact sa akin ng mga sailtang iyon.

"When writing a newspaper article, especially sa Features, you should rely more on factual informations. Magkaiba kasi ang pagsusulat sa Journalism at ang sa Literature."

Mukhang maduguang revision ang marapat kong gawin. Walang makapagsasabing madali o mahirap ito. Pero pinuputakti na ako ng stress (kulang na lang at ingudngod ko na ang pagmumukha ko sa mesa, ora mismo).

Gayumpaman, may na-realize ako habang binabasa ko ulit ito. Ewan ko lang ba at bakit biglang ipinasampal ito sa akin.

Sadyang makapangyarihan pala ang bawat salitang binibitiwan ng isang manunulat. Imagine-in na lang kung hindi naisulat ni Dr. Jose Rizal ang dalawa niyang mga nobela--malamang ay patuloy pa tayong inaalipin ng mga dayuhang mananakop at malamang ay malamlam pa rin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa ngayon.

Dahil napaka-maimpluwensiya, maaaring baguhin din ng mga salita ang bawat disposisyon ng tao sa buhay. Maaaring magdulot ito ng galak, ng pighati, ng poot, depende sa gustong iparating ng manunulat.

Kung ano-ano na naman ang kasabawang sumasapi sa akin. Baka dulot lang ito ng gutom, o ano...kahit na sumasagi na rin sa isip ko ang mag-back-out na lang sa Joint.

Oo, seryoso ako sa desisyon ko. Napag-isipan ko na ring bumitiw. Pero iyon nga...papaano na lang ang lahat kung gagawin ko iyon?

---

Vacant dapat ang buong araw kong ito, pero may dapat pala akong attend-an na SJC (Special Journalism Class) na ginagawa linggo-linggo mamayang hapon. Isa itong specialized subject sa SHS na kinukuha ng mga kasali sa school paper organization. Ang bawat attendance sa klase ay pandagdag-puntos na rin para sa grades namin sa Language o Literature-related subjects.

Dahil opisyal (kahit saling ketket lang) na bahagi na ako ng Joint ay required na rin akong maka-attend ng bawat session. Mukhang malaking bagay rin naman ito, kahit papaano. Dahil baka marami naman akong matutunan tungkol sa Journalism kapag um-attend ako.

At isa pa, may laban din ngayon para sa basketball sina Wilbur, at pinilit ako ng mga ilan kong kaklase (kasama na si Lew) para manood. 'Yan tayo, eh. Mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa assignments na ipapasa na bukas. Napakagaling.

The Graphophiles' Joint | Volume OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon