"Naalala mo si Theosese? Yung demigod na anak ni Hephaestus?" tinanguan niya ako.

"Office niya ito dati... at dito ko rin nakita ang litrato namin ni mama.. kaya pakiramdam ko may iba pa kaming konekyon aside sa half-brother ko siya." giit ko.

Natagalan siya sa pagsagot.

Bumaba ang mga mata ko sa mga sulat na nakalapag sa mesa.

"at ang mga sulat na'to.. galing sa lola ko." dagdag ko.

Kaano-ano ba sila ni Theosese?

May kumatok sa labas kaya napalingon ako.

"It's me. Pinapatawag na naman ako. I'll be back and see if I can help. Bye." nagmadali siyang lumabas sa secret room.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Umupo ako.

Akala ko ba si Cesia lang ang may magulong nakaraan dito. Pati ako nalilito na sa sarili ko.

Isa-isa kong binasa ang mga sulat.

'T, magkita tayo sa hall. ~M'

'T, I have read your book. Ang galing mo. Nice handwriting too! ~M'

'T, Thank you for accompanying me in the clinic ~'

'T, maraming pasyente dahil sa boar hunt. Can you help me here? ~M'

Lahat ng nababasa ko ay may T at M na nakalagay. Halata naman siguro na initials yun ng dalawang tao. Theosese and Matilda.

Normal lang naman yung mga sulat na nandito eh. Malapit ko ng maubos lahat ng mga papel at dalawa nalang ang natira.

'T, sana patawarin mo'ko sa nagawa ko. I will leave the Academy for Good. I am sorry. Sorry... ~M'

Kumunot ang noo ko. Naiiba ang sulat na'to. Tinignan ko ang mga sulat na nakakalat. Kinuha ko ang mga sulat na mas seryoso ang content.

'T, I'm sorry... ~M'

'T, patawarin mo na ako please ~M'

'T, tulungan mo ako ~M'

'T, Iniwan niya ako.. Natatakot ako.. ~M'

'T, wag mo akong puntahan ~M'

PUTANGINA. BA'T AKO NATATAKOT PARA SA KANYA.

"Dapat kasi naka order to base sa panahon ng pagkasulat eh!" ginulo ko ang buhok ko.

Nakarinig ulit ako ng mga katok.

Inilagay ko sa loob ng maliit na box ang mga sulat saka lumabas ng silid.

Hinintay ko munang maglock yung gumagalaw na pader bago buksan ang pinto ng mechanical room. Natagpuan ko si Bo na namumula ang mukha.

"Gagong bartender na yon!" mabibigat na mga hakbang ang ginamit niya papunta sa gitna ng room.

Hula ko nakainom na naman to at nakakita ng away.

Tinago ko ang kahon sa likod ko saka siya pinuntahan.

"Bo.. may alam ka bang demigod na pwedeng makaano... yung nadedetermine niya kung kailan nagawa yung isang bagay.. ganun.."

Siningkitan niya ako ng mata kaya nakaramdam ako ng kaba.

Mayamaya'y, umiling siya.

"Walang gano'n." sagot niya. Buti naman at hindi siya nagtaka kung bakit tinanong ko 'yun.

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now